bc

Love me Again (Tagalog Story)

book_age18+
154
FOLLOW
2.0K
READ
escape while being pregnant
second chance
powerful
boss
heir/heiress
drama
bxg
lighthearted
small town
rejected
like
intro-logo
Blurb

Genre: Romance–Drama

Nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang asawang si Paulo Sebastian nang muling magbalik ang babaeng tunay nitong minahal.

Walang paliwanag.

Walang pagdadalawang-isip.

Pero bakit kung kailan tapos na sa kanila ang lahat, saka naman ito nagpaparamdam.

Bigla na lang sumusulpot sa mga lugar na hindi niya inaasahan.

Tinatawagan.

Sinusuyo.

Binibigyan ng atensyong na dapat noon pa nito ginawa.

Muli, unti-unting umasa ang puso ni Jenny. Muling nagmahal. Muling nagtiwala—buong puso.

Ngunit paano kung isang araw, mabunyag ang katotohanan?

Hindi pala puso ang dahilan ng muling paglapit nito—kundi isang lihim na may kinalaman sa negosyo nito.

Paano muling babangon ang kanyang pusong nawasak sa pangalawang pagkakataon? Paano kung may inosenteng buhay na ang madadamay? Muli ba siyang magpaparaya o lalaban?

chap-preview
Free preview
SIMULA
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mga mata. Sumalubong sa akin ang malamlam na sinag ng araw na tumatagos sa makapal na kurtina ng hotel room. Saglit akong napatitig sa kisame. Mabigat ang aking ulo. Tuyo ang aking lalamunan. Masakit ang aking katawan—lalo na ang aking… Awtomatiko kong tiningnan ang sarili sa ilalim ng kumot. “Oh, s*it!” Mabilis kong niyakap ang kumot sa aking katawan. “Nasa’n ako? Paano ako napunta dito?” Gulong-gulong kong tanong nang matuklasang hindi ito hotel room. Dahan-dahan akong lumingon sa kabilang panig ng kama—at halos mapasigaw nang mapagtanto na may lalaking nakahiga sa aking tabi. Magulo ang buhok nito; bahagyang bukas ang labi habang mahimbing na natutulog. Nakaangat ang isang braso sa ulunan ko at bahagyang nakapatong sa aking balikat. Napakurap ako. Napalunok. Saglit akong napapikit bago dahan-dahang umurong palayo, pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Napaungol ako sa kaba habang marahang hinihila ang kumot at muling sinilip ang sarili. “Oh no… my v-card is really gone!” At isang alaala ang mabilis na pumasok sa isip ko— Ang bar. Ang musika. Ang alak. Ang lalaking ’yon—si Paulo. Ang ngiti niya. Ang mga biro. “Why don’t we just get married then?” sabi niya habang hawak ang basong may natitirang alak. “You’re really up for it!” naalala kong sagot ko. At sabay kaming nagtawanan. Muli kong nilingon ang lalaki—wala yatang balak gumising! Ngunit ilang saglit pa, nagmulat ito ng mata. Pupungas-pungas, halatang antok pa. Umupo siya sa kama at hinimas ang batok. “Uh… where are we?” tanong niya habang nakatingin sa akin. “Anong ginagawa ko dito sa kwarto mo?” hindi ko napigilang itanong. Kunot-noo siyang tumingin sa paligid. “Yeah… this is my room. Alright—then why are you here?” Maya-maya’y natigilan ito nang mapansin ang ayos ko at akmang bubuksan ang kumot namin. “Don’t you dare!” sigaw ko. “Why not? For sure nakita ko na ’yan kagabi,” pilyo niyang sabi, tila walang pakialam sa sitwasyon. Tinaliman ko siya ng tingin. “Owwkay,” aniya, sabay taas ng kamay. Saglit kaming natahimik. “Wait,” halos sabay naming sabi. At parang iisang tao, sabay lumaki ang aming mga mata. Magkasabay naming tiningnan ang aming mga daliri—at halos mapigil ko ang hininga nang makita ang isang singsing na halatang nabili sa pinakamurang puwesto ng souvenir shop. Natutop ko ang sariling bibig. “Oh my God…” MOMENTS LATER… Pareho kaming nakatungo sa isang papel sa ibabaw ng lamesa, sinusuri ito nang parang mahirap na puzzle. Nanginginig ang kamay ko habang binabasa: Certificate of Marriage Jenny Salazar and Paulo Sebastian Married at 2:16 a.m. Las Vegas Chapel of Light and Dreams “I’m married…” bulong ko. Una—nawala ang v-card ko. Pangalawa—kasal na ako. “Imagine… hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend, ni first kiss wala pa, tapos eto—kasal agad!” pabulong kong sabi. “Don’t worry, sweetheart. I’m sure you got your first kiss last night—” lumapit siya at bumulong, “—and more.” “Abat! Hmmp!” Ngunit maya-maya, sumeryoso ang mukha niya. “Hell… we got married last night.” Nagtagpo ang aming mga mata. Malamig ang hangin ng aircon, pero pakiramdam ko’y pinagpapawisan kami sa tensyon. “This was your idea, wasn’t it?” Napangisi siya. “Let’s be honest… we both agreed.” Sinimangutan ko siya. Oo, gwapo siya. Pero hindi ako gano’n kabaliw. May aura siya—’yung klaseng ngiti na kayang magpasaya… at kayang manakit. Kaya mabilis akong umiwas ng tingin. No, Jenny. Hindi ito ang oras para ma-fall. Hindi, dahil nagsiping kami, ay magiging totoo na ang lahat. Hindi, dahil may singsing sa daliri ko ay asawa ko na siya. Hindi ako naniniwala sa fairy tale. Hindi na ngayon. “So… anong gagawin natin ngayon, misis?” pilyo niyang tanong. Napatawa ako nang bahagya. “Let’s forget about it. We can get a divorce, right?” “Divorce? What if you get pregnant?” Natigilan ako. Hindi pa man tapos ang bakasyon ko—tila may bagong kabanata na binubuksan ang Las Vegas sa buhay ko. .....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.3K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook