CHAPTER 3

899 Words
“I’M NOT FOR SALE! Mr. Verilli!” matatag kong sabi. “I’m not trying to buy you. That’s not necessary—” Saglit itong tumigil sa pagsasalita “—but you, on the other hand, Ms. De Vera, are the one who needs me.” “What do you really want?” Tumaas muna ang sulok ng labi nito. “I want you to serve me as my personal servant.” “Pa—personal servant…?” Halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. “Yes.” diretsong sagot nito. “You will stay under my roof.” “You will follow my orders.” “And when required—” Bahagyang tumigil ang boses niya. Ngunit hindi nagbago ang ekspresyon. “—You will attend to my personal needs.” Napaatras ako ng isang hakbang. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. “Think carefully, Miss De Vera.” Mas malamig ang boses. “Your parents’ lives—” “or your freedom.” Hindi ako kaagad nakapagsalita; hindi maproseso ng isip ko ang mga sinabi ng lalaki. “Kung hindi mo kaya, pwede ka nang umalis— I don’t have time to wait—” “Pumapayag na ako,” mabilis kong sagot. Maging ako ay nagulat sa lumabas sa aking bibig. Tumitig sandali sakin ang lalaki—nangaarok. “Good.” Pinindot niya ang isang button sa kanyang mesa. Pumasok ang secretary nito. “Prepare the contract,” malamig niyang utos. “Yes, sir.” Hindi nagtagal, inilapag ng babae ang dokumento sa mesa sa harap ko. Alam kong kapag pumirma na ako don ito ang magiging selyo ng kapalaran ko. “Read it.” Walang emosyon ang boses ni Adrian. Umupo ako. Bahagyang nanginginig ang mga daliri ko habang binubuksan ang unang pahina. Bawat salitang nababasa ko ay parang unti-unting humihigpit sa dibdib ko. Napahinto ako nang mabasa ang — Personal service clause. Napalunok. “Is there a problem?” Muli akong napatingin sa kanya. Nakatayo siya sa likod ng mesa —malamig ang ekspresyon ng mukha. “No-nothing” mahina kong sagot. Kahit na ang totoo—Marami. Napakarami! “Once you sign that,” malamig niyang dagdag, “there’s no turning back.” Parang mas lalong bumigat ang papel sa kamay ko. “Kapag pumirma ako… tutulungan mo ang pamilya ko?” Diretso akong tumingin sa kanya. Kailangan kong makasiguro. “Yes.” Walang pag-aalinlangang sagot niya. Sapat na sakin ang aking narinig. “Your parents’ case will be handled.” “I’ll take care of everything.” Pumikit ako sandali. “Para kay Mama… para kay Papa…” Dahan-dahan kong kinuha ang bolpen na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Para bang biglang bumigat ang bolpen na iyon sa pagkakahawak ko. Huminga ako nang malalim. At saka pumirma —ELEN DE VERA Tahimik kong ibinalik ang bolpen sa mesa. Hindi ko na kayang tumingin pa sa kontrata. Hindi ko na kayang balikan ang desisyong ginawa ko. “Done.” Kinuha ni Adrian ang dokumento. Sinuri niya ito sandali bago siya pumirma sa kabilang bahagi. “Effective immediately.” Napatingin ako sa kanya. “Immediately…?” “Yes.” Diretso ang tingin niya sa akin. “Starting today, you belong under my authority.” Nanlamig ang buo kong katawan sa salitang iyon. “Pack your things,” dagdag niya. “You’re moving in tonight.” Hindi ako agad nakasagot. Parang hindi pa rin nagsi-sink in ang lahat. Ngayong umaga lang — isa akong anak. May sariling buhay. Ngayon—pag-aari na ako ng iba…ang buhay at kalayaan ko ay hindi na akin… “Any questions?” Marahan akong umiling. Wala na rin namang saysay kung magpo-protesta ako. “Good.” sabi nito bago tumalikod. “Don’t be late, Miss De Vera.” Tahimik akong lumabas ng gusaling iyon dala ang bigat ng dibdib — “Para kay Pama at Papa,” mahinang ulit ko. HOURS LATER… “ARE YOU OUT OF YOUR MIND?” mariing sabi ni Lia nang marinig nito ang kwento ko. Wala akong choice kundi maglabas ng aking hinaing sa kaibigan—ito lang ang lubos kong pinagkakatiwalaan. “I had no choice, Lia, alam mo yan!” “Bakit hindi mo subukang kausapin si Daniel? Baka matutulungan ka niya. Di ba kasosyo sa negosyo ng Mama at Papa mo ang parents niya?” “Ang sabi ng Papa, ang parents lang ni Daniel ang hindi nagsampa ng kaso laban sa kanila alang-alang sa akin…” “Pero paano kayo ni Daniel? Elen hindi papayag ‘yon!” Saglit akong hindi nakapagsalita. “Sino ba naman ang lalaking nasa tamang pag-iisip na papayagan na magpaalipin sa iba ang kanyang kasintahan?” bulong ng isip ko. “Ewan ko, Lia. Gulong-gulo ang isip ko! Ayokong makulong si Papa at Mama—hindi ko kakayanin ‘yon!” Malakas na napabuntunghininga si Lia Tuliro pa rin ang isip ko na umuwi ng bahay –ngunit mas nagulat pa ako sa aking nadatnan. Si Mr. Verilli. Nakatayo sa mismong pintuan ng aming bahay – na tila ba siya ang nagmamay-ari. Matiim siyang nakatingin sa akin habang bumababa ako ng sasakyan. “What are you doing here?” mahina ngunit mariin kong tanong. “I told you —ayoko ng pinaghihintay,” malamig na tugon niya bago tumalikod at sumakay sa sasakyan. Nakauwang ang labi nang sinundan ko siya ng tingin. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD