CHAPTER 4

896 Words
“DRIVE!” malamig na sabi ni Adrian sa driver, pagkapasok ko pa lang sa loob ng sasakyan nito. Bahagya akong napasulyap sa kanya na tila nililok na rebulto sa kanyang pagkakaupo. Diretso ang malamig nitong tingin sa unahan. Nakapinid ang manipis niyang labi. “Enjoying the view?” Mabilis akong nagbawi ng tingin. Hindi ko na napansin ang pagtaas ng sulok ng labi ng lalaki. Hindi nagtagal, huminto ang sasakyan sa napakalawak na driveway. At sa dulo—matikas na nakatayo ang napakalaking mansion. Nanlaki ang aking mga mata; halos ilang dobleng laki nito sa bahay namin. Modernong disenyo, puro salamin at marmol, may mataas na haligi. Pagbukas ng pinto ng sasakyan, hindi man lang ako nilingon ni Adrian. Diretso siyang naglakad papasok. Wala akong choice kundi sundan siya. Pagpasok ko sa loob, lalo akong nanliit. Napakataas ng kisame. May napakalaking chandelier na kumikislap sa gitna. Ang sahig ay marmol, at bawat sulok ay malinis—halos walang bahid ng kahit anong kalat. “Welcome, sir.” Isang lalaking naka-uniform ang bumati kay Adrian. Tumango lang siya. Pagkatapos ay napatingin sa akin. “Follow me,” dinig kong sabi ni Mr. Verilli. Sumunod ako. Dinala niya ako sa isang bahagi ng mansion—tahimik na hallway ang aming dinaanan. Huminto siya sa isang pinto at binuksan iyon. “Your room.” Malinis. Maayos. Kumpleto. Pero—malayo sa sarili kong silid –isa itong silid para sa isang empleyado. “What do you expect, Elen?” Mahina siyang napabuntunghininga. “Change into something appropriate tomorrow.” Bigla akong napatingin sa kanya. “Appropriate?” “Something simple. Hindi ka narito para magparada ng sarili mo,” Parang may kung anong tumama sa pride ko. Pero pinigilan ko ang aking sarili. “Yeah, right!” “Your duties start at 6 AM.” “Don’t be late.” At pagkatapos, lumabas siya ng silid at naiwan ako sa loob ng maliit na silid. Marahan akong napaupo sa maliit na kama. Ngayon, unti-unti nang nagsi-sink in sa akin ang bunga ng aking desisyon. Bigla ko naalala ang pagpapaalam ko kay Mama at Papa kanina; “Sigurado ka ba na sasama ka sa kanya?” “Mama kasama ‘yon sa aming kasunduan bilang kanyang personal secretary” At least kahit papaano, may katotohanan naman ang sinabi niya – hindi ko na lang dinitalye ang aming kasunduan ni Adrian dahil ayokong mag-alala pa ang mga ito. “Basta mag-iingat ka, anak. Tawagan mo kami kahit anong mangyari,” nag-aalalang bilin ng kanyang ama. “I will, papa!” Mahigpit akong niyakap ng mga ito bago ako lumabas ng bahay. Muli kong inilibot ang aking mata sa loob ng maliit na silid bago pumasok sa maliit na banyo na nasa loob ng silid. KINABUKASAN Maaga akong nagising. Eksaktong 6:00 AM, nasa kusina na ako— malaki ito sa karaniwang kusina at moderno ang mga kagamitan. “Coffee. Black.” Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Adrian. Napalingon ako. Nakatayo ito sa may pintuan, nakasuot lang ito ng robe at basa pa ang buhok. “O-okay…” Mabilis akong kumilos. Hindi ko alam kung anong timpla ng kape ang nais niya—pero ginawa ko. “Bahala na!” Ilang minuto lang, inilapag ko ang kape sa harap niya. Tiningnan niya iyon. Pagkatapos, tumingin muli sa akin. “Too slow.” Parang malamig na kutsilyo ang boses niya. Nanikip ang dibdib ko. Pero hindi ako sumagot. “Follow me,” sabi nito sa akin pagkatapos makalahati ang tasa ng kape. Sumunod ako. Dinala niya ako sa kanyang kwarto. Mas malaki pa sa buong restoran ko. May walk-in closet na halos parang isang boutique. “Prepare my clothes.” Natigilan ako. “Ha?” Napatingin siya sa akin—malamig. “Do I have to repeat myself?” Mabilis akong kumilos. Pumasok sa closet. Dose-dosenang mamahaling suit. Sapatos na nakaayos, parang display. Mga relo na siguradong mas mahal pa sa buong kinikita ko sa isang buwan. Pinili ko ang isang suit na grey. Halos nanginginig ang kamay ko. Paglabas ko, inabot ko iyon sa kanya. “Next time, be faster.” Muli niyang sabi habang inaayos ang cuff ng kanyang damit. Tumango lang ako. “Prepare my breakfast,” muling utos nito. Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Biglang tumalim ang tingin nito sa akin. “A-anong gusto mo?” Mahina kong tanong. Hindi siya sumagot agad. Tinitigan lang niya ako. “Figure it out.” Napakuyom ang palad ko. Pero tumango pa rin ako. Pumasok ako sa kusina. At nagsimulang magluto. Habang ginagawa ko iyon—isa lang ang naglalaro sa isip ko. Kaya kong gawin ang lahat ng trabaho, pero hindi ang pakituntuhan ang lalaking katulad niya na kasing lamig ng yelo! Ngunit nangsumagi sa akin ang mukha ni Mama. Ang boses ni Papa. Wala akong choice. Ilang sandali pa, inilapag ko ang pagkain sa mesa. Tiningnan niya ito. Bago tumikim, walang kahit anong reaksyon. “Acceptable.” Maya-maya ay malamig na sabi nito. Nakatayo lang siya malapit dito habang kumakain ito, at nang matapos ang lalaki, lumakad na ito patalikod at lumabas ng kusina. “Marahil tapos na ang obligasyon ko sa kanya ngayong araw” Bumalik ako sa aking silid. Malakas na tunog ng aking cellphone ang sumalubong sa akin. Daniel Calling… Saglit ko munang tiningnan ang screen bago bantulot na pinindot ang ‘Answer’ button. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD