XXVIII: Memories

1488 Words

XXVIII. Pakiramdam ni Aryana ay napapaso siya sa bawat titig ng lalaking kaharap. Hindi man niya makita ang sarili ay alam niyang namumula na siya at iyon ang isang bagay na ayaw na ayaw niya sa lahat. Pagkaraan ng mahigit limang taon ng kanyang pagluluksa sa maagang pagkawala ng asawa, ngayon lang siya ulit nakadama ng kakaiba at sa lalaki pang estranghero. Narito siya sa hacienda upang pakiusapan ang apo ng may-ari ng lupa na ibenta na sa kanila ang buong lupain. Ngunit sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata ay animo nahihipnotismo siya ritong titigan ng matagal ang lalaki.  Mabilis niyang iniiwas ang kanyang mga mata upang pigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. There is something in his eyes that made her shiver, nanunuot sa kanyang kaloob-looban ang matiim na titig nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD