CHAPTER 1

1328 Words
SABADO “Inumaga ka yata,” bungad sakin ni Ate Adriana. “Humaba ba ang shoot?” tanong nito. Patamad kong ibinagsak ang aking bag sa isang stool at napabuntong-hininga. “Hindi sumipot 'yong isang model. Ako ang pinagsuot ng swimsuit shots kahit wala 'yon sa usapan.” Napalingon si Adriana. “At pumayag ka?” “Wala akong choice,” sagot ko, pinilit ngumiti. “Sabi may bonus daw.” Umirap si Adriana. “Yan na nga ba ang sinasabi ko sa trabaho mong yan!” “Wala akong karapatan para maging choosy; I need this,” giit ko. “Kunti na lang. Malapit na, Ate. Ramdam ko na.” Lumambot ang ekspresyon ni Ate. “You’re too good for them. Gusto ko lang ipaalala sayo” Bago pa ako makasagot, tumunog ang chimes na nakasabit sa pinto. Isang lalaking naka-asul na suit ang pumasok. May suot na sunglasses. Malakas ang dating ng presensya nito na tila naligaw sa lugar. Halata sa bawat hakbang niya ang kumpiyansa, kalkulado, parang eksenang ilang ulit nang na-rehearse. Lumapit eto sa kanila, partikular sa akin. Diretso ang tingin nito. “Izza Rivera?” Napakunot ang noo ko. “Yes, and you are?” “Santi Delgado. Nagkita tayo sa Guzman casting call noong isang buwan.” Napakurap ako, tila inaalala ang sinabi nito. “Tama... Ikaw ‘yung galing sa European agency?” Ngumiti si Santi. “Exaclty!. Matagal ko nang tinitingnan ang portfolio mo. Naghahanap kami para sa bagong international campaign. At ang look mo—eksakto sa hinahanap namin para sa Barcelona, Milan and Paris.” Napalunok ako. “Totoo ba ‘to?” “One hundred percent. Mabilis lang ang proseso at kami na ang bahala sa lahat—biyahe, tirahan, at work visa. At kung interesado ka, next week pwede ka na makaalis.” Iniabot niya ang isang folder. “Nasa loob ang kontrata. Basahin mo muna. Mag-isip ka nang isa o dalawang araw.” Lumapit si Adriana, halatang hindi kumbinsido. “At paano naming malalaman na totoo ‘to?” Humarap si Santi sa kanya,nakangiti. “Katrabaho namin ang mga kilalang pangalan. Naiintindihan ko ang pag-aalinlangan mo—and it’s normal. Pero asahan n’yong aalagaan namin si Izza. Hindi kami basta-basta.” Hindi pa rin sumagot si Adriana, pero ako, nanginginig na ang mga daliri ko habang hawak ang folder. International modeling. Pangarap ko ‘to, noon pa—bago pa magkasakit si Mama. “Pag-iisipan ko,” mahinang kong tugon. “Walang problema,” ani Santi habang lumakad na papalabas. “Pero ‘wag kang magtagal. Ang ganitong oportunidad minsan lang dumarating.” Pagkaalis nito, tumagilid ang tingin ni Adriana. “Huwag na ‘wag mong pagkakatiwalaan ‘yang lalaking ‘yan.” “Mukha namang totoo siya,” bulong ko. “At maari ding hindi, at mapahamak ka.” Binuksan ko ang folder. Mga glossy ang pahina. Kontrata. May printed flight itinerary pa. “Parang... totoo.” Naglaho ang ngiti ni Adriana. “At kung hindi? Kung mapadpad ka sa isang banyagang bansa—mag-isa—anong mangyayari?” “Hindi naman ako mag-isa. May ibang girls daw. May coordinator. May security.” “’Yan din ang sinasabi ng mga human trafficker.” “Ate, ito ang pangarap ko.” “Hindi ‘yan ang pangarap mo,” malakas na boses ni Adriana. “Pangarap ‘yan ni Mama na isiniksik niya sa isip mo!” Nanahimik ako, humigpit ang hawak sa folder. “Alam mo kung gaano ko kagusto ang bagay na eto, Ate. Gusto kong subukan—what if totoo eto? Gusto maranasang magkatotoo ang pangarap ko.” Hindi na sumagot si Adriana. KINAGABIHAN.. HABANG nakahiga sa maliit nilang kwarto sa itaas ng aming café. Nakatitig ako sa mabagal na ikot ng ceiling fan habang yakap ang folder. Alam kong walang kasiguraduhan—paano kung tama si Ate? Pero sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, naramdaman kong posibleng matupad ang isang bagay. At isang desisyon ang aking nabuo—na lingid sa aking kapatid. MAKALIPAS ANG TATLONG