CHAPTER 3

938 Words
NATULOS ako sa aking kinatatayuan bago dahan-dahang lumingon sa kuweba. Hindi ko na kailangang itanong kung sino ang tinutukoy nila. Agad akong tumakbo papunta sa loob ng kuweba. “Here!!” sigaw ko. Sumunod sila. At nang makita nila si Liam— Nag-iba ang aura nila. Mas naging seryoso. Mas naging maingat. “Sir Liam…” sambit ng isa, halatang may respeto sa boses. Napatingin ako sa kanila. Sir? Sino ba talaga siya…? Mabilis nilang sinuri ang kanyang kondisyon. “Stabilized… but weak,” sabi ng isa. “We need to move.” utos ng isa, na tila lider ng team. Hindi ko na masundan ang iba nilang ginagawa. Ang alam ko lang— Inaalis na nila si Liam sa sleeping bag. At doon ko napagtanto na hindi ordinaryong tao ang kanyang inalagaan. Ilang sandali pa—inilalagay na siya sa harness para iangat. Bago tuluyang umalis, may isang lalaking lumapit sa akin. “Sumama ka,” sabi nito. Napakurap ako. “H-ha?” “You saved him,” dagdag niya. “Hindi ka namin iiwan dito.” Napatingin ako kay Liam. Sa lalaking ilang araw kong inalagaan. Humigpit ang hawak ko sa sarili kong kamay. At sa huli— Tumango ako. MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO. BAGO tuluyang magtakip-silim, natanaw ko na ang maliliit na ilaw ng lunsod mula sa himpapawid. Ilang saglit pa, unti-unti nang lumalapag ang helicopter sa rooftop ng isang pribadong ospital. Halos hindi ko na maaninag ang paligid—tanging ang ilaw na nagmumula sa ibaba ng lungsod ang nakikita ko. “Clear the way!” “Get the stretcher ready!” Sunod-sunod ang utos ang narinig ko. Agad nilang inilabas si Liam, maingat ngunit may pagmamadali. “Sir Liam, stay with us…” Narinig kong sabi ng isa habang itinutulak siya papasok. Sir Liam… Paulit-ulit na umuukilkil sa isip ko. Sino ka ba talaga? “Miss, dito po muna tayo.” Napalingon ako nang may kumausap sa akin. Ilang doktor at nurse ang agad na lumapit. “May sugat ka rin po. Kailangan ka naming i-check.” “Ayos lang ako—” “Standard procedure po,” magalang na giit nila sa akin. Wala na akong nagawa. Sinuri nila ako. Nilinis ang mga gasgas ko. Tiningnan kung may bali. Kinunan pa ako ng vital signs. Pero kahit ginagawa nila ‘yon— Ang isip ko ay nasa iisang tao lang. Kay Liam. HOURS LATER.. Nakaupo ako sa loob ng isang malinis, tahimik, at sobrang luwang na silid. May mga guard sa labas. Napatingin ako sa pinto nang marahang bumukas iyon. Isang lalaking nakaitim ang pumasok. Seryoso ang mukha nito. “Good evening, I’m David, Right-hand man ni Mr. Rodrigo,” panimula niya. Right-hand man… Lalong naging malinaw sa akin—hindi basta-bastang lalaki si Liam. “I just want to say thank you.” diretso niyang sabi. “If it weren’t for you, we wouldn’t have found him in time.” Tahimik lang akong nakinig. “Sir Liam is… important,” dagdag niya. “At hindi namin makakalimutan ang ginawa mo.” Ilang segundo siyang tumahimik bago inilabas ang isang envelope. “Please accept this,” sabi niya. Iniabot iyon sa akin. Hindi ko pa man binubuksan, may hinala na ako sa laman noon — pera. Marahan kong itinulak pabalik ang envelope. “Hindi ko kailangan ‘yan,” sabi ko. Bahagyang nagbago ang ekspresyon niya. “Miss.. this is just a token of gratitude—” “Tinulungan ko siya dahil kailangan niya ng tulong,” putol ko. “Hindi dahil may kapalit.” Tumitig siya sa akin, tila sinusukat kung seryoso ako. At nang masigurong seryoso ako sa aking sinabi. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niya. “I see…” mahinahon niyang sabi. Tumango ako. “Puwede na ba akong umalis?” tanong ko. “Baka nag-aalala na rin ang pamilya ko.” Sabi ko, kahit alam ko sa sarili ko na hindi iyon ang tunay na dahilan, gusto kong lumayo sa lugar na iyon — dahil hindi na ako komportable. Sa dami ng bantay. At mga matang nakatingin sa bawat galaw ko. “I’ll arrange it,” sagot ni David. Tumango ako. “Puwede ko ba siyang makita?” tanong ko. Saglit siyang natahimik. “Just for a while.” dagdag ko. “Alright..” TAHIMIK ang hallway papunta sa silid ni Liam. Mahinang tunog ng makina ang sumalubong sa akin pagpasok sa silid. Dahan-dahan akong lumapit sa kamang kinahihigaan niya. Mas maayos na siya ngayon. “So this is goodbye…” mahina kong bulong. Hindi ko naitago ang lungkot sa boses ko. Dahan-dahan kong hinawakan ang kwintas sa leeg ko. Inalis ko iyon at marahang isinuot sa kanya. “Keep this…” bulong ko. “Para maalala mo na minsan… dumating ako sa buhay mo… and I’ll be happy kung magkikita tayo ulit…” Napangiti ako nang bahagya– kahit mabigat ang aking dibdib. Hindi na rin ako nagtagal. Tumalikod ako. At dahan-dahang lumabas ng silid. “Thank you…” Sabi ko sa lalaking sumalubong sa akin sa labas ng silid—si David. Isang tango lang ang isinagot nito bago sinenyasan ang isang tauhan. “Make sure she’ll be home safely—” “No need… I’ll take it from here… sapat na sa akin na inalis niyo ako sa lugar na iyon.” Hindi nagsalita si David; nakatingin lang siya sa akin—bago dahan-dahang tumango. Naglalakad ako palayo—hindi na ako lumingon. Bitbit ang alaala ng isang lalaking nakilala ko sa gitna ng gubat. At nakasisiguro ako na sa paglisan ko sa lugar na iyon, kasamang naiwan ang isang bahagi ng aking sarili. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD