XXXVI. Makaraan ang dalawang araw pang pagbabantay ni Aryana kay Josh sa ospital, pinayagan na rin ito sa wakas na makalabas. Hindi na gaanong kita ang mga pasa at sugat na tinamo ng binatilyo mula sa pambubugbog ng buong barkada ni Nathan, ang kasalukuyang MVP sa basketball ng buong eskwelahan at anak ng may-ari ng St. Patrick Academy. "Good news!" Bungad ni Brylle pagkapasok sa silid ni Josh, "hindi ka na daw pwedeng iuwi sa mansion." "ANO?" Sigaw ni Aryana na kalalabas lang mula sa palikuran. "Joke lang Yana! Peace!" Ani Brylle na nagtago sa likod ni Adrian habang nakataas ang dalawang daliri. "Bayad na lahat ang bills, kulang na lang eh palayasin tayo ng doktor. Masyado na daw crowded ang floor na ito sa tuwing dumadalaw ako." Liyad ang dibdib na sabi bi Adrian. Itinapon ni Arya