ARAW… Nakatayo ako sa Ninoy Aquino International Airport, hawak ang aking maletang puno ng pag-asa at kaba. Business class ang flight. Sagot ang lahat. Makalipas ang maraming oras. Sa Madrid, sinalubong ako ng isang matandang driver—si Paulo. Masayahin ang mukha nito at bahagya lang magsalita ng Ingle. Binigyan ako nito ng malamig na bote ng tubig at tinulungang sumakay sa itim na SUV. Habang dumadaan ang sasakyan sa kabukiran ng Espanya, namangha ako sa nakikita—lumang gusali, ubasan na natatanaw sa burol, sinag ng araw sa mga tiled rooftops. Parang panaginip. Pagdating sa hotel, tila isa itong kastilyo —salamin, marmol, mga fountain na sumasayaw sa simetriko nilang galaw. Inabot ni Paulo ang keycard. “Top floor,” Aniya. Sumakay ako sa elevator. Mabilis ang t***k ng aking puso. Bumungad sa akin ang isang marangyang suite. Puting muwebles, gintong detalye, bintanang abot mula sahig hanggang kisame. May silk robe sa kama. Sa mesa, may welcome note: “Relax. Tomorrow, your transformation begins.” Napangiti ako. Hinaplos ang tela. “This is it!” Pagkatapos maligo, nahiga ako sa kama. Habang unti-unting nilalamon ng antok, pinangarap ko ang mga runway lights at kamera. Ngunit nang muli akong nagising, ramdam ko kaagad na may kakaiba – may mali! Madilim ang kwarto, bukod sa mahinang ilaw ng isang lamp shade. Napatingin ako sa aking suot –isang designer nightgown na hindi ko maalalang sinuot ko. Sarado ang mga bintana. Agad kong hinanap ang aking cellphone ngunit pati eto hindi na ko makita. Gumapang ang kaba sa aking dibdib. Tila kinakapos ako ng hininga. Umupo ako sa kama— Hanggang napapitlag ako sa aking nakita! Isang lalaking nakatayo sa tabi ng bintana. Matangkad, nakasuot ng itim na slacks at grey na polo na nakatupi ang manggas. Mula sa kakaunting liwanag ng silid, napagmasdan ko ang hitsura nito. Matangos ang ilong—tila inukit ng mahusay na iskulptor. Matalim ang mga mata nitong nakatitig sa akin at tila kanina pa ako pinagmamasdan. Napaatras ako. “Sino ka? Nasaan si Paulo?” Hindi gumalaw ang lalaki. “You’re awake.” Malalim ang boses. Kalmado ngunit may hatid na kilabot. “Nasaan ako?” “Ligtas ka. Sa ngayon…” Nagulat ako sa matatas nitong tagalog. “‘Sa ngayon’? Anong ibig mong sabihin?” “My name is Alexus Garza. This is my hotel. And you’ve been delivered into my hands with a forged identity and connections to a trafficking ring I’ve spent years trying to destroy.” Sabi nito na hindi inaalis ang tingin nito sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. “What? Hindi ko alam ang sinasabi mo!” Lumapit nang bahagya si Alexus. “Then start talking. Hangga’t hindi ako kumbinsido na wala kang kinalaman—you can’t leave this room.” “Izza… right?” Malamig nitong tanong. “O baka hindi rin yan ang totoo mong pangalan, but it’s the one you’ve used.” “It is my real name!” sigaw ko, nanginginig. “I’m not part of anything! I was told this was a modeling job—” “Save it,” putol ni Alexus. “Narinig ko na ‘yan dati.” Tumakbo ako papunta sa pinto—sarado. Locked. “Palabasin mo ako dito!” “Alam ko na ang nangyayari kapag pinapalaya ko ang mga katulad mo, maganda at inosente . They disappear. Sometimes for good.” “Hindi ako katulad nila!” sigaw ko. “Wala akong alam!” Tahimik kong tinitigan ng lalaki. Matagal. Malamig. Pagkatapos, dahan-dahan siyang lumakad papunta sa pinto. “Babalik ako bukas ng umaga. Try not to make a mess.” Pagkaalis nito, dali-daling akong lumapit sa pinto. Hinampas ko eto. Sumigaw. Ngunit tila bingi eto. Ang pangarap ko na tila— naging bangungot. Napaupo ako sa sahig, nanginginig at humahagulgol. Lingid sa akin… Sa loob ng isang bentilasyon, may pulang ilaw na kumikislap—tahimik na nagmamasid. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD