Kasalukuyang pinaghahanap ako ng mga kawal ngayon. Ilang araw na simula noong isigaw ko ang katagang 'yun sa Prinsipe.
Parang wawakasan na niya Ang buhay ko. Kanina pa ako nagtatago sa mabahong lugar na 'to.
Hanggang kailan kaya ako mananatili sa mabahong palikuran na 'to? Kitang-kita ko na ang mga uod sa loob ng inidoro.
Kanina pa ako nakatakip sa aking ilong. At hindi magtatagal ay hindi na si kamahalan ang magwawakas sa aking buhay, kung hindi 'tong mabahong palikuran na 'to.
"Nasaan na ang lapastangang babaeng 'yun?" narinig kung usal ng isang kawal. Sumilip ako sa maliit na butas at nanlaki ang dalawang mata ko ng makita ko ang apat na kawal na malapit sa pinagtataguhan ko.
"Kailangan natin siyang mahanap, magagalit ang mahal na Reyna," turan naman ng isang kawal na sa sobrang taba'y halos puputok na ang kanyang kasuotan.
Bakit ang mahal na Reyna ang naghahanap sa akin? Hindi ba ang Prinsipe ang naghahanap sa akin?
Nakaramdam ako ng kiliti sa aking paa, kaya tiningnan ko 'to. Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa mga makikita ko.
"Ahhhhh!" sigaw ko sa takot at agad akong lumabas sa pinagtataguhan ko.
"Ang babae!" rinig kung usal ng isang kawal. Abala ako sa pagpapadyak sa takot.
"Ahhh! Uod!" patuloy ko pa ring sigaw habang nagpapadyak pa rin.
"Huliin niyo siya!" wika ng matabang kawal sa mga kasamahan niya.
Agad akong hinawakan ng dalawang kawal kaya napatigil ako sa pagpapadyak.
"Ang sama ng 'yung amoy," ani ng payat na kawal.
"Saan niyo ako dadalhin?" tanong ko.
"Gusto kang makita ng mahal na Reyna," turan ng matabang kawal.
"Bakit?" tanong ko sa kanila. "Bakit ako gustong makita ng Mahal na Reyna?" tanong ko ulit.
Wala akong nakuhang sagot, kinaladkad nila ako't pinasakay sa isang itim na kabayo.
Naglakad na ang itim na kabayo at maya-maya'y tumakbo na 'to ng mabilis.
Sa takot ko'y hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa Palasyo ng mga Madrid. Namangha ako sa ganda ng palasyo. Sa mga bulaklak na nakapaligid.
Isa lang ang aking masasabi, sobrang ganda ng palasyong 'to.
Kusa akong bumaba sa kabayo at muli nanaman nila akong hinatak papasok sa loob ng palasyo.
Maraming nakatingin sa akin. Kinakabahan ako.
Tumigil kami sa paglalakad at halos manlalaki ang aking dalawang mata. Ang reyna't Hari, kasama ang angkan nila'y nakaupo sa harap ng hapagkainan. Lahat sila'y nakatingin sa akin. Ang prinsipe lang ang hindi nakatingin sa akin.
Agad akong lumuhod ng kurutin ako ng isang kawal sa aking paa.
"Tumayo ka," rinig kung utos ng mahal na Reyna sa akin. Agad akong tumayo habang nakayuko.
"Lumapit ka," utos nanaman ng Reyna sa akin. Naglakad ako papalapit sa kanila. "Sit down." Agad akong umupo sa tabi ng Prinsipe. Dito kasi ang malapit na bakanteng upuhan. Nandito na rin ang Prinsipe na kausap ko nitong nagdaang araw.
"Kumain ka na ba?" tanong ng isang babae. Isa yata 'tong prinsesa.
"H-hindi pa mahal na prinsesa," agad kung sagot.
"Eat..."
Tiningnan ko ang Prinsipe. Ang sama ng tingin niya sa akin ngayon.
Dapat ba akong umupo? Pikit mata akong umupo sa tapat ng Prinsipe na ngayon ay sobrang talim ng titig sa akin. Tila pinapahiwahig niya na patay ako mamaya.
Makalipas ang ilang minuto ay tapos na kaming kumain. Hindi ako nabusog dahil sobrang bilis nila kumain. Parang isang subo lang ang nangyare. Talaga bang ganito sila kumain? Sobrang konte.
Hindi naman masasabing nagtitipid sila ng pagkain dahil for sure ang mga nakalatag na pagkain sa hapagkainan ay itatapon lang.
Samantala sa aming mga mahihirap ay todo kayod makabili lang ng makakain namin araw-araw.
Tapos 'tong mga maharlika nagtatapon lang ng pagakin na sobrang sarap. 'tong nakalapag ngayon ay panigurado akong apat na pamilya ang mabubusog pagpinamigay 'to.
"Mauuna na ako sa aking silid Mahal na Reyna," ani ng Prinsipe na Hindi ako nagawang tapunan ng tingin. Sino ba ako para tapunan niya ng tingin? I'm just nothing to him. Isa lamang akong hampas lupa.
Yumuko ng konte ang Prinsipe bilang pagbigay galang sa kanyang ina. Yumuko rin ako sa harap ng Prinsipe upang magbigay galang din sa kanya.
"Hindi mo ba gustong makausap ang magiging asawa mo?"
Halos takasan ako ng kaluluwa ko sa narinig. Magiging asawa ng Prinsipe? Sino?
"Maybe later..."
"Okay, okay! Alam Kung wala pang closure sa 'nyong dalawa. Darating din kayo diyan," ani ng Reyna.
Sino ba ang tinutukoy nila?
"Hindi ba Alana?" Agad akong bumaling sa mahal na Reyna ng tanungin niya ako.
"Tama mahal na Reyna," tugon ko.
Umalis na ang Prinsipe. Ngayon ay nakangiti ang Mahal na Reyna sa akin. Umalis na rin Ang prinsesa at ang mahal na Hari.
Ngayon ay kami lang ng Mahal na Reyna ang natira. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Pakasalan mo ang Prinsipe."
Parang pinukpok ako sa narinig. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko ngayon. Bakit?
"Paumanhin Mahal na Reyna. Ngunit bakit ako? Isa lamang akong simpleng babae na galing sa mahirap na angkan."
"Bakit ikaw? Dahil ikaw ay meron katangihang gustong-gusto ko. Sobrang lakas ng 'yong loob," aniya.
Nakakataba ng puso na marinig 'yun galing sa Mahal na Reyna. Isang karangalan 'yun sa akin.
"Hindi mo ba alam na p'wede kang hatulan ng kamatayan dahil sa pagsigaw mo mismo sa harap ng Prinsipe? Nang marinig ko 'yon ay natawa at napangiti lang ako. Ikaw ang nararapat sa anak ko."
Napangiti ako sa sinabi ng mahal na Reyna. Nararapat ba ako para sa kanya.
Alam kung napipilitan lang ang Mahal na Prinsipe. Halata naman sa kanyang mga titig kanina sa akin.
"Pumayag na rin Ang Prinsipe tungkol dito. Ang hinihintay lang ay ang approval mo."
Agad nanlaki ang dalawang mata ko sa narinig. Paanong pumayag e halata ngang gusto niya akong tirisin kanina?
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng Mahal na Reyna ngayon sa akin.
Alam kung hindi magiging madali 'to. Pero para sa pamilya ko tatanggapin ko ang alok sa akin.
"Pumapayag ako Mahal na Reyna."
Ngumiti Ang Mahal na Reyna sa sagor ko.
"Tomorrow, ipapaalam sa mga magulang mo ang kasunduhan. Dito ka narin maninirahan sa palasyo pero hindi kasama ang pamilya mo."
Magkalayo man kami ng pamilya ko. Atleast mapakain ko sila ng mabuti at mapag-aral ko ang aking kapatid sa mabuting paaralan.
"Sang-ayon ako..."
To be continued...