XXVI. Five years after Jeffri's car accident... "Pop, you ask to see me?" Bungad ni Aryana pagkaraang papasukin siya ng abuelo. Nakasanayan na rin ng dalaga ang pagtawag ng pop sa matandang prinsepe. Noong una ay nahihiya sya dahil hindi naman sya tunay na apo nito ngunit ipinakiusap ng matanda na iyon ang itawag ni Aryana dito dahil iyon ang tawag ni Jeffri dito. "Yes dear, I have important things to discuss with you." Anang matandang prinsipe habang iminimuwestra ang upuan sa manugang. Kinakabahang umupo sa kaharap na silya si Aryana. Sa limang taong pagkamatay ng asawang si Jeffri ay ngayon lang ulit siya kinausap ng matanda nang sarilinan. Hindi niya tuloy mawari kung sinisisi ba siya nito sa maagang pagpanaw ng minamahal na apo tulad ng pagsisi niya sa sarili lalo pa't ni hindi

