CHAPTER 2

871 Words
=ALEXUS POV=  MULA sa surveillance room, nakatuon ang aking mga mata sa pangunahing screen. Kay Izza Rivera. Malayo ang hitsura nito ngayon, sa babaeng nakita ko sa makintab na portfolio habang nakangiti sa ilalim ng studio lights, puno ng pangarap ang inosenteng mukha. Ngayon, larawan eto ng isang talunan –habang nakayuko sa puting carpet ng suite, yakap ang mga tuhod–tahimik na umiiyak. Ang nightgown nitong suot ay humahakab sa maliit nitong katawan, at ang hubad na balikat ay umaalog sa bawat hikbi. Ang mahaba at maitim na buhok ay nakasampay na parang tinta sa mga braso. Napailing ako. Masyadong siyang mahina para sa ganitong mundo, ano pa kaya kung maging bahagi ng isang patibong. At iyon—iyon ang lalong gumulo sa akin. Lumapit ako sa monitor, pinagmamasdan ang mukha ng babae na parang doon ko mahahanap ang mga sagot. “Pause feed,” utos ko. Agad namang tumugon ang built-in AI—tumigil ang frame. Pansamantalang na-freeze ang ekspresyon ni Izza sa isang screen. Mariing nakapikit ang mga mata. Bahagyang uwang ang labi sa labis na dalamhati. Ang mga kamay ay nakadakot sa suot na nightgown na tila doon kumukuha ng lakas. May galit na nabuhay sa aking dibdib, isang bagay na bihira kong maramdaman. Dahan-dahan akong tumayo nang tuwid at umatras mula sa screen. “Pull up her intake footage.” Ilang segundo lang at isa pang screen ang lumabas—grainy na kuha mula sa hallway security, may timestamp na dalawampung oras na ang nakalipas. Pumasok si Izza sa suite, na tila walang kamalay-malay sa anumang mangyayari. Pinanood ko ang galaw ng dalaga—kung paano ito lumapit sa bintana, humanga sa tanawin ng skyline, hinagod ng mga daliri ang gilid ng marble table na parang hindi makapaniwala sa lahat ng nakikita. Inobserbahan ko ang kanyang bawat kilos. Bawat hinga, bawat ekspresyon. “She thought it was really a hotel,” sambit ko. “Technically,” sagot ni Allan mula sa likod ko, “it is.” Hindi ako lumingon. “But not the kind with checkouts,” dagdag ni Allan. Napatiim-bagang ako. Hanggang sa tumalikod ako sa screen, ngunit bigo kong maalis ang imahe ni Izza sa aking balintataw. Maganda si Izza— halatang walang kasanayan sa maduming insdustriya. Ang kilos ng katawan niya ay hindi tulad ng mga babaeng bihasa sa larong mapang-akit. She looked lost, wide-eyed, and too real to be a lie. Dahan-dahang akong lumapit sa liquor cabinet sa sulok ng surveillance room. Nagsalin ng scotch sa isang baso —puro. Inangat ko ang baso sa aking mga labi saka uminom. Dumaloy ang mainit na alak sa aking lalamunan, ngunit hindi ako natinag. “Santi Delgado” sambit ko sa pangalan ng lalaking napag-alaman kong nagdala sa dalaga sa Europa. Pero bakit… si Izza. Hindi siya kagaya ng mga nauna. Ang background niya ay malinis—kung pagbabasehan ang mga papel. Preschool teacher. Kaunting travel history. Ilang catalog shoots. Social media na halos walang laman… sobrang linis, parang– sinadya? At higit sa lahat. Hindi eto nagtangka na akitin ako or gumamit ng manipulasyon. Puro pagkalito. Takot ang nakita ko sa kanya. At hindi ko man aminin, napektuhan ako sa presensya niya — And I hated that I couldn’t send her away like the others. Dapat ay ipinatapon ko na ito sa labas ng aking hotel—ngunit hindi ko magawa. “Show me who you really are,” bulong ko, habang nakatingin sa screen. Hindi ko inaalis ang posibilidad na isa itong espiya—kailangan kong maging maingat! Hindi eto mukhang parte ng underworld—at yon ang mas nakakatakot! Lumabas ako ng silid at dumaan sa pribadong corridor papunta sa suite. Tahimik na tumango ang mga guwardiya. Nang marating ko ang pinto ni Izza, hindi ako pumasok. Nanatili akong nakatayo doon. Paano nga kung nagsasabi ito ng totoo? Paano kung si Santi ang nagtulak sa isang mabuting babae pababa sa impiyerno… at ngayon siya ang halimaw na sasalubong sa pagdating nito. “I’m not part of anything!” Bumalik sa aking isip ang boses nito. Sigaw nito na may desperasyong hindi kayang pekein. Ilang taon kong inilalaan ang sarili sa pagbasa ng mga tao, sa paghimay sa mga kagaya niya. Nagawa ko nang mapanghina ang loob ng mga cartel lieutenant sa isang sulyap lang at napasuko ang mga smuggler gamit lamang ang malamig na titig. Pero si Izza? "Sino ka ba talaga?" tanong ko habang nakatingin sa nakapinid na pintuan ng kaniyang silid. "Dahil kung isa kang banta sa mga bagay na aking pinoprotektahan—kailangan kong malaman 'yon!" Napasuntok ako sa pader. Ang tunog nito’y umalingawngaw sa pasilyo. Hindi puwedeng isang babae ang magpapabagsak sa aking imperyo—hindi na muli! At bago siya tuluyang lumakad palayo sa lugar na iyon—isang plano ang kanyang nabuo. At noong gabing iyon, matapos mamatay ang mga security feed, patuloy na naglalaro sa isipan ko ang mukha nito—mga matang nanlalaki sa takot, tinig na nanginginig sa pagitan ng katotohanan at kasinungalingan. Hindi na niya alam kung alin. Isang bagay lang ang tiyak ko: Kung si Izza Rivera ay isang bitag, siya na ang pinakamagandang bitag na nakita ko. At ako, si Alexus Garza—ang kanyang biktima! Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD