Nandito nanaman ako ngayon sa palengke at kasalukuyang nagbebenta ng paninda kung kamote. Meron ditong kamote cue. Meron ding nilagang kamote, 'to lang ang kinabubuhay naming magpamilya.
Paubos na rin ang paninda ko kaya todo ang ngiti sa aking labi dahil malapit na akong umuwe sa aming bahay.
"Bibili ako ng kamote," ani ng isang isranghero na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin. Agad lumapad ang ngiti sa aking labi dahil sa wakas ay makakauwe na ako.
"Uubusin mo ba?" tanong ko sa lalake. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa kanyang labi.
"How much?" tanong niya na ikinalaki ng dalawang mata ko. Ibig sabihin ay galing siya sa marangyang pamilya. Iilan lang ang mahirap dito sa aming bayan ang nakakaintindi ng wikang ingles.
Nakapag-aral naman ako, kaya naiintindihan ko naman ang kanyang winika.
"Bente pesos lang po," nakangiting tugon ko sa lalake.
"Matamis ba ang 'yong kamote?" tanong niya sa akin. Agad akong tumango bilang sagot.
"Nakakaintindi ka pala ng english?" tanong niya nanaman sa akin.
"Medyo, hindi rin naman kasi mataas ang aking pinag-aralan," turan ko.
Tumango-tango siya habang nakatingin at nakangiti pa rin sa akin. "Atleast may naiintindihan ka," anito.
Pagkatapos kung balutin ang kamote ay iniabot ko na sa lalake. Kinuha naman naman niya 'to.
"What is your name?" tanong niya na ikinagulat ko. Bakit tinatanong ng lalaking 'to ang aking pangalan?
Well, sa mukha pa lang ng lalaking 'to'y alam ko na galing siya sa mayamang pamilya, g'wapo siya at matipuno ang pangangatawan. Pero walang makakapantay sa kakisigan ng aking Prinsipe.
"Ako si Alana Bartoleme," pakilala ko sa aking ngalan. Naging malapad ang kanyang ngiti.
"Matagal na kitang nakikitang nagtitinda ng kamote dito, ngayon lang ako naglakas loob na bumili ng paninda mo kasi akala ko maldita ka," anito na may kasama pang tawa. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Tapos ka na ba sa pagsasalita ginoo? Uuwe na kasi ako, dahil ubos na ang aking paninda," mataray kung tugon sa kanya. Tumawa siya lalo. Sa tawa niya'y nahakot na niya agad ang paningin ng mga tao sa paligid.
"Mataray ka nga," turan niya at tumingin siya sa mga kawal na papalapit na sa gawi namin.
"Hindi ako mataray," sabi ko sa kanya. Hindi pa rin nagpapakilala ang lalaking 'to sa akin.
Nang makalapit na ang mga kawal ay agad silang yumuko sa gilid. Kaya napakunot ang noo ko dahil sa ginawa ng mga kawal.
"Mahal na Prinsipe, kanina ka pa namin hinahanap," sabi ng isang kawal. Agad akong napatakip ng bibig dahil sa narinig.
Nang marinig ng mga tao ang winika ng isang kawal ay agad silang yumuko. Tulala akong nakatingin sa lalaking nasa harap ko na bumili ng kamote. Isang Prinsipe pala ang nasa harap ko.
Nang mapagtanto ko ang kahangalan ko'y agad akong yumuko at nag-iwas ng tingin sa Prinsipe.
"Sinira niyo na ang moment ko," ani ng Prinsipe. Bigla niyang hinawakan ang balikat ko na dahilan ng paninigas ko.
"Tumingin ka sa akin," utos niya sa akin. Ginawa ko naman 'to. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at nakangiti pa rin siya ng malapad.
"Pupunta ka rin ba dito bukas?" tanong niya sa akin.
"Oo," tipid kung sagot. Maslalong lumapad ang ngiti niya ng marinig ang tinuran ko.
"Kung gayon, tirahan mo ako ng bente pesos na kamote," turan niya at kinamot niya ang batok niya.
"Masusunod mahal na Prinsipe," sagot ko. Bigla siyang ngumuso.
"Calix na lang, magkaibigan na tayo ngayon hindi ba Lana?" tanong niya. Lana? Bakit Lana ang tawag niya sa akin?
Dahan-dahan akong tumango. Nagulat ako ng bigla niyang kurutin ang pisngi ko.
"Mahal na Prinsipe, hinahanap ka na ni Prinsipe Harold," ani ng isang kawal. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa narinig. Kung ganun nandito rin si Prinsipe Harold?
"Bakit ba hindi pa mauuna sa palasyo si Prinsipe Harold?" singhal niyang tanong sa sarili.
Nakatingin lang ako sa Prinsipe na nasa harap ko. Kaano-ano kaya niya si Prinsipe Harold?
"I'll be back here tomorrow, kaya sana may kamote pa akong maabutan," anito. Gusto kung matawa dahil isang Prinsipe kumakain ng kamote. Hindi ba siya pinagbabawalan ng kanyang mga magulang? Kumakain siya ng pang mahirap na pagkain.
"Wag kang mag-alala Prinsipe Calix, meron kang aabutan na kamote bukas," tugon ko sa kanya. Ngumiti siya ng malapad sa narinig.
"Maraming salamat, sige na magpapaalam na ako sayo Alana," turan niya. Tumango lang ako. Umalis na siya at ako naman ay naglakad na rin pauwe sa amin.
Nang nasa daan ako'y napatigil ako sa paglalakad ng nakita ko ang mahal na Prinsipe na naglalakad kasama ang mga kawal niya.
Napaka g'wapo niya sa suot niya. Palagi naman siyang nakasuot ng royal attire at bagay na bagay talaga sa kanya.
Prince Harold sucked in a breath. This man's figure was too good to be true.
A well-defined broad chest with every muscle perfect, and not a trace of fat on his body, speacilly those alluring abs.
Not only was his face bewitching, his body too!
"Buntisin mo ako kamahalan!"
Agad akong napatakip ng bibig ng mapagtanto ko ang naisigaw ko sa harap ng mahal na Prinsipe. Sa isip ko lamang 'yun ay t bakit naisigaw ko at sa harap pa ng mahal na Prinsipe. Hindi lang sa harap ng mahal na Prinsipe kung hindi sa lahat ng mga taong nasasakupan ng mahal na Prinsipe.
Nakatingin sa akin ang Prinsipe. Anong gagawin ko?
Maraming nagbubulungan sa tabi-tabi, nang makalapit na sa gawi ko ang Prinsipe ay agad akong yumuko.
"What did you say?" tila parang galit na tigre na tanong niya. Napalunok ko dahil alam kung galit ang mahal na Prinsipe sa lapastangan na tulad ko.
"Tingnan mo ako!" maotoridad niyang utos sa akin. Agad akong nag-angat ng tingin sa mahal na Prinsipe.
Anong gagawi ko? Bakit kasi ang tanga-tanga kung nilalang?
Tiningnan ko ang mahal na Prinsipe. Kunwari lasing ako. Oo, lasing ako ngayon.
"I-ikaw ba 'yan mahal na prinsipe?" parang tangang tanong ko. Nangunot ang kanyang noo.
"Mahal na Prinsipe wag na natin siyang pagtuonan ng pansin. Baka lasing lang ang babaeng 'to!"
Tumalikod ang mahal na Prinsipe at nakahinga ako ng maluwag. Muntik na akong pugutan ng ulo ng mahal na Prinsipe.
"BUNTISIN MO AKO KAMAHALAN!"
Sigaw ko ulit at kumaripas na ako ng takbo.
To be Continue...