CARYS’ POV
NATAUHAN ko nang maramdaman ko ang kamay ni Ninong Emerson na humawak sa pagkab*b*e ko.
Itinulak ko siya nang malakas. Tapos lumayo ako sa kaniya.
“Nababaliw ka na ba, Emerson?” pabulong pero mariing sabi ko habang pilit kong pinapanatili ang tapang sa boses ko. Sumandal ako sa gilid ng lababo, mahigpit na nakakapit ang dalawang kamay ko sa marmol na ibabaw nito. “Banyo ng mga babae ito! Paano kung may pumasok? Paano kung maghanap si Lola?”
“Ikaw ang unang nabaliw, Carys,” mababa at paos ang boses niya. Bawat hakbang niya patungo sa akin ay may dalang bigat at panganib. Ang kaniyang mga mata, na kanina pa nagliliyab sa lamesa, mas lalong naging madilim at mapanuri habang nakatitig sa akin mula ulo hanggang paa. “Anong tawag sa ginawa mo sa ilalim ng lamesa? Isang laro? Isang biro?”
“Bakit? Natakot ka ba?” hamon ko, kahit na ang totoo ay halos mangatog muli ang aking mga tuhod sa sobrang lapit niya. Itinaas ko ang aking chin para salubungin ang kaniyang tingin. “Akala ko ba matatag ang pasensya mo? Akala ko ba kaya mong tiisin ang kahit anong gawin ko?”
Hindi siya sumagot sa pamamagitan ng salita.
Sa isang iglap, sinakop ulit niya ang distansiya sa pagitan naming dalawa. Binuhat lang ulit ako ng malalaking kamay niya na parang papel at pinaupo ulit sa ibabaw ng marmol na lababo. Napasinghap ako sa gulat nang maramdaman ko ang kaniyang katawan na pumagitna sa aking mga binti. Ang hapit na emerald green slip dress ko ay bahagyang naitaas, kaya naman direktang nadikit ang balat ng aking hita sa kaniyang pantalon.
“Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo,” bulong niya, pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin. Amoy na amoy ko ang pinaghalong bango ng mamahaling pabango, alak, at ang pamilyar na mint na hininga niya.
“Emerson, bitawan mo ako—”
“Ayaw ko,” mabilis at mariin niyang putol. Ang isang kamay niya ay umakyat mula sa aking bewang patungo sa aking panga. Hnawakan ito nang mahigpit ngunit may pag-iingat, sapat na para hindi ko maiwas ang aking mukha. “Sabi ko naman sa’yo bago pumunta rito, magpakabait ka. Pero anong ginawa mo? Pumayag kang makipag-date sa Tristan na ‘yon.”
“Nagseselos ka ba?” Ngumisi ako, kahit ramdam ko ang mabilis na pagtaas at pagbaba ng sarili kong dibdib. “Nagseselos ang dakilang protector na pinagkatiwalaan ni Lola Molly?”
“Oo, nagseselos ako, Carys,” pag-amin niya na walang pag-aalinlangan. Ang kaniyang pagiging prangka ay parang kulog na nagpagalaw sa buong sistema ko. Hindi ko inaasahan na ibababa niya ang kaniyang pride nang ganoon kabilis. “Nagseselos ako na may ibang lalaking tumitingin sa’yo nang ganoon. At mas lalo akong nagagalit dahil hinahayaan mo siya. Pero ako, tinanggihan mong maging tour guide mo.”
Napatitig ako sa kaniyang mga labi. Umiigting pa rin ang mga panga niya. At ang init na nagmumula sa kaniyang katawan ay tila unti-unting tumutunaw sa aking pagmamatigas.
“Ikaw ang unang tumanggi, Emerson. Sa New York noon, binalewala mo ako. Kasi ano nga?” sarcastic na sabi ko sa kaniya. “Kasi bata pa ako, na wala akong alam, na mali ang nararamdaman ko?”
“Dahil sinusubukan kong gawin ang tama!” halos pabulong na sigaw niya, puno ng frustration ang boses niya. “Ninong mo ako sa papel, Carys. Matalik na kaibigan ko ang mommy ko. Pinagkatiwalaan ako ng lola mo na bantayan ka habang narito ka sa San Benitez dahil akala niya, ako ang pinakaligtas na tao para sa’yo. Pero hindi niya alam… hindi niya alam kung anong klaseng tindi ng pagpipigil ang ginagawa ko gabi-gabi simula nang bumalik ka.”
Parang musika sa aking pandinig ang bawat salita ni Ninong Emerson. Ngunit kasabay niyon ay ang takot sa maaaring kahinatnan ng lahat ng ito. Bago ko pa man maiproseso ang lahat, dahan-dahang ibinaba ni Emerson ang kaniyang ulo. Idinikit niya ang kaniyang noo sa aking noo. Naramdaman ko ang mainit na paghinga niya sa aking mga labi.
“Maling-mali ito, Carys…” bulong niya, pero ang kaniyang kamay sa aking bewang ay mas lalong humigpit, hinihila ako palapit sa kaniya na tila ba ayaw na niya akong pakawalan kahit kailan. “Pero ngayon, pagod na akong maging tama kapag ikaw ang pinag-uusapan,” sabi pa niya.
At doon ay tuluyan nang nawala ang lahat ng espasyo sa pagitan namin. Muli niya akong hinalikan. At katulad ng halik niya kanina, ng halik niya sa veranda kagabi, hindi ko napigilang tugunin.
Pero mas kakaiba ang halik niya ngayon na biglang napuno ng emosyon. Mas malalim, mas marahas, at puno ng gigil na para bang kay tagal niyang hinintay ang araw na ito. Napakapit ako sa kaniyang mga balikat, bumaon ang mga daliri ko sa tela ng kaniyang black button-down shirt. Mapangahas na pumasok naman sa bibig ko ang dila niya. Inaangkin ang bawat sulok ng aking bibig.
Nakaramdam ako ng parang kuryente na gumapang sa buong katawan ko. Ang mga binti ko na nakabitin sa gilid ng lababo ay kusang pumalupot sa kaniyang baywang. Mas lalo ko siyang hinila paitaas sa akin. Isang mahinang ungol ang lumabas sa kaniyang lalamunan dahil sa ginawa ko. Ang kamay niya na nasa aking panga ay bumaba sa aking leeg, dahan-dahang hinahaplos ang sensitibong balat ko pabalik sa aking likod na nakalantad dahil sa disenyo ng dress na suot ko.
Bawat haplos niya ay nag-iiwan ng apoy. Tuluyan na naming nakalimutan ang mundo sa labas. Ang pag-uusap ng mga taong naghihintay sa pagbabalik namin. Ang tanging natira na lamang ay ang tunog ng aming mabilis na paghinga at ang mainit na pagtatagpo ng aming mga labi.
Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Lunod na lunod sa sarili naming mundo ng bawal na pag-ibig at pagnanasa. Pero bago pa man tuluyang lumampas sa linya ang lahat, narinig namin ang tunog ng mga yabag ng sapatos sa labas ng hallway, papalapit sa pinto ng restroom.
Agad na natigilan si Emerson.
Dahan-dahan niyang inilayo ang kaniyang mga labi sa akin, bagamat nanatiling nakadikit ang kaniyang katawan sa akin. Pareho kaming humihingal, ang aming mga dibdib ay mabilis na nag-aabot sa bawat paghinga. Tiningnan ko ang kaniyang mga labi na ngayon ay medyo basa at namumula dahil sa halik na pinagsaluhan namin. Nagulo rin ang buhok niya dahil sa pagkapit ko sa kaniya.
“M-may tao,” bulong ko, bumalik ang kaba sa dibdib ko.
Narinig namin ang paghawak sa doorknob mula sa labas. Sinubukan itong ikutin, ngunit dahil naka-lock, hindi ito bumukas.
“Ay, may tao pala sa loob,” boses ng isang babae mula sa labas, malamang ay isa sa mga bisita sa dinner. “Sige, doon muna tayo sa kabilang banyo.”
Nang marinig naming papalayo na ang mga yabag, nakahinga kami pareho nang malalim. Tumingin si Ninong Emerson sa akin, may halo ng ngiti at seryosong babala sa kaniyang mga mata. Idinikit niya ang kaniyang ilong sa leeg ko, huminga nang malalim doon bago dahan-dahan lumayo nang bahagya.
“Mukhang kailangan na nating bumalik bago pa sila magtaka kung bakit nawawala ang ninong at ang inaanak niya,” bulong niya. May pilyong tono sa boses niya na bihira kong marinig sa kaniya.
Inayos niya ang dressko. Dahan-dahang ibinaba ang tela nito sa mga hita ko. Tinulungan niya ako na bumaba mula sa ibabaw ng lababi. Nang tumama ang aking mga paa sa sahig, muntik na akong ma-out-balance dahil sa pangangatog ng aking mga binti.
Ngunit mabilis niya akong nasalo sa aking beywang.
“Kaya mo ba?” tanong niya na may halong pang-aasar.
“Kasalanan mo ito,” irap ko sa kaniya habang inaayos ko ang aking buhok sa harap ng salamin.
Tuluyan nang nabura ang lipstick ko. Bakas pa sa mga labi ko ang katatapos lang na halik. Kiniha ko ang bag ko at mabilis na nag-apply uli para itago ang ebidensiya.
I looked at Ninong Emerson in the mirror. Inaayos niya ang kaniyang button-down shirt at ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri. Nang mapansin niyang nakatingin ako, lumingon siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.
“Mamayang gabi, kapag natutulog na si Tita Molly, pumunta ka sa kwarto ko,” utos niya, mababa ang boses niya pero may authority. Na para bang wala akong karapatang tumanggi. “Ituloy na natin ang laro na ‘to, Carys. At sinisiguro ko sa’yo, hindi ka na makakatakas sa’kin.”
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ang kaba at excitement sa aking dibdib ay mas lalong tