"Que fais-tu ici?" Nagtanong ang mahal na prinsipe sa wikang pranses, nandito ako sa kanyang silid ngayon.
Tinanong niya ako kung ano ang ginagawa ko dito sa palasyo.
Napakaganda ng kanyang silid at lahat ng kagamitan ay talagang magarbo.
"Ano pinagsasabi mo kamahalan?" Nagpapanggap ako na hindi ko maintindihan ang wikang ginamit niya.
"Oui, tu viens d'une famille pauvre!" Totoo na nagmula ako sa isang mahirap na pamilya. Kaya pumayag akong pakasalan siya dahil may responsibilidad ako sa pamilya ko.
"Ano ang ibig mong sabihin, Kamahalan?"
Inaasahan ko lang na isang Mahal na Prinsipe na nakilala ko sa merkado ay hindi sinabi na alam ko ang wikang iyon.
Para akong tanga na nagpapanggap na hindi alam ang wikang ginamit niya.
"Gaano karaming pera ang kailangan mo? Sabihin mo sa akin upang maibigay ko sa iyo ang gusto mo."
Totoo na sinabi nilang bastos ang ugali ng Prinsipe. kahit na walang pahintulot niya ay tumingala ako upang makita siya.
Ngumiti ako habang nakatingin sa kanya.
"Ayoko ng pera, gusto kita Mahal na Prinsipe. Hindi maitutugma ng pera ang pagmamahal ko sa iyo."
Ako ay isang malaking sinungaling. Gusto ko ng pera sa kanya at hindi sa pagmamahal na sinasabi ko.
At alam ko din na hindi ako magugustuhan ng mahal na Prinsipe. oo at gusto ko siya. ngunit iyon lang ang mayroon dito. ang bigat ng aking pamilya ay higit sa nararamdaman ko.
kailangan nila ako dahil sa kahirapan. Handa ako na tawaging mukhang pera para lamang sa kanila.
"How dare you look at me without my permission! Bow in respect for me!"
Mabilis akong yumuko at hindi ko na makita ang galit na mukha ng Mahal na Prinsipe.
"Magiging kawawa ka kung pakasalan mo ako! Dahil hindi ko magugustuhan ang desperadong babae ka!"
Hindi ako nandito para sa kanya. Nais kong bigyan ang aking kapatid ng magandang buhay.
Pumayag ako sa kasal dahil alam kong pagkatapos kong ibigay ang magiging anak namin sa Mahal na Prinsipe ay maghahanap siya ng bagong babae.
Hindi bawal sa mahal na prinsipe ang pagkakaroon ng maraming asawa. Bagkos ay ito ang tradisyon nila upang magparami ng angkan.
ang kanyang amang si King ay nakapag-asawa ng tatlo ngunit sa kasamaang palad ay naghiwalay din ang Mahal na Hari pagkatapos ng panganganak ng kaniyang asawa.
Walang ginawa ang kanyang kamahalan sapagkat iyon ang isa sa mga patakaran bilang isang maharlika.
pinalad ang Mahal na Reyna sapagkat kahit nag-asawa ang Mahal na Hari ng tatlo, mahal na mahal siya ng mahal na hari.
"Lumabas ka! Huwag na huwag kang lalapit sa akin!" sigaw sa akin ng Mahal na Prinsipe.
Yumuko muna ako bago umalis. Naiinis akong bumalik sa Hardin at sana umalis na ang mga prinsesa doon.
Masaya kong nalanghap ang amoy ng mga bulaklak sa hardin. maraming tagapaglingkod sa palasyo na nagdidilig ng mga halaman.
"Hindi ba masaya kapag nakatira ka sa palasyo?"
Mabilis akong tumingin sa prinsesa ng Madrid at agad akong yumuko.
"Ano ang ibig mong sabihin, Kamahalan?"
"Masaya ka kasi ikaw ang napili para kay Prince Harold, bakit ka pa? Kawawa ka lang babae!"
Hindi ko lubos maisip na ganito ang pakikitungo sa akin ng prinsesa sa kanyang banayad na mukha.
"Walang pinag-aralan at walang pakundangan! Saan gnapunya ang iyong kahihiyan? At bakit mo sinigaw ang salitang iyon?"
Nakayuko lang ako habang sinasabi niya ang mga salitang tumagos sa dibdib ko.
"Princess Sofia!"
boses iyon ng Prince na nakilala ko sa palengke.
"Huwag kang makialam dito!" Sinabi ni Prinsesa Sofia sa prinsipe.
"Tandaan mo magiging asawa siya ni Prince Harold at magiging prinsesa rin siya. Bigyan mo siya ng respeto kahit hindi mo siya gusto!"
Napakabait ng prinsipe na ito. Gusto kong umiyak dahil may nagtatanggol pa sa akin.
"Hindi na siya magiging prinsesa!" Narinig ko ang yapak ng sapatos ni princess Sofia.
"Tingnan mo ako friend." Nagulat ako sa sinabi sa akin ng Prinsipe.
Friend?
Tumingin ako kay His Majesty at nakita ko ang ngiti niya.
"I really miss your goods." Ang sabi ng Kamahalan habang Ngumiti.
"Hindi ka na nakakabenta kaya mamimiss ko ito." Ipinagpatuloy niya.
Ngumiti ako sa kanya. napakagaan ng loob niya.
"Huwag kang mag-alala magluluto ako para sa iyo." Sabi ko habang nakangiti.
Nakita ko ang pagkakunot ng noo niya.
"Baka magalit ang magiging asawa mo." Sinabi niya.
"Ipagluluto kita, at ang kamahalan din!"
"Si Prince Harold din? Sa palagay ko ay mabait kang maging asawa dahil palagi kang nagluluto ng masasarap na pagkain."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ba niya gusto ang pagkain sa palasyo kaya ganito siya?
"Pupunta ako sa aming palasyo mamaya at sana ay bumisita kayo ni Prince Harold."
Tumango ako bilang sagot.
"Kung iyon ay sasang-ayon siya. Ngunit kung hindi, pupunta lang ako at dadalhan kita ng paburito mo."
Mon ami, jusqu'à ce que nous nous revoyions. "
Itutuloy ...
A/N: Napag-isipan ko na itutuloy ko ito, ang dami niyo palang naghihintay huhu.