SIMULA
Ako si Izza Rivera— pangalang ipinangalan sa akin ng aking ina.
“Izza, balang araw, magiging katulad ka ng isang bituin na titingalain at hahangaan saan mang sulok ng mundo,” naalala kong sabi ng aking ina.
At hanggang ngayon pinaniniwalaan ko iyon.
Sa umaga, isa akong mahinhing guro sa preschool, propesyong natutunan kong mahalin dahil nakukuha kong pagmamahal sa mga inosenteng bata.
“Thank you po, Teacher Izza!” sabay-sabay na wika ng mga bata.
“Goodbye, kids, see you tomorrow!” masigla kong sagot sa mga ito.
“Oh, Teacher Izza, mukhang may date ka ah!”
“Ay naku, Teacher Bell, wala pa sa isip ko ang bagay na iyan,”
“Ouch!” sabi nito, sabay tingin sa kasamahan naming gurong lalaki—si Teacher Rafael. “Eh, paano ba ’yan? Hindi ka pa nag-uumpisa; mukhang basted ka na!”
Narinig kong bulong nito kay Rafael. Nakita kong kumamot ito sa batok.
“Oh, siya , mauna na ako sa inyo! Babusshh!!!”
Nagmamadali ang aking mga hakbang; may hinahabol akong oras.
Kung sa umaga ang mundo ko ay umiikot sa chalk at krayola. Pagpatak ng gabi—kapag tumunog na ang huling kampana ng school at naitago na ang mga laruan, at ang langit ay dumilim na sa labas ng bintana—isa akong babaeng nangangarap sa harap ng salamin ng isang mundong tila kay hirap abutin.
Palihim siyang nag-i-scroll sa aking lumang cellphone habang naglalakad, muli kong minasdan ang ang mga larawan ng supermodel sa Paris, Milan at Madrid.
“Balang araw, sisikat din ako!!” bulong ko.
Dalawampu’t tatlong taon na ako, ngunit kailanman hindi ko pa naranasang umibig, hindi dahil sa ayoko kundi dahil para sa akin ang pag-ibig ay hadlang sa aking pangarap. Ang puso ko ay para sa pamilya—lalo na kay Adriana, ang aking ate, na may matalas na mata at matibay na paninindigan.
Ngunit hindi katulad ng kuwentong pambata na madalas kong ikuwento sa aking mga estudyante, ang mundo sa labas ng silid-aralan ay malayo sa mundong pupuntahan ko ng gabing iyon.
Minutes later…
Klik.
Klik.
Sunod-sunod na tunog ng shutter ng kamera.
Sa likod ng lente, inayos ni Santi Delgado ang focus habang nakangiti.
Ang dalagang nasa harap niya’y umiikot sa ilalim ng nakakasilaw na ilaw ng studio— inosente.
Tila walang malay-malay na sa mga oras na iyon, isa na siyang biktima.
Isang produkto.
Mahaba at makintab na buhok, makinis na balat, may matang hindi nakakakilala ng takot . Mga katangiang hinahanap ng mga parokyano— mabilis mabenta. Lalo na sa mga banyaga.
“Perfect, hija,” aniya nang malumanay, ang tinig na hindi mo aakalain na galing sa isang taong mapanganib.
“Ngayon, taas-baba—ayan, tama. Hawakan mo 'yan.”
Klik.
“Sa tingin mo, may pag-asa ako?”
Hindi nagbago ang ngiti ni Santi.
“Oh yes, Dear. Hindi lang basta may pag-asa. Ikaw ang magiging star of the show.”
Pinatay nito ang kamera, itinago ang mapagbalatkayong ngiti sa likod ng tila maamong mga mata.
Isa na namang portfolio para sa auction.
Isa na namang batang babae, hinubog at binalot para sa mga tigre.
Inabot niya ang tubig sa dalaga saka itinuro ang upuan sa makeup station.
“Izza, right?” Ini-scroll ang mga larawan sa tablet.
Mahinhin itong tumango.
“You’ve got something special. The agency’s already got a flight lined up for Spain—big show. Real talent. This could change everything.”
Ngumiti si Izza, punong-puno ng pag-asa ang mga mata, bago tumalikod para pumunta sa makeup station.
Masusing tiningnan ni Santi ang dalaga — isang Filipina na may mga pangarap na maging modelo, lumakad sa entablado na napapaligiran ng nagkikislapang ilaw ng camera at inosenteng babaeng hindi nakakakilala ng panganib at kalupitan.
Nagtataglay ng mukhang sigurado siyang papatok sa Europa.
“Perfect!” mahina niyang sabi.
Sumandal siya sa pader at dahan-dahang humigop mula sa kanyang kape, Matagal na sya sa ganitong uri ng trabaho, ngunit sa pagkakataong eto sya ang personal na nag scout sa mga ‘product’ dahil sa mahahalagang parokyano. At hindi siya kailanman mapapagod kung ganito kadaling silawin ang mga babaeng naghahangad sa kinang ng camera.
Ngumiti siyang muli, pinalabas ang pinakasimpatikong ngiti— ngiti ng panlilinlang.
Samantala, sa kabilang panig ng mundo...
Kumikislap ang lungsod ng Madrid sa ilalim ng malagintong kalangitan, sinabuyan ng mga bituin at neon na liwanag. Sa loob ng kanyang penthouse suite na may salaming dingding, nakatayo si Alexus Garza, hawak ang isang basong bourbon.
Walang katapusan ang tanawin—daang-daang ilaw ng siyudad, parang mga kable ng circuit—eto ang kanyang kaharian.
Mga hotel. Mga koneksyon. Kapangyarihan.
At higit sa lahat—mga lihim. Madilim na lihim.
“Sir,” boses ni Allan, ang kanyang sekretaryo, “May bagong dumaan sa scout pipeline. Babae. Bente-tres. Filipina—Rivera, Izza.”
Hindi tumingin si Alexus sa salamin. “Another model?”
“Yes. But something’s... off.”
Bahagyang lumingon si Alexus, nakataas ang isang kilay.
“Sabihin mo. They dropped her at our front door.”
Saglit na hindi sumagot si Allan.
“Hindi, sir, they dropped her in your bed.”
Dahan-dahan siyang humarap, kumalansing ang yelo sa baso habang huihigpit ang kapit ng kanyang kamay.
“She’s either bait,” ani Alexus, malamig.
Nagtagal ang katahimikan.
“Hindi siya tulad ng karaniwang profile,” dagdag ni Allan. “Guro sa preschool. Walang utang. Walang record sa modeling. Malinis sa database.”
“And yet, she’s already in the system,” sambit ni Alexus.
“Ibig sabihin, may sadyang nagdala sa kanya sa iyo, Sir.”
Mabagal na lumagok si Alexus ng bourbon, muling kumislap ang poot sa kanyang mga mata na pinipilit nyang kontrolin.
Hindi siya agad nagsalita.
Tiningnan niya ang pangalang kumikislap sa tablet ni Allan.
Izza Rivera.
Isang bagong pain? O bagong biktima?
Itutuloy…