CARYS’ POV “O-OPO, Lola. Sobrang init lang po talaga,” pilit ang ngiti kong sagot habang ang buong mukha ko ay nagliliyab na sa tindi ng kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Nang maramdaman ni Emerson na tuluyan na akong sumuko sa ilalim ng lamesa, dahan-dahan niyang niluwagan ang pagkaka-ipit sa binti ko. Mabilis kong ibinalik ang paa ko sa aking tsinelas, habang pilit kong ibinabalik ang normal kong paghinga. Buong tanghalian akong hindi na nakatingin sa kaniya, pero ramdam ko ang bawat sulyap niya na parang nanunuyo. Pagkatapos kumain at matapos magpaalam kay Lola Molly na magpapahinga muna ito sa kaniyang silid, mabilis kaming lumabas ng mansiyon. Sumakay kami sa kaniyang itim na pick-up truck. Tahimik ang buong biyahe patungo sa dulo ng plantasyon. Walang nagsasalita sa aming

