XXXVII. Sa food court dinala ni Aryana si Sam. Akala niya ay magrereklamo ito ngunit nauna pa itong nag-order ng pagkain. Habang siya naman ay naghanap ng mauupuan. "There you are. Whew! Ang hirap talaga makipagsiksikan pero worth it. I miss eating here." Walang pakiyeme na umupo na ito. Marami itong dalang pagkain. "Hope you don't mind, mabuti na lang may jollibee sila dito." "Nah, I don't mind." "Are you looking for someone?" Tanong ni Sam ng mapansin na hindi mapakali ang dalagang kaharap. "Nope, nothing. I am just wondering how people cope up in a crowded place like this." "You mean...." "Hindi ako sanay sa maraming tao though I am not a loner type." "Ahhh! Kaya pala...." Tatango-tangong sagot ni Sam. "Anyway, after this, we have time to go to the spa then we'll go to the par

