NATITILIHAN pa rin akong nakatingin kay papa.
“Elen, alam kong mahirap para sa iyo ito, pero ikaw lang ang tangi naming pag-asa, anak. Kung ako lang, payag akong makulong, pero ang iyong mama…” Saglit itong tumigil, “Hindi ko kaya…” Halos hindi lumabas sa bibig ni Papa ang mga katagang ‘yon.
Muli akong napatingin kay Mama.
Nakita kong nakayuko ito habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.
Ang dating elegante awra nito ay napalitan ng pagkalugmok… dahil doon, nagkaroon ako ng tapang.
“Pu-pumapayag na ako, Papa!” Sang-ayon ko.
Nakita kong tila nabunutan ng tinik si Papa.
“Sa-salamat anak..”
NANG gabing ‘yon, naging panauhin ko si Daniel.
Naabutan ko siyang nakatayo sa aming sala, patalikod sa gawi ko. Mabilis siyang lumingon nang maramdaman ang paglapit ko.
“Elen! How are you? Napanood ko ang—" hindi na niya itinuloy ang sasabihin.
Tumitig siya sa akin.
“I’m okay..” Mahina kong sabi.
Marahan niyang hinawakan ang balikat ko at kinabig palapit sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang gumanti ng yakap na tila ba doon kumukuha ng lakas.
Ilang saglit din kami sa ganoong puwesto bago ko naramdaman ang pagluwag ng yakap niya at marahang hiwakan ang dalawa kong kamay.
“If there’s anything I can do to help, just tell me. You know I’m here for you, right?”
Marahan akong tumango bilang tugon.
HABANG nagpapahinga sa aking kuwarto, hindi ko maiwasang isiping balikan ang lahat — ang tila perpekto kong buhay —may restoran, may kasintahan, at may ama, ina at kapatid. Ngunit sa isang iglap, lahat ay maaaring magbago.
Hindi ko alam kung solusyon nga ba o problema ang hatid ng pagdating ng isang Adrian Verilli sa buhay namin.
KINABUKASAN…
Maaga akong gumayak noong araw na iyon para sa magiging meeting namin ni Adrian Verilli. Inalis ko ang lahat ng kaba na unti-unting kumakain sa akin.
“Hindi puwede…Hindi ngayon…” Napabuga ako ng hangin bago ko sinipat ang sarili ko sa salamin.
Isang bestidang pula na hanggang tuhod na tinernuha ko ng angkop na pampaa. Bumagay ang bestida sa aking katawan. Ang maliit nitong belt ay nag-emphasize ng maliit kong baywang. Nang makuntento, mabilis na akong bumaba.
Nadatnan ko sina Papa at Mama sa hapagkainan. Agad na paangat ang tingin nila sa aking pagdating. Naramdaman ko ang tensyong bumabalot sa paligid ng mga sandaling iyon—ngunit binalewala ko; lumingos ako sa paligid.
"Si Eljohn?" Hanap ko sa kapatid.
"Marahil nasa kaibigan niya," sagot ni Mama.
Hindi na lang ako kumibo.
“Elen, gusto ko lang malaman mo na hindi namin ito ginusto,” sinserong sabi ni Papa.
“Don’t worry, Papa, hindi ko kayo sinisisi; naniniwala akong hindi niyo magagawa ang bagay na binibintang sa inyo.”
“Maraming salamat, anak.” May bahid ng lungkot ang boses niya.
Lihim akong napabuntunghininga; pinilit kong tinago ang takot at kaba sa aking dibdib.
Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin, ngunit isang bagay lang ang nasisiguro ko: para sa aking pamilya, gagawin ko ang lahat, kahit pa ang pinaka-imposibleng bagay.
Virelli Corporation Headquarters
Huminto ang sasakyan ko sa harap ng isang napakataas at modernong gusali.
Humugot ako ng malalim na hininga bago tuluyang bumaba.
Para kay Mama… para kay Papa…
Ilang minuto lang ay nasa loob na ako ng isang malawak at malamig na opisina.
“Miss De Vera, please wait here. Mr. Virelli will be with you shortly.” Sabi ng nagpakilalang secretary nito.
Tumango lang ako.
Nakaramdam ako ng kaba sa pagtalikod ng babae.
Hindi ko namalayan kung gaano katagal akong naghihintay hanggang sa biglang bumukas ang pinto.
Nakita ko ang isang lalaking matangkad.
Matikas ang tindig.
Nakasuot ng mamahaling suit na tila perpektong hinulma para sa kanya.
Matalim ang panga at ang mga mata niya—madilim, malamig… at parang walang emosyon.
Si Adrian Virelli —strikingly handsome.
Agad kong pinigilan ang aking sarili.
"Andito ako hindi para humanga sa lalaking ’ito!” Pinagalitan ko ang aking sarili.
“So, you are Miss Elen De Vera.” Walang emosyon ang tinig nito—malamig.
Napalunok ako bago tumango.
“Mr. Virelli…”
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa harap ko at umupo sa kanyang swivel chair na hindi nag-abalang alukin ako ng upuan.
“Di bale, hindi naman ako magtatagal!” bulong ko sa sarili.
Tinitigan lang niya ako — diretso.
Walang kabakas-bakas na kung anong emosyon.
Nakaramdam ako ng pagkailang ng makita kong hinahagod niya ng tingin ang aking kabuuan na tila ba sinusuri at hinuhusgahan.
“I know why you're here…”
Pinilit kong tumayo nang tuwid.
“Mr. Verilli–”
“I can save your parents, alright,” agad nitong agaw sa sinasabi ko.
Napatingin ako sa kanya.
“I can make everything disappear but—” saglit itong tumigil at tumingin muli sa akin.
“—nothing comes for free, Miss De Vera.”
Napahigpit ang hawak ko sa aking bag.
“Anong… kapalit?” Halos pabulong kong tanong.
“You will give yourself to me.” deretsong sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Hinahanap ko ang katotohanan sa binitawan nitong salita.
Kailan pa nagkaroon ng interest sa babae ang isang taong-yelo?
At natakot ako sa aking nakita sa kanyang mga mata —GALIT!
Kung para saan? —Iyon ang hindi ko alam!
Itutuloy…