“Izza,” mahinang bigkas nito sa aking pangalan na wari’y isang sagradong dasal.
Ng mga oras na 'yon, walang pagkukunwari.
Tanging pagnanasa —at paghahangad sa isat-isa.
Naramdaman ko ang uhaw na labi ni Alexus.
Gumapang ang pangahas na labi niya sa aking panga, pababa sa aking leeg. Nakakadarang ang bawat dampi ng labi niya sa aking balat. Ang gaspang ng kanyang balbas ay nagbigay ng kiliti sa buo kong katawan.
Napaliyad ako!
Hindi ko mapigilan ang mapaungol sa hatid na sensasyon ng ginagawa niya.
Ang mga kamay nitong dumadama sa bawat parte ng aking katawan–
—Humahaplos pababa sa kanyang likod, sa kurba ng kanyang baywang, marahang hinihila ang laylayan ng aking robe hanggang sa dumausdos sa pababa na naglantad ng aking balikat.
Then—he froze.
Parang napapasong tumigil ito sa ginagawa.
Huminto ang paghinga nito sa aking leeg.
Tumigil ang mga kamay sa paggalaw.
Para itinulos ang katawan nito.
Napatingin ako sa kanya— para lang salubungin ng malamig nitong titig.
“It’s not right,” bulong nito.
Parang napapasong napaatras, nakakuyom ang mga kamao sa dulot ng pinipigilang damdamin.
“What?” halos pabulong kong natanong. Hindi ko naitago ang pagkalito.
“This can’t be happening,” sabi niya sa paos na boses. “Not like this.”
Napauwang ang mga labi ko.
Nakalilis pa ang aking robe sa aking balikat.
“Why?”
“Because I don’t trust myself with you,” Mariing sabi nito. “And if I touch you again, I won’t stop.”
“You already did,” bulong ni Izza. “You already touched me.”
“Go. Now. Before I change my mind.”
Tumalikod siya, sabay haplos sa sariling buhok—na tila nilalabanan ang sarili.
Sandaling natulos ako sa kinatatayuan bago dahan-dahang hinamig ang sarili.
Nanginginig ang aking mga daliri hanggang sa makalabas ako ng silid.
Nagmamadali akong pumasok sa aking silid.
At halos manlambot ang aking tuhod pagkasara ng pinto.
Sa mga oras na yun, alam kong hindi lang ang halik ang nakuha sa akin ni Alexus – mas higit pa dun.
Muli kong dinama ang labing hinalikan ng lalaki, nararamdaman ko pa ng labi niya sa akin.
“What did you do to me, Alexus Garza?” Bulong ko.
=ALEXUS POV=
Kinabukasan.
Sumisikat ang araw sa ibabaw ng skyline ng lungsod. Ang ginintuang liwanag nito ay tumatagos sa kurtina ng aking silid. Hanggang sa oras na iyon. Kahit isang saglit, hindi ako dinalaw ng antok; dala pa rin ang tensyon ng nagdaang gabi.
Tahimik ang umaga, ngunit hindi ang laman ng aking loob.
“Izza”
Hindi ko nagugustuhan ang epekto ng babae sa akin.
Hindi dapat.
Wala sa sariling tiningnan ko ang aking mga kamay. Sa mga kamay na may bahid ng dugo, ang bakas ng karahasan ay nakaukit na sa bawat ugat ng aking braso.
At gayunman… ang parehong kamay na iyon ay tila uhaw na dumama at humaplos sa balat ng dalaga.
Dapat ay itinaboy ko si Izza mula pa lang sa unang hakbang niya sa aking silid.
Dapat isinara ko ang pinto.
Tumawag ng guard at ikinulong.
Pero hindi ko ginawa.
Ang aking inakto ay tila naging isang paanyaya dito.
“I wanted her.”
Muli kong kinuha ang basong walang laman sa aking lamesa at hinagis ito sa dingding.
Kumalat ang mga bubong sa sahig ngunit wala akong pakialam.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin noong mga oras na 'yon.
Kahit kailan, hindi pa ako nawalan ng kontrol sa kahit anong bagay.
Sanay akong hawak ang lahat at sumusunod sa bawat kumpas ng aking daliri.
Ako si Alexus Garza– Mafia Lord.
Kaya kong tumayo sa harap ng laban nang hindi man lang kumukurap, titigan ang mga traydor na minsang nagtaksil sa akin, lagdaan ang mga utos ng pagpatay nang walang alinlangan, at pumasok sa mga boardroom na may ngiting kayang ikubli ang daan-daang kasalanan.
Ngunit kay Izza—sa babaeng ilang araw ko pa lang nakilala, ang babaeng may malalamlam na mata, nanginginig na mga kamay, at pangarap na winasak ng panlilinlang—ang nagpapagulo ngayon ng aking isipan.
Hindi niya alam kung anong klaseng tao ako!
Wala itong ideya kung ano ang kinaya kong gawin para marating kung ano ako ngayon.
At kung sakaling malaman nito na wala akong pinagkaiba sa isang halimaw na nakasuot ng mamahaling tuxedo — baka walang isang salitang talikuran ako nito — Takasan!
Katulad ng ginawa nitong pagtatangkang pagtakas kagabi.
Naihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha bago tumayo at nagpalakad-lakad sa kabuuan ng aking silid.
Ang silid kung saan ikinulong ko ang sariling damdamin sa matagal na panahon.
Huminto ako sa tapat ng floor-to-ceiling na bintana at pinagmasdan ang malawak na tanawin sa labas ng penthouse.
Katulad ng payapang umaga, tahimik din na kumikilos ang mga security team sa buong hotel— maingat, alerto.
Marahang umuugong ang mga drone sa himpapawid, na lihim na nagmamasid sa paligid– ganito ang buhay ko.
Walang kapayapaan; lahat ay posibleng kaaway.
Lahat ay nasa ayos— kontrolado, perpekto.
Ngunit hindi sa isang bagay —
The one thing that mattered most… si Izza?
Itutuloy...