VII.
“KANINONG BAHAY ITO?” manghang tanong ni Aryana. She was amazed by the modernized interior --- from the ceiling to the walls and even the flooring ay mapapansing pinaglaanan ng panahon at malaking halaga ng pera. The furnitures and fixtures too, it’s like a presidential suite of a prestigious hotel sa ibang bansa. She likes the receiving/living room with a white L-shaped leather couch and a black rectangular coffee table. Installed on the wall is a 70-inch flat screen LED Smart TV. “Ang sarap sigurong tumambay dito, pa-chill-chill lang,” anya sa sarili na natatawa sa naisip.
"Sa isang kaibigan," nakangiting tugon ni Jeffri. Masaya sya dahil kinakausap na sya nito, hindi tulad nung nasa byahe sila ng ilang oras, laging nasa telepono ito kausap ang mga kaibigan daw nito. Sulit na rin ang pagbyahe nila sapagkat kitang-kita nya na nag-eenjoy ang asawa sa pagtingin-tingin sa buong kabahayan. “Can’t wait to see her reaction once she sees the backyard garden. I hope she’ll like it.” Anya sa isip.
"Where are they?" walang ibang maisip si Aryana kaya't random ang kanyang mga ibinabatong tanong sa asawa. Ang akala nya ay pagtatawanan na naman sya ngunit sumasagot naman ito ng maayos.
"They're long gone!" sagot ni Jeffri na masayang pinagmamasdan si Aryana na hinahaplos lahat ng maaring hawakan. Nangingiti sya sa naisip na kapilyuhan nang biglang may lumagapak sa kanyang balikat. "Hey, why did you do that for?" kunwa'y galit ito.
"I asked you a question but it looks like you are lost in your own world!" sabi ni Aryana bago ito nagmartsa paakyat sa kwartong inilaan nya para dito. Hindi naman sya nag-aalala na mawala ito dahil hindi naman kalakihan ang bahay-bakasyunan.
"Geeh, ganun na ba ako katagal na nakatitig sa kanya? Uh uh!" anang binata sa sarili. He can't help it if he can’t stop staring at her.
Napatanga si Aryana ng makaayat sa ikalawang palapag ng bahay. Isa sa mga kwarto ay nakaukit ang pangalan nya dito. Marahan nyang pinihit ang seradura at saka dahan-dahang sumilip sa loob bago sya tuluyang pumasok.
Pagpasok sa kwarto ay hindi mapakali si Aryana. Hindi naman kasi totoong kanina pa ito tulala ngunit animo nalulusaw na sya sa mga titig nito at ang pag-gagalit-galitan ang tanging sandata nya upang hindi muling mahulog ang kanyang puso sa bangin na alam naman nyang walang sasalo. And that's the truth that pained her too much!
"Arrrgghhhhhh!" ibinagsak na lamang ni Aryana ang katawan sa malambot na kama at marahang ipinikit ang mga mata. "Saka na lang ako mag-iisip, sa ngayon ay bubusugin ko muna ang sarili ko sa mga nakaw na sandali na kapiling kita." bulong nya sa hangin.
"My princess," si Jeffri, pumasok na sa kwarto pagkaraan ng ilang marahang katok. Nag-alala kasi sya sa asawa dahil mag-iisang oras na ito sa loob ng kwarto ngunit hindi pa ito lumalabas. And he found his wife sleeping like an angel on the bed na ni hindi man lang nito nakuhang magtanggal ng sapatos.
"Sleep tight my princess," kinintalan nya ito ng halik sa noo pagkatapos nyang tanggalin ang sapatos nito. Marahang isinara ni Jeffri ang pintuan.
After leaving Aryana’s room, Jeffri found himself in the bar of the house and pours himself a glass of whiskey. "Being near you like this but I can't even hold you in my arms is killing me," mapaklang ngiti ang sumungaw sa mga labi niya. Marahan nyang iginalawa ang hawak na baso upang tunawin ang yelo na inihalo nya sa whiskey.
Bago pa sya magpakalunod sa alak ay lumabas sya ng bahay upang mamasyal muna. He misses this place so much, maraming alaala para sa kanya. May mga masakit na nakaraan ngunit tinabingan iyon ng mapagmahal na mga kaibigan.
Ang tunay na may-ari ng bahay ay itinuring syang apo ng mga ito. Isang Persian prince na nakapag-asawa ng pinay, itinakwil ng mga magulang ng lalaki dahil katulong lamang ang asawa, ngunit sinuong ang lahat ng panganib para lang manatiling magkasama. Nagkaroon ang mga ito ng tatlong supling na naging dahilan upang mapatawad ng mga magulang at muling naluklok bilang prinsipe.
Natagpuan sya ng mag-asawa na palaboy-laboy sa lansangan, walong-taong gulang lamang sya noon. His parents were killed by somegreedy bastards na kasosyo ng ama at gustong nakawin ang kanilang kayamanan. Ang masaklap, magpahanggang ngayon ay hindi pa nakilala o nahuli ni isa man sa mga killers. He hired different investigators to find the culprits but still nothing came back. Parang may nakatabing na manipis na tela sa kaso ng pagkamatay ng mga magulang.
Ang mag-asawa ang nagmistulang mga anghel nya. They raised him as their own grandson, they even changed his name upang hindi na sya masundan ng mga taong ganid. Tuwing uuwi ang mag-asawa sa Persia ay isinasama sya. Tinanggap rin sya ng mga anak ng mag-asawa bilang kapamilya. From then on, he’d been grateful for the Trisnu family.
Nang magkaedad na ang mag-asawa at nagdesisyong mamalagi na sa Persya ay ipinagkaloob sa kanya ang mga negosyo ng mga ito pati na rin ang paborito nilang bahay-bakasyunan.
Minsan sa isang taon ay binibisita nya ang mga ito, ngunit dahil sa kalagayan ng ama ni Aryana ay tatlong taon syang hindi nakabisita. Naintindihan naman ng kanyang abuelo at abuela ang kanyang dahilan. Ilang buwan na rin nang huli nyang makita ang mga ito.
Hindi nya namalayang tumutulo na pala ang kanyang mga luha habang inaalala ang nakaraan.
-----
"Who is that girl?" tanong ni Mr. Trisnu na nakatingin din sa babaeng nasa kalye.
"I dunno." balewalang sagot naman ng binata. Nakalimutan nyang na nasa sasakyan sya kasama ang abuelo at wala sa sarili na muli syang napa-slow down sa pagmamaneho nang masulyapan ang dalagang nakakapagpabilis ng t***k ng puso nya.
"What do you think of her?" anang prinsipe, animo hinuhuli ang binatang apo. Ilang beses na kasing nahuhuli nya itong nag-slow down tuwing nadadaan sa eksklusibong paaralan para sa mga mayayamang angkan ayon na rin sa mga kilos at pananamit ng mga ito, tuwing susunduin sya nito. At iisang babae lang ang tinitingnan nito.
"What do you mean pop?" tanong ni Jeffri sa abuelo. May kutob syang alam ng kanyang abuelo ang kanyang pagkahumaling sa dalagita.
"That girl, she looks nice." panghuhuli pa nito.
"Nice but too stupid!" bulong ni Jeffri na hindi naman nakaligtas sa pandinig ng matanda. Isang makahulugang ngiti ang ibinigay nya sa binata.
Makaraan ang ilang araw ay ipinatawag ng abuelo si Jeffri sa loob ng opisina nito. “Pop, do you need me?”
"Hey, I've got a job for you." sabi ng matandang prinsipe nang minsang tawagin sya nito sa library ng bahay.
"What is it pop?" agarang tanong ni Jeffri.
"I have a friend that needs help. He has a daughter that is so pasaway," sabi nito na slang ang huling word. Marunong magtagalog ang abuelo nya pero slang pa rin ang pagbigkas nito. "He's looking for someone to act as her personal bodyguard."
"And?" tanong ni Jeffri sa pambibitin ng abuelo kahit he has this hint na iyon ang magiging trabaho nya.
"Just for the meantime, apo." sabi nito na nabasa ang iniisip nya.
"How long is the "meantime" pop?" kahit gustuhin nyang salungatin ito ay hindi nya kayang gawin. He loves the old man so much at ayaw nya itong bigyan ng sama ng loob kahit konti lang.
"Until she realizes her mistakes. She's a brat and now her father wants her to learn the hard way." ani Mr. Trisnu.
"But pop...." di na naituloy pa ni Jeffri ang sasabihin dahil sinansala na agad ng matanda.
"Please hijo, just this time. And one more thing, she doesn't know about your social standing, good thing you never go out that much in public," matalinhagang dagdag nito.
"As long as it's fine with you pop!" sukong turan nya.
Dun na nag-umpisa ang kanyang kalbaryo. Daig pa nya ang magpaamo sa isang tigress na ubod ng bangis. The girl he's longing to hold in his arms is the same one who is making his world upside down. His pop knows too well on how to make him vulnerable. He had a soft heart for people who are really in need but a stone one to those who deserves to be treated the way they acted.
"How are you son?" pangungumusta ni Mr. Trisnu ng minsang umuwi sya sa mansyon. "You don't look good eh?"
"I'm doing fine pop!" kaila nya rito. Pakiramdam nya ay nakasalang sya sa kalan na matamang pinagmamasdan kahit ultimo paghinga nya. Ganoon ang pakiramdam nya sa tuwing kinukumusta sya kapag may ipinapagawa ang kanyang abuelo sa kanya.
"Do you want to quit now?" seryosong tanong ng matanda. "I can call and tell him you are not interested anymore." dagdag pa nito.
"No pop, I just started and as I promise you before, I will never quit." sagot nya sa matanda. Hindi na nya napansin pa ang kislap ng mga mata ng abuelo sa tinuran nya.
"I guess you are ready now," kapagkuwa'y nagsalita ang matandang Trisnu.
"Ready for what pop?" kinakabahan sya sa tinatakbo ng kanilang usapan. Nasa library sila ng bahay at doon nag-uusap. Matamang pinagmasdan nya ang matanda ngunit hindi nya mabasa ang nilalaman ng isip nito. Sa puso nya ay naroon ang agam-agam at lumbay sa maaaring kahihinatnan ng sasabihin ni Mr. Trisnu. Matagal na nyang inaasahan na babalik ang mga ito sa Persya dahil naroon ang totoong pamilya ng mga ito at naroon din ang responsibilidad ng prinsipe.
"Your Grandma and I are planning to go home to Persia for good." deretsong sabi nito.
· * * * * * * * * * * * * * *