CARYS’ POV NAKAHIGA pa ako sa ibabaw ng mga sako. Ramdam ko ang bigat ng katawan ni Ninong Emerson sa tabi ko habang marahan niyang pinapakalma ang kaniyang sariling paghinga. JHindi mawala sa isip ko ang huling banta niya sa’kin kanina. Na I know, seryoso siya at kaya niyang totohanin. Iniharap ko ang mukha ko sa kaniya. Ngunit sa halip na sumagot nang mapang-asar tulad ng palagi kong ginagawa, napatitig lang ako sa kaniyang madilim na mga mata. May kung anong sikdo sa dibdib ko na biglang nagdulot ng pagtataka sa sarili ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? Noong nasa New York pa lang ako, binuo ko na ang planong hanapin at gantihan siya. Pero ngayong abot-kamay ko na ang unang lalaking nagpahiya sa’kin, bakit hindi ko na magawa ang mga plano ko? Bakit habang tumatagal, parang ak

