XX. Dali-daling lumayo si Jeffri sa hotel na iyon. Ipinagbilin na lamang niya si Jose Fernando sa isang detective na inupahan. Ngayon niya napagtagni-tagni ang mga pangyayari mula sa pagkakadukot ng asawa hanggang sa muntikanan niyang pagkamatay sa kamay ng mga walang kaluluwa. Ngunit hindi nya maisip kung paano sya natuntun ng mga Montalban gayong maingat siya mula pa noon. At marahil dahil sa kapabayaan nya ay nadamay pa ang asawa sa kawalanghiyaan ng mga ito. Mas lalong binilisan ni Jeffri ang pagpapatakbo sa sasakyan ng mapansin ang isang itim na honda civic na dalawang araw nang nakasunod sa kanya. Ngayo'y nanganganib ang buhay niya, sampu ng kanyang mga mahal sa buhay dahil lamang sa kanya at hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kung sakaling may masamang mangyari sa mga ito.

