Chapter 1

969 Words
"Inay madaming kawal sa palengke, anong meron?" tanong ng kapatid kung si Alezar kay inay. Tumayo ako at inayos ang ibebente kung kamote sa palengke. "Siguro na sa palengke ang prinsipe ng mga Madrid," tugon ni inay. Binitbit ko na ang pinaglalagyan ko ng paninda ko. "Aalis na po ako inay," paalam ko. Tumango si inay sa akin. Hinalikan ko mo na ang kanyang noo bago umalis. Nang na sa daan na ako'y iniisip ko pa rin kung bakit pumunta ang Prinsipe ng nga Madrid sa palengke. Ang mga Madrid ay kilala sa lipunan, sila ang pinakamayamang royal family sa buong bansa. Hindi ko pa nakita ang mukha ng Prinsipe, pero natitiyak kung napakag'wapo niyang Prinsipe. Napapabalitaan din na maraming Prinsesang nagsubok na pakasalan ang Prinsipe. Kaso masyadong mataas ang standard ng Prinsipe sa isang babae. Nang marami akong nadadaanan na mga tao sa labas ng kanikanilang tahanan ay sumigaw ako. "Kamote! Kamote kayo diyan!" Kailangan kung magbenta para sa pang-araw araw namin. Galing kami sa mahirap na angkan kaya dito kami pinatapon sa probinsyang 'to kung saan maraming mahihirap din. Karamihan dito ay naninilbihan sa palasyo. "Magkano ang kamote mo miss?" tanong ng isang madungis na lalake. May hawak 'tong alak at mukhang lasing na siya. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad. "Kinakausap pa kita miss, bibilhin ko ang kamote mo." Hinawakan niya ang braso ko. Kinakabahan ako sa lasing na lalaking 'to. Baka ano ang gagawin sa akin. "Bitawan mo ako!" Sinampal ko ang lalaki. "Bastos ka!" sabi ko sa kanya. Ang kapal ng pagmumukha niyang hawakan ako. Ngumisi ang lalaki habang nakahawak siya sa pisngi niya na sobrang itim. Naglakad ako ulit pagkatapos ko siyang sampalin. Pero hinablot nanaman niya na ang braso ko at sinampal ako ng malakas. Napasubsob ako sa lupa. Nagkalat ang paninda kung kamote. Nakaramdam ako ng inis sa lalake. Pumikit ako ng mariin. Hindi ako p'wedeng lumaban dahil baka merong dalang kutsilyo ang lalaking ito. Nakarinig ako ng mga yapak ng mga kabayo at tumigil ito sa kung saan ako ngayon nakasalampak at nakayuko. Idibilat ko ang dalawang mata ko at ang bumungad sa akin ay apat na pares ng paa ng kabayo na kulay puti. "Mahal na Prinsipe!" Mabilis akong tumingala sa taong nakasakay sa puting kabayo ng marinig ko ang usal ng lalaking lasing na nanakit sa akin. Nanlaki ang dalawang mata ko ng makita ko ang isang lalaki. Nakasuot 'to ng pang royal attire. "Ano ang ginagawa mo sa babaeng 'to?" napakalamig ng kanyang boses. Nanginginig sa takot ang lalaking lasing. Habang ito'y nakaluhod. Tulalalang-tulala ako sa Prinsipe. Totoo nga ang balibalita na sobrang g'wapo at kisig niyang Prinsipe. "Patawad kamahalan, hindi ko na po uulitin. Wag niyo po akong ipatapon sa ibang nayon." Bumaba ang Prinsipe habang nakatingin sa akin na ngayon ay tulalalang-tulala sa kanya. "Bakit ganyan ang titig mo sa mahal na Prinsipe? Yumuko ka!" singhal sa akin ng isang kawal. Ginawa ko ang sinabi niya. "Maraming salamat Kamahalan." Wala akong narinig na sagot galing aa kanya. Nakikita ko pa rin ang puting bota niya. May ibinato siya sa akin na nakabalot sa mamahaling tela. "Alisin niyo ang babaeng ito sa dinadaanan ko," utos niya sa mga kawal niya. Hindi ko na hinintay na mahawakan pa ako ng mga kawal niya at ako na mismo ang tumabi. Hindi ko pinulot ang ibinigay niyang nakabalot sa isang tela. Sumakay na siya sa kabayo niya. "Hindi mo ba tatanggapin ang ibinigay sayo ng mahal na Prinsipe?" tanong ng isang kawal sa akin. "Hindi ko tatanggapin iyan at paunmanhin. Iniligtas ako ng kamahalan kaya pag tinanggap ko iyan ay maslalo lang madagdagan ang utang na loob ko sa kanya." Narinig ko ang halakhak ng Prinsipe sa sinabi ko. "Hangal! Mahirap ka na nga'y ma pride ka pa. Pulutin niyo ang perang iyan at umalis na tayo!" utos niyang muli sa mga kawal niya. Nakatanaw lang ako sa papalayong Prinsipe. Totoo rin ang sabi nila na masungit siya. Napangiti ako nang maalaala ko ang mukha niya. Napakag'wapo niyang Prinsipe. Pagka-uwe ko ay pinagalitan ako ni inay dahil nagtanong siya kung bakit sira at may dumi na ang nga kamoteng ibebenta ko. Sinabi ko sa kanya ang lahat at kung paano ako tulungan ng Prinsipe sa lalakeng lasinggero. "Mabuti naman at tinulungan ka niya. Maraming nakakapagsabi na walang pakialam ang Prinsipe sa iba." Nagulat ako sa sinabi ng aking ina. Kung totoo man 'yun ay napakaswerte kung babae. Isipin niyo isang tulad kung dukha ay napansin ng isang arognateng Prinsipe. Kahit arogante siya'y hindi pa rin mawala sa isip ko na tinulungan niya ako. "Bakit ka nakangiti ate?" tanong ng aking kapatid. Tiningnan ko siya at pinandilatan. "Mukha ba akong nakangiti?" "Hindi ka lang nakangiti namumula ka pa," turan ng aking kapatid. "Manahimik ka na nga't gawin mo na ang aralin mo!" singhal ko sa kanya. "Crush mo ba ate si Prinsipe Harold?" halos mabitawan ko ang hawak-hawak kung basket dahil sa katanungan ng aking kapatid. "Anong crush-crush pinagsasabi mo? Gawin mo na ang 'yong aralin at pagkatapos ay tulungan mo akong magsibak ng kahoy sa likod ng bahay!" singhal ko ulit sa kanya. "Opo ate." Agad siyang tumayo at pumasok sa kanyang maliit na silid. Tiningnan ko si inay na ngayo'y nakatingin na sa akin. "Hindi masamang magkaroon ng crush anak. Ngunit isa siyang Prinsipe," sabi ng aking ina. Nginitihan ko ang aking ina. "Isa lang 'yung paghanga inay. At alam ko na hindi ako nararapat sa kanya. Hayaan mo akong hangaan siya. At alam ko rin na kahit kailan inay, hindi magkakagusto sa akin ang mahal na Prinsipe," tugon ko sa aking ina. Tumango lang siya at pagkatapos ay pumasok siya sa maliit naming kusina. Naiwan akong mag-isa sa maliit naming sala habang nakatayo na may bitbit pa ring basket. "Ang hirap mong abutin, ngunit pagsisikapan kung abutin ka sa abot ng aking makakaya kamahalan." TO BE CONTINUE..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD