NAGTAMA ang aming mga mata!
Hindi kababakasan ng gulat ang mukha niya na tila ba inaasahan ang aking pagdating.
Tumaas nang bahagya ang sulok ng kanyang labi, bago matiim na tumitig sa akin.
Nakatayo ako sa bungad ng pinto—hindi ko naitago ang pagkagulat!
Ilang saglit na wala ni isa sa amin ang gumalaw.
Tila may hatid na puwersa ang hangin sa aming pagitan na parang naghahatid sa akin ng hipnotismo.
“I thought you’d try,” sa wakas ay nasabi ni Alexus sa paos na boses. “Didn’t think you’d walk into my room, though.” walang bahid ng gulat, ngunit may himig na puno ng hindi binibigkas na damdamin.
Marahan siyang uminom, habang nanatiling nakatitig sa akin.
Hindi ako makagalaw, napalunok ako ng laway dahil sa kaba.
Ang isang kong kamay ay mahigpit na nakakapit sa hamba ng pinto.
Hindi ko sinadya na mapunta roon.
“RUN!” sigaw ng aking isip
Pero parang nakapako ang aking mga paa.
“I—I was just looking for—” hindi ko maapuhap ang sasabihin.
“I’m sure you were,” ani Alexus sabay ngisi.
Ibinaba niya ang baso na lumikha ng tunog sa salamin ng mesa.
Pagkatapos ay yumuko siya at ipinatong ang dalawang kamay sa tuhod.
Hindi ko maiwasang masdan ang kanyang kabuuan, mula sa katawan nyang tila hinasa sa displina—matipuno, ang tatto sa kanyang tagiliran na may kakaibang dinsenyo.
Tila isang lihim na nakaukit sa kanyang balat.
Alam kong mapanganib na lalaki si Alexus, batid ko ang bagay na yun sa una pa lang naming paghaharap.
Ngunit sa pagkakataong eto, higit pa sa panganib ang nararamdaman ko.
Ngayong gabi… ibang Alexus ang nakikita ko.
Isang lalaking nababalutan ng baluting bakal, ngunit may kahinaang hindi niya sinasadyang masilip.
“You could’ve screamed,” sabi nito sa mababa ang tinig, halos pabulong
“Made a scene. Banged on the walls—” patuloy pa nito.
Nagtagpo muli ang aming mga mata.
Hindi ako nagsalita.
“But instead….you came looking or escaping?”
Nag-iwas ako ng tingin.
“Alam niya na tatakas ako!”
“I want to go home,” tanging nanulas sa labi ko—mahina.
“I know.” mabilis na sagot ni Alexus.
Dahan-dahan etong tumayo,
Bahagyang akong umatras.
“You should go back to your room, Izza,” sabi nito, mababa at paos ang boses. “Before I forget, I’m trying to be good.”
Tila may hatid na init ang boses nito.
Gumapang ang kilabot sa aking gulugod.
“Is that what this is?” tanong ko, pilit pinapakalma ang nanginginig na boses. “You being good?”
Sa isang iglap lang – inilang hakbang lang ako ng lalaki.
Napatingala ako dito, masyadong malapit ang aming pagitan, at kahit hindi pa naglalapat ang aming mga balat ramdam na ramdam ko ang malakas na epekto nito sa akin—ang init, ang amoy ng alak at nakalalasing na singaw ng katawan nito.
“You’re not part of this world,” sambit nito.
“You don’t know what I’ve done. You don’t know my past!” Ang tinig nito ay tila isang babala.
Ngunit nanatili akong tahimik —habang nakatitig sa kanya.
“I’m not someone you can fix, not with soft eyes and a sad story.”
Madilim at blanko ang kanyang mga mata, kasingdilim ng gabi na hindi kayang basahin ng kahit na sino.
Dapat sana ay tumalikod na ako.
Pero nanatili ako sa aking kinatatayuan.
“I’m not trying to fix you,” lakas loob kong sagot. “I just… I want to understand.”
Nag-igting ang panga niya.
At kahit sa malamlam na liwanag, nakita ko ang perpektong angulo ng mukha nito—tila inukit at hinasa ng mga pagsubok ng panahon.
Napapatig si Alexus sa akin—
At sa kaunting saglit, nasilip ko ang isang damdaming noon ko lang nakita —pangungulila.
“Why?” sambit nito.
“Because… you keep looking at me like you don’t want to let me go.” Halos pabulong kong sagot.
Dumaan ang matinding katahimikan.
Hindi gumalaw si Alexus.
Ni hindi kumurap.
Pero tila may kung anong nasanggi sa damdamin nito na nagpabago ng kislap sa ekspresyon ng kanyang mukha.
Dahan-dahan, iniangat nito ang kamay at hinawi ang ilang hibla ng buhok mula sa aking mukha.
“You’re not supposed to matter,” sambit nito sa mahinang boses, na tila sa sarili lang sinasabi, “You were just supposed to be a pawn.”
Naamoy ko ang alak sa hininga ng lalaki—isang matapang na halimuyak na naghatid ng kakaibang kiliti sa aking pandama, na gumising sa kung anong bagay sa loob ko na hindi maipaliwanag.
“ And now?” tanong ko.
Dahan-dahan at tila may pag-aalinlangang hinaplos ng hinlalaki niya ang aking pisngi.
Kahit saglit, wala ni isa sa amin ang nais na putulin ang kung anong hipnotismo na bumabalot sa amin.
“Now……you’re the only thing I can’t stop thinking about.” sagot nito bago mabilis na sinakop ang aking labi.
Kusang pumikit ang aking mga mata para tanggapin ang labi ni Alexus.
Sa simula ay banayad, naghihintay ng tugon, hanggang sa naging mapaghanap, mapusok — nag-aalab.
Halos mapugto ang aking hininga sa marubrob na halik ni Alexus, tila umikot ang paligid, nagliliyab ang kanilang mga katawan, nagpaparaya sa damdaming matagal na nasikil.
Gumapang ang isang kamay ni Alexus sa aking likod upang kabigin ako palapit, hanggang sa wala nang natirang espasyo sa pagitan namin.
Napasinghap ako.
Itinukod ko ang aking mga palad sa kanyang hubad na dibdib— mainit ang dampi ng katawan niya sa aking balat.
Isinandal niya ako sa pader, raramdaman ko ang pagdikit ng malamig na marmol sa aking likod—
Ngunit hindi sapat para pawiin ang init na aking nararamdaman.
Sa oras na ‘yon, pinalaya ko ang aking sarili....
Itutuloy…