NAKAUPO sa likod ng saradong pinto ng aking silid.
Naninikip ang dibdib ko sa galit at sama ng loob kay Santi – at sa aking sarili.
Ang silid na minsang umakit sa akin dahil sa mga gintong palamuti at malawak na tanawin ay ngayo’y mistulang kulungang binalot sa velvet.
Naitakip ko ang aking mga palad sa aking mukha, baka sakaling maalis ang aking takot.
Takot na hindi ko na muli makita– si Adriana, ang café, ang init ng maliit nilang apartment na amoy cinnamon at sabon.
Dapat nakinig ako.
Dapat pinakinggan ko ang munting kabang hatid ng malawak na ngiti ni Santi at sa pangakong tila ‘too good to be true’.
Ngunit binalewala ko ang lahat ng iyon!
At si Alexus Garza—isang estranghero na may mga matang kasinglamig ng yelo at panga na tila inukit sa bato—inaakusahan akong kasabwat sa isang sindikato ng human trafficking.
Kahit ang pangalan nito ay may hatid na kapangyarihan at panganib.
Takot ako sa sitwasyong kinasasadlakan ko ngayon.
Dahan-dahan akong tumayo papunta sa banyo, halos mangatog ang aking tuhod.
Nakita ko ang repleksyon ko sa malaking salamin —pulang-pula ang aking mga mata dala ng pag-iyak at ang designer nightgown na perpektong nakahakab sa aking katawan, na hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung bakit ko suot.
Nawawala pa rin ang aking cellphone.
“Of course, posibleng hawak ito ng lalaki,” naisip ko.
Ang landline sa suite ay walang dial tone.
Walang internet.
Walang telebisyon.
Lumipas ang mga sandali na tila singbagal ng patak ng ulan sa tag-araw.
Kumakalam na ang aking sikmura sa gutom.
Hanggang sumapit ang gabi.
Napapitlang ako nang marinig ang mahinang click ng pinto.
Kahit nanghihina sa gutom, agad akong napabalikwas at tumayo.
Pumasok si Alexus—tanging sinag ng ilaw mula sa pasilyo ang tumatanglaw sa kaniyang anyo.
Blako ang ekspresyon ng mukha niya, ngunit may kakaiba sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin.
Wala na ang talim tulad kanina.
Tila –nanantya.
Napatingin ako sa kamay niya.
“I brought food,” aniya, sa simpleng tono bago lumakad papasok at ibinaba ang pagkain sa mesa.
Hindi ako sumagot.
Humarap siya sa akin.
“Sit. Eat.”
Napayakap ako sa aking sarili.
“I’m not a pet,” sabi ko dito na hindi nagpatinag sa kakaibang titig niya.
“Then stop acting like one.”
Tinapunan ko sya ng matalim na tingin, pero nanaig ang kalam ng aking sikmura,
Wala akong lakas para makipagtalo sa kanya na alam ko naman na hindi niya pakikinggan, bagkus dahan-dahan akong lumapit sa tray.
Manok, kanin, at isang maliit na mangkok ng sabaw.
Pati ang amoy ng usok nito ay tila mamahalin.
“Why are you doing this to me?” tanong ko.
Nanginginig ang boses habang hawak ko nang mahigpit ang kubyertos.
Saglit itong hindi nagsalita.
“Because I don’t trust you.” sambit nya.
“I told you I’m not part of any trafficking ring na sinasabi mo” mahina ngunit may diin kong sabi sa kanya.
“And I told you,” malamig niyang tugon, “I’ve heard that before.”
“Then why feed me? Why not just send me back?”
Bahagyang nagbago ang ekspresyon nito, ngunit agad ding nawala.
“Because if you’re telling the truth... then someone set you up. And I want to know who.”
Napakurap ako.
Nakasilip ng mumunting pag-asa.
“You believe me now?”
“I believe you’re either the best liar I’ve met, or you’re dangerously naive.” Saglit siyang tumigil. “I’m trying to decide which one is worse.”
Tinitigan ko siya; gusto kong alamin ang laman ng isip nito – ngunit blanko.
“What do you want from me?”
Lumapit siya—ilang pulgada mula sa akin.
Bahagyang ikiniling ang ulo habang nakatitig na para bang pinag-aaralan ang isang palaisipan na hindi niya lubos masagot.
“You were delivered to my bed without me ever authorizing it! And yet…”
Tumingin siya muli sa akin—na tila sinusuri ako sa ilalim ng mikroskopyo.
“You don’t flinch like someone trained. You don’t lie, like someone groomed. And your eyes… they’re too honest.”
“I am honest.” Halos pabulong kong sagot.
Nakita kong napatiim bagang sya.
“Then someone wanted you here for a reason.”
Namayani ang katahimikan.
Ramdam ko ang init mula sa katawan ng lalaki, pati ang banayad na paggalaw ng hininga niya na bumabasag sa manipis na espasyo sa pagitan namin. May kung anong panganib sa presensya niya—pero may kakaibang magnetismo rin.
At kinamuhian ko ang sarili ko dahil tila naaapektuhan ako.
“You think someone’s using me?” Tanong ko. “To-to get to you?”
Hindi sumagot si Alexus.
Sa halip, dumaan eto sa aking likuran, narinig kong meron syang binuksan, pagbalik nya sa harap ko dala na nya ang ang isang manipis na laptop at inilapag iyon sa mesa sa tabi ng tray.
“Eat. Then we talk. I want every name. Every detail. From the moment you met Santi Delgado.”
“And if I don’t?”
Bumaba ang tono ng kanyang boses, malamig at mabigat.
“Then I assume you’re lying. And I’ll treat you like the others.”
“Like others?” ulit ko sa aking isip.
Nakita kong tumalim ang kaniyang mata habang unti-unting lumalapit sa akin ang kaniyang mukha.
Itutuloy..