CARYS’ POV
HINDI pa nakakalipas ang limang minuto simula nang marinig ko ang marahas na pagbukas at pagsara ng pinto sa may main entrance nitong mansiyon.
Mabilis akong lumingon. Si Ninong Emerson.
Lalapitan ko sana si Lola Molly para magpatulong at magtago sa likod niya nang makita ko ang madilim na anyo ni Ninong. Perro paglingon ko sa tabi ko, wala na siya roon. Pumunta na pala siya sa kusina para ipaghanda kami ng tanghalian at iutos sa mga katulong ang mga kakaning iniwan ni Tristan.
Sobrang malas. Ako na lang ang naiwan sa malawak at tahimik na sala.
Dire-diretsong naglakad si Ninong patungo sa akin. Mabibigat at puno ng panggigigil ang bawat hakbang niya. Wala na ang kalmadong mukhana na pilit niyang itinatago sa harap ni Lola kanina. Nakabukas na dalawang butones sa itaas ng kaniyang damit kaya naman bakat ang kaniyang mabilis na paghinga.
“Nasaan si Tita Molly?” baritono at paos ang boses niya nang huminto siya sa harap ko.
“N-Nasa kusina,” sagot ko, pilit kong ibinalik ang mapang-asar kong ngiti para itago ang kaba. Tumayo ako mula sa sofa para pantayan siya, kahit na kailangan ko pa ring tumingala dahil sa tangkad niya. “Bakit, tour guide? May kailangan ka sa kaniya?”
“Don't play dumb with me, Carys,” bulong niya.
Sa isang iglap, hinawakan niya ang siko ko. Marahan pero madiin akong isinandal sa poste para nakatago kami sa kusina. Pumagitna siya sa aking mga binti habang nakatukod ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng ulo ko. Sobrang lapit ng mukha niya. Amoy na amoy ko ang pinaghalong kape at ang pamilyar niyang bango.
“You enjoyed that, didn't you?” banta niya, umiigting ang mga panga niya sa sobrang tiim. “Ang landiin ang lalaking ‘yon sa harap ko habang alam mong nagseselos ako sa kaniya? At tinanggap mo pala talaga ang number niya? Hinayaan mo pa siyang pumunta rito nang maaga?”
“Excuse me?” Inirapan ko siya, itinulak ko ang dibdib niya gamit ang mga palad kopero parang pader ang kaniyang katawan. Na hindi man lang gumalaw. “I didn't invite him, Emerson. Siya ang kusang pumunta rito para dalhan ako ng breakfast. Sinong tanga ang tatanggi sa suman? Hindi na kaya ako nakatikim no’n simula nang mamatay si Mommy. Siya lang naman kasi ang nakakaalam kung saan ang bilihan niyon sa New York.”
“I don't care about the suman!” halos pabulong na sigaw niya sa mukha ko, ramdam ko ang init ng kaniyang hininga. “I care about how he looks at you. At kung paano mo siya nginitian kanina. Akala ko ba malinaw na sa’yo ang nangyari kagabi sa kuwarto ko? Sabi ko sa’yo, akin ka na kapag nag-s*x tayo.”
“Pero hindi naman tayo nag-s*x, 'di ba?” bulong ko lang din para walang makarinig sa’min, kahit na ang totoo ay nagwawala na naman ang kilig sa gitna ko dahil sa possessive na tono niya. Tiningnan ko ang kaniyang mga labi. “Nasa kusina si Lola, Emerson. Puwedeng-puwede siyang lumabas anytime at makita tayo dito. So, bitawan mo ako.”
“Ayaw ko,” mariing sagot niya.
Ibinaba niya ang kaniyang ulo, dahan-dahang idinikit ang kaniyang mga labi sa dulo ng aking tenga na naghatid muli ng matinding kuryente sa buong katawan ko. “Hayaan mong lumabas ang lola mo. Para malaman niya na ang ninong na pinagkatiwalaan niyang maging tour guide mo… ay walang ibang gustong gawin kundi ang itago ka sa kuwarto niya at kainin ka buong araw.”
Napakapit ako nang mahigpit sa kaniyang mga balikat nang maramdaman ko ang kaniyang mga labi na bumaba mula sa aking tenga patungo sa gilid ng aking leeg. Ang bawat dampi ng kaniyang bibig ay puno ng panggigigil at tindi ng pagmamay-ari na nagpatayo ng lahat ng balahibo ko.
“E-Emerson… wait,” pakiusap ko, bagamat ang aking mga kamay ay traidor na gumapang paitaas para yakapin ang kaniyang batok. “Nasa kusina nga si Lola. Seryoso ako.”
“I don't care, Carys,” paos at pabulong na sagot niya habang mas lalo pa niyang idiniin ang kaniyang katawan sa akin.
Ang isang kamay niya ay bumaba mula sa pader at dahan-dahang humawak sa aking beywang, bago ito marahang pumasok sa ilalim ng aking halter top. Ang init ng kaniyang palad na direktang dumampi sa balat ng aking likod ay nagdulot ng panginginig sa buong sistema ko. Napa-arch ang aking likod laban sa matigas na poste ng mansyon, kaya naman mas lalong lumapit ang dibdib ko sa kaniyang matigas na katawan.
Hinuli niya ang aking mga labi, sabay nang paglamas ng kaniyang palad sa b**bs ko.
Marahas, mapusok at walang preno ang labanan ng aming mga labi. Na para bang sabik na sabik kami sa isa’t isa pagkatapos ng mga patagong sulyap namin kanina. Parang gusto niyang bumawi sa pagpapanggap na ninong at tour guide ko lang sa harap ng ibang tao.
Mapangahas na pumasok sa bibig ko ang dila ni Ninong. Inaangkin ang bawat sulok ng aking bibig habang ang kaniyang kabilang kamay naman ay humawak sa aking panga para mas lalo akong patingalain.
“Uhhm…” isang mahinang ungol ang nakawala sa aking lalamunan na agad niyang sinipsip.
Sa gitna ng aming halik, naramdaman ko ang dahan-dahang pagbaba ng kaniyang kamay mula sa aking likod patungo sa dulo ng aking halter top. Hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang mga daliri sa gilid ng aking white linen shorts. Ipinasok niya ang kaniyang kamay sa loob ng aking shorts, marahang hinahaplos ang aking hita paitaas patungo sa aking sentro.
“Emerson…” mabilis na usal ko nang bahagya niyang ilayo ang kaniyang mga labi para huminga, habang ang kaniyang mga daliri ay nagsisimula nang maglaro sa ibabaw ng aking underwear.
“You are so soft, Carys,” bulong niya, nandidilim sa pagnanasa ang kaniyang mga matang nakatitig nang diretso sa akin habang ginagawa iyon ng kaniyang kamay sa ilalim ng aking shorts. “Gusto kong makita kung paano ka manginig ulit tulad kagabi. Dito mismo sa sala ng lola mo.”
“You’re crazy,” pabulong na tawa ko, habang pinipilit kong pigilan ang mabilis na paghinga ko dahil ang mga daliri niya ay saktong tumama sa pinakasensitibong bahagi ko.
“Sabi ko sa’yo, nabaliw mo ako,” sagot niya, sabay mabilis na paggalaw ng kaniyang daliri na nagpadala ng sunod-sunod na kuryente sa katawan ko.
Napakapit ako sa kaniyang button-down shirt, nilulukot ang tela nito habang pilit kong itinatago ang aking mga ungol sa kaniyang leeg habang pini-f*nger ako ng ninong ko. Namumula ang buong mukha ko sabay ng aking pamamasa.
Ang init at ang sarap na nararamdaman ko ay mas lalong pinalalala ng takot na baka biglang lumabas si lola mula sa kusina. Ang bawat haplos ni Ninong ay may kasamang banta at ligaya. Basang-basa na ako habang naglalabas-masok ang daliri niya sa loob ko.
Bago pa man ako tuluyang mawalan ng kontrol tulad kagabu, narinig namin ang tunog ng pag-urong ng mga silya sa kusina at ang boses ni Lola Molly na nag-uutos sa katulong.
“Naku, sige, dalhin mo na itong suman doon sa sala. Para malaman ng apo ko na mas masarap ito kapag mainit,” boses ni Lola.
Agad na natigilan si Ninong. Sa isang iglap, mabilis ngunit maingat niyang binawi ang kaniyang kamay mula sa loob ng aking shorts at inayos ang aking halter top. Lumayo siya nang dalawang hakbang sa akin, bago mabilis na umupo sa kaniyang solong sofa at kinuha muli ang kaniyang tasa ng kape, na tila ba limang minuto na siyang nakaupo roon.
Naiwan naman akong nakasandal sa poste, hinihingal pa rin habang pilit kong inaayos ang aking buhok at pinapakalma ang aking nagwawalang dibdib.
Pagpasok ng katulong na may dalang suman, bahagya pa akong natawa sa isip ko dahil sa bilis ng pagpapanggap ni Ninong. Parang walang nangyaring milagro ilang segundo lang ang nakalipas. Nagdahilan na lang ako kay Lola na aakyat muna para mag-ayos pa ng buhok, pero ang totoo ay kailangan ko lang talagang pakalmahin ang nanginginig ko pang mga binti.
Sumapit ang tanghalian nang hindi ko namamalayan ang oras.
“Emerson, iyang si Carys ay medyo mapili sa pagkain noong bata pa sa New York. Hindi siya mahilig kumain ng Filipino foods,” natatawang simula ni Lola Molly habang nilalagyan ng ulam ang plato ko. “Pero tingnan mo ngayon, mukhang nagugustuhan naman niya ngayon ang mga luto rito sa San Benitez.”
“Ganoon po ba, Tita Molly?” sagot ni Ninong Emerson. Tumingin siya nang diretso sa akin, may pilyo at mapanganib na ngiti na naman sa kaniyang mga labi. “Akala ko nga po ay marami siyang gustong matikman dito. Mukhang... mabilis siyang magutom.”
Nabulunan ako nang bahagya sa sinabi niya kaya mabilis akong uminom ng tubig. Alam kong ang tinutukoy ng bastos na ito ay ang nangyari sa sala kanina at sa kuwarto niya kagabi.
“O, apo, mag-iingat ka sa pagkain,” paalala ni Lola Molly.
“O-Opo, Lola. Medyo mabilis lang po ang paglunok ko,” pilit ang ngiti kong sagot. Tumingin ako nang matalim kay Ninong sa tapat ko, na ngayon ay kaswal na sumusubo ng pagkain na parang napakabait niyang tao.
Kung gusto niya ng laro habang kumakain, puwes, hindi ako magpapatalo. Kung kaya niyang magpanggap habang kaharap si Lola, kaya ko rin.
Dahan-dahan kong hinubad ang aking tsinelas sa ilalim ng lamesa. I stretched my leg forward, dahan-dahan, hanggang sa tumama ang dulo ng mga daliri ng paa ko sa kaniyang binti. Naramdaman ko ang bahagyang pagtigas ng kaniyang katawan, pero hindi siya tumingin sa akin. Nanatili siyang nakikipag-usap kay Lola Molly tungkol sa mga tauhan sa bukid.
Ngumisi ako sa loob ko. Itinaas ko pa ang aking paa, dahan-dahang hinahaplos ang kaniyang hita paitaas, ginagaya ang ginawa ko kagabi. Gusto kong makita kung hanggang saan ang pagpipigil ng magaling kong ninong.
Pero nagkamali ako ng kinalaban.
Sa isang mabilis at calculated na galaw sa ilalim ng lamesa, bago pa man umabot ang paa ko sa pinakasensitibong bahagi niya, mabilis niyang inipit ang aking binti gamit ang kaniyang dalawang hita. Mas matindi at mas mahigpit ang pagkaka-lock niya ngayon kumpara kagabi. Halos mapasinghap ako sa higpit, at ang kuryenteng gumapang sa katawan ko ay naghatid agad ng init sa gitna ko.
Sinubukan kong bawiin ang paa ko, pero mas lalo niya itong hinigpitan.
“Tita Molly,” malamig at pormal ang boses na panimula ni Ninong Emerson, habang ang kaniyang mga mata ay dahan-dahang lumipat sa akin. May hamon at panggigigil sa kaniyang titig na tila ba sinasabing ‘caught you’. “I think Carys needs to start her tour of the estate early this afternoon. Para naman masanay ang kaniyang katawan sa init ng probinsya.”
“Aba, magandang ideya ‘yan, Emerson,” pagsang-ayon naman ni Lola Molly, walang kamalay-malay na ang apo niya ay kasalukuyang nakakulong ang paa sa ilalim ng lamesa. “Saan mo ba siya unang dadalhin?”
“Sa may lumang bodega sa dulo ng plantasyon,” sagot ni Emerson, ang kaniyang boses ay naging mas mababa at paos habang dahan-dahan niyang iniurong nang bahagya ang kaniyang paa sa ilalim, na naging dahilan para ang dulo ng aking mga daliri sa paa ay direktang kumaskas sa matigas na bahagi ng kaniyang slacks. “Tahimik doon. Walang mang-iistorbo sa amin habang ipinapaliwanag ko sa kaniya ang mga lupain na mamanahin niya balang araw..”
Napakapit ako nang napakahigpit sa gilid ng aking upuan, ang mukha ko ay nagsisimula nang mamula sa halo halong sarap at kaba dahil ramdam ko na kung anong klaseng 'tigas' ang naramdaman ng paa ko sa ilalim ng lamesa. Ang lalaking ito ay talagang mapanganib.
“Carys, apo, okay ka lang ba? Bakit parang pinagpapawisan ka?” tanong ni Lola Molly, napansin ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib ko.
“A-Ah, medyo mainit lang po pala talaga rito sa probinsya, Lola,” sagot ko, habang nakatitig nang diretso kay Ninong Emerson na ngayon ay may nakakalokong ngiti na sa kaniyang mukha.
Itutuloy…