VI. I do, but do you?

1494 Words
VI. Makaraaan ang ilang araw pagkatapos marinig ang pinkahuling habilin ng ama ay puspusan na ang ginawa ni Aryana upang mas mapalago pa ang kumpanyang pinaghirapang itayo ng yumaong ama. Pumayag na rin siya na magpakasal kay Jeffri, hindi lang bilang pagsunod sa pakiusap ng ama, kundi dahil na rin sa kadahilanang hindi pa rin nawala ang pagmamahal nya sa binata. Isang simpleng kasalan ang hiniling ng dalaga na idinaos sa hacienda Montreal. Minana nya ang hacienda mula sa abuelo sa ina. Ito na lang ang naiwang alaala ng ina kaya’t hindi nya ito pinabayaan. Dahil tulad nya, ang inang si Donya Alyana Montreal Fuentes ay ang nag-iisang taga-pagmana ng mga Montreal. Mga malalapit na kamag-anak at kaibigan lamang ang imbitado sa mahabang dulang. Ang gusto sana ni Jeffri ay engrandeng kasalan ngunit sinansala nga ng dalaga. Ayaw din nyang may mga tiga-media na dadalo dahil ayaw nyang maging isyu ang pagpapakasal nya sa binata at maging laman ng mga pahayagan. Ayaw na ayaw nya na napagtutuunan sya ng pansin ng media. Maayos namang naidaos ang munting kasalan sa kabila ng kawalan pareho ng mga magulang ng mag-asawa. Hindi rin naka-attend ang abuelo at abuela ni Jeffri dahil busy ang mga ito sa Persya at hindi maiwanan ang responsibilidad ng matanda. Isang simpleng ngiti lamang ang naipabaon ni Aryana sa mga bisita nang magpaalam na ang mga ito. “Huwag mo naman masyadong pagurin ang asawa mo, hija mija!” Buska ni Brylle pabulong sa kanyang tenga. Kinurot nya ito sa tagiliran. “Aray naman, Yana. Oo na po, lalayas na. Sus, di man lang makapaghintay ng konti.” Dagdag nito bago patakbong lumulan sa kanyang kotse pabalik sa syudad. Hindi mapakali si Aryana sa loob ng silid. Paroo’t parito sya na di mawari kung sa loob ng banyo magtago o lalabas ng silid at lilipat sa kabilang silid. Pagkaraan ng ilang sandali nang makaalis lahat ng bisita, maging ng mga kasambahay, ay palihim na binubuksan nya ang bawat pintong madaanan nya patungo sa masters bedroom ng mansyon. Sa dinami-dami ng mga kwarto ay puro naka-lock ang mga pinto nito at sa kasawiang-palad ay wala syang duplicate ng susi. May hinuha syang ipinasadya ni Brylle ang pagla-lock ng mga pinto upang hindi sya ma-tempt na matulog ng mag-isa. Ngunit bago pa sya makapagdesisyon ay nakatanggap sya ng text message galing sa asawa. Hindi nya maalala kung kelan nya ibinigay ang phone number nya sa lalaki. Ngunit ano pa nga ba ang aasahan nya dito, samantalang alam na nito ang lahat ng pangyayari sa buhay nya, sa kabila ng ilang taong pagkawalay nila sa isa't isa. “Something came up, I need to go. You should take a rest now and no need to wait for me. I know you've been tired from everything.” Iyon lamang ang laman ng message nito sa kanya. Hindi man lang ito personal na nagpaalam sa kanya. Hindi nya napigilang mamalisbis ang mga luha sa sobrang bigat ng kanyang dibdib. Oo nga at hindi nya alam kung ano ang gagawin pag pumasok ang asawa, ngunit hindi pa rin nya maiwasan ang masaktan. “May magagawa pa nga ba ako kung iyan ang nais mo?” bulong sa hangin ng dalaga. Nang mahimasmasan ay nakapagpasiya na siya ng gagawin. Muli syang susugal upang paibigin ang ngayon ay asawa na nya. Isang pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Ipinikit na nya ang talukap ng kanyang mga mata at hinayaan ang sarili na lamunin na ng tuluyan ng karimlan ang kanyang kamalayan. Madaling araw na ng makauwi si Jeffri. Mahimbing na ang tulog ng dalaga kaya’t di na nya namalayan ang pagpasok ng asawa sa silid. Hindi naman kasi sya talaga umalis ng hacienda kundi nagpalipas lamang ng oras sa kalapit na ilog. He wants to get away from her before he can do something that he’ll gonna regret for the rest of his life. He can't afford for Aryana to get mad at her again for he might lose her for good. Sharing the house in Makati with Aryana in a separate bedroom made him uncomfortable already, eh ang makasama pa sa iisang silid at makatabi sa pagtulog, it is more than a torture for his body and soul. If ever they do what married couples do, he wants him to do it with her out of love and not out of obligation. Right now, each time he sets his eyes on his beautiful wife, he feels an ache on his groin but he needs to control his libido. It’s okay to have blue balls than Aryana hating him for the rest of his life. · * * * * * * * * * * Maagang nagising si Aryana kinabukasan. Nais nyang ipaghanda ng almusal ang asawa kahit nilayasan sya nito sa kanilang unang gabi bilang mag-asawa. Ngunit nagulat sya dahil nakahain na sa lamesa ang pagkain – pritong hotdog, bacon, scrambled eggs, fried eggs, toasted bread, orange juice and a freshly brewed coffee na umuusok pa talaga. What adds the scene into a romantic one is her husband wearing just pajama bottoms and a pink apron (without the shirt underneath). “Good morning princess.” Nakangiting bungad sa kanya ng asawa. Kimi syang ngumiti. “Good morning too.” “Come and sit. Let’s eat.” Nakangiti pa rin ito. Hindi sya sanay na nakikitang nakangiti ito sa kanya kaya naman hindi nya napigilan ang magtanong. “Why are you doing this?” naguguluhang tanong ng dalaga. But instead of answering her, Jeffri pull out the chair for her. “Let’s eat habang mainit pa ang pagkain then we will head to Tagaytay.” Yaya nitong muli. Halatang umiiwas itong sumagot sa kanyang tanong. “What business do you have there?” tanong ulit nito sa asawa habang papaupo. Jeffri push the seat in. “Stop with the questions for now princess, just eat. Or do you prefer na subuan kita?” panunudyo ng lalaki habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan na nasa harapan ni Aryana. She was touched on how attentive her husband is right now. But something sinister crept in her heart that made her sad. She calms herself and pretend she's okay. Jeffri's words sent her to frenzy, though. Mabilis pa sa alas-kuwatro na sumubo ng pagkain si Aryana. Muntikanang pa syang mabilaukan dahil doon. “Take it easy, love. Here.” He offered her a glass of water. She took it and take a sipped out of it. Pinigil nya ang kanyang kamay na huwag paypayan ang namumula na nyang pisngi. “Thank you.” Nahihiyang tumingin sya dito. Napaka-rude naman kasi kung di sya titingin sa mata ng kausap pero pinagsisihan nya ito. Muli kasing sumikdo ang kanyang puso pagkakita sa nakangiti at maaliwalas na mukha ng asawa. She can’t stop imagining herself being in his arms, cuddling up after a steamy bed scene. Ipinilig nya ang ulo upang tanggalin sa isip ang na-imadyin ngunit huli na dahil napansin na ng asawa. “Princess, mukhang anlayo na ng narating natin ah,” tudyo nito habang matamang nakatunghay sa kanya. Muling namula ang mukha ng dalaga. Mabilis syang uminom ng tubig upang pakalmahin ang nagririgodong puso. “Sorry, I just…. Ahmm…” “No worries, just eat and remember to drink your coffee. I know you always get grumpy if you don’t have your coffee first thing in the morning.” “How did you know?” gulat na tanong nya. Sumasakit kasi ang ulo nya kapag hindi sya nakainom ng kape sa umaga. Usually, the no caffeine in the morning triggers her migraine kaya madaling uminit ang kanyang ulo. Everybody knows that. Everybody that knows her, period. “Are you gonna keep asking questions, princess?” balik-tanong ni Jeffri sa asawa habang nagliligpit ng kanilang pinagkainan. Hindi na umimik pa si Aryana dahil wala syang maapuhap na isasagot dito. Their situation is too complicated. Parang kailan lang ay hiniling nya na mapansin sya ng lalaki, but now that she’s married to him and she gets his attention, hindi naman nya alam ang gagawin o iaakto sa harap nito. She left the dining table without saying a word, rude, but she cannot find the right words to say. She's scared that she'll break the momentum. Pumasok na sya sa kanilang silid upang magbihis. Naiwan naman si Jeffri sa kusina. Gusto sana nya itong habulin at ikulong sa kanyang mga bisig upang maibsan ang bigat na nararamdaman nito ngunit hindi nya alam kung paano o kung saan sya mag-umpisa. Malungkot na pinagmasdan nya itong papasok ng silid. Ayaw rin naman nya kasing maging mapagsamantala, oo nga at kasal na sila ngunit hindi sya sigurado kung may pagmamahal pa ito sa kanya o tuluyan ng binago ng panahon. He is a fool if he thinks she’s still inlove with him after so many years, but he will be a failure if he doesn’t do anything to make her fall in love with him again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD