CHAPTER 4

960 Words
=IZZA’s POV= “EAT! I’ll be back when you’re full—and ready to make the kind of decision that could either save you… or ruin you.” Sabi nito bago tumalikod at lumabas ng silid. Kalaunan, kumain ako– gutom na gutom ako. Wala na akong pakialam kung sa tingin niya ay mahina ako, pero kailangan kong mag-ipon ng lakas. Nais ko pang mabuhay at umalis sa lugar na eto, kaya hindi ako maaaring bumigay. Kailangan kong mag-isip. Magbalik-tanaw. Manatiling matalas. PAGKALIPAS NG ISANG ORAS… Bumalik si Alexus. Umupo eto sa tapat ko na para bang handang pumasok sa isang negosasyon sa negosyo. At ako—nagdesisyon akong ikinuwento ang lahat—ang trabaho ko bilang preschool teacher, ang mga modeling gig tuwing gabi, ang unang pagkikita namin ni Santi sa casting call. Kung paano nya sya nag approach sakin. Ang folder, ang mga tiket, ang mga pangako. Wala akong itinira o nilaktawan. Pagkatapos kong magsalita, nakita kong sumandal si Alexus sa upuan, naka-cross ang mga braso sa kanyang dibdib. “You said he gave you a folder. Do you remember the logo on the front?” Nag-isip ako bago dahan-dahan tumango. “A gold lion. It looked… fancy. Like a crest.” Nagdilim ang ekspresyon ni Alexus. “I know that symbol,” bulong nito. “It’s connected to a shell company in Prague. One we’ve been tracking for six months.” Parang may matigas na bagay ang sumuntok sa sikmura ko dahil sa narinig. “So this is real? This ring? The girls you talked about… they’re really being trafficked?” Nagtagpo ang aming mga mata. “Yes.” “Then help me get out,” desperado kong sabi. “Let me go back. I’ll tell the police—” “No.” Sambit ni Alexus. Napaatras ako. Nanlaki ang mga mata. “Why not?” “Because if I release you now, you disappear. Either they come for you again, or they kill you to cover their tracks.” “Then what?” Hindi ko maiwasang tumaas ang boses. “You keep me locked up forever?” “I keep you alive,” Mariing wika ni Alexus. “Until I figure out what part you play in this.” “I don’t have a part—” “Then someone else wrote your role. And I need to find out who.” Gusto nang kumawala muli ang aking luha, ngunit pinigilan ko. Ilang saglit pa, sumeryoso ang mukha nito at tumitig sa akin. “Why are you really here?” tanong nito sa mapanganib na tono. “How many times do I have to tell you? I’m here as a model, just like Santi promised.” “Then… you’ll become one. I’ll make you famous, just like you’ve always dreamed—but you’ll have to do one thing for me…” Natigilan ako! Napatitig ako sa lalaki at inaarok ang kaseryosohan ng sinabi nito. “A-anong kapalit?” Saglit na natahimik ang lalaki, tila tinitimbang ang mga salitang sasabihin. “Help me find my sister!” “We–what? How?” naguguluhan kong tanong, Paano ko siya matutulungan na mahanap ang kapatid niya, eh ang sarili ko nga hindi ko matulungan! “Just like you claim, she became a victim—forced into prostitution. And if I’m going to find her, I need someone who can move in and out of a den full of lions and tigers.” “Gagawin mo akong pain?” “Call it what you want—” “ —No!” mabilis niyang sagot. Paano kung hindi ako makalabas ng buhay? Napangisi ito— nakaramdam siya ng panganib. “You made your choice then…” =Alexus's POV= Sumigid ang init habang dumadaan ang alak sa aking lalamunan. Nakayuko ako sa minibar sa katabing suite—ang silid na naghihiwalay mula sa kwarto ni Izza. Hindi ko ugaling uminom tulad ng aking ama. Pero ngayong gabi…Ngayong gabi, kailangan kong makalimot. Si Izza. Ang takot na nakalarawan sa kanyang mukha habang sinasambit ang salitang ‘No!’ kasabay ng malakas na pag-iling. Ang kurba ng kanyang leeg habang siya’y napapalunok dahil sa takot at kaba. Malakas kong ibinagsak ang baso sa mesa. Muli akong nagsalin ng scotch, mas mataas na tagay kaysa kanina. “Izza,” bulong ko sa pangalan nya. Hindi ko siya dapat dinala rito. Napatawa ako nang mapait. “I’m in deep sh*t!” =IZZA’S POV= SAMANTALA… Sa mga oras na yun. Madilim ang pasilyo. Ang malamlam na gintong ilaw ay nagbibigay ng mga anino sa patterned carpet. Malakas ang kabog ng aking dibdib habang ang walang sapin kong mga paa ay dahan-dahan humahakbang patungo sa pintuan ng suite, ang robe na aking suot na nakalimutan kong itali dahil sa pagmamadali. Pinihit ko ang seradura— Hindi naka-lock! Nabuhay ang pag-asa sa aking dibdib. “Kailangan kong makatakas! Ayokong maging pain sa mga bwetri na sabik sa laman!” mahina kong bulong. “Siguro nagpakakampante siya— na hindi ko tatangkaing tumakas!” Muli kong bulong sa sarili. Sumidhi ang pagnanais kong makaalis sa lugar na iyon. Humingi ng tulong. O Tawagan si Adriana. Nanginginig ang aking mga kamay habang papalapit sa hallway. Huminto ako sa unang pinto—dahan-dahan kong pinihit ang seradura. Locked! Parang imikot ang aking tiyan sa kaba. Sinubukan ko ang kasunod na pinto. Walang keypad, walang scanner—ordinaryong brass handle lang. Umiikot ito. Pinigilan ko ang paghinga dala ng tensyon bago marahang itinulak. Natigilan ako sa aking nakita — si Alexus! Kahit madilim ang silid, hindi ko maipagkakamali ang bulto ng lalaki. Sa kaunting amber glow mula sa ilaw sa sulok ng silid, napagmasdan ko na wala siyang pang-itaas. Natulos ako sa kinatatayuan nang dahan-dahan itong lumingon sa gawi ko. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD