XXVII. Ninoy Aquino International Airport.... "Pwede bang pakibilisan ang paglakad mo Mr. Lee?" Naaasar na pinameywangan nito ang pinsan na animo batang naglalakad at nasisiyahan sa mga nakikita. "I can't believe it!" Masayang sabi ni Jefferson. "At long last, I smell home!" "Yeah, tumigil ka nga sa kaka-eng-eng mo diyan at nagugutom na ako," reklamo pa rin ng dalaga. Hinila na lamang niya sa kamay ang binata. "Yes! I want to see the farm, I miss it so much," wala pa ring tigil sa pagsasalita si Jefferson. "I want to ride the horse that grandad gave me!" "Sure! Move your ugly butt then!" Naiiritang sambit ni Sam. "Say what?" Anang binata at tumigil ito sa paglalakad na kamuntikanang nasubsob si Sam, mabuti na lamang at naka-running shoes siya kaya't nabalanse niya ang katawan bago

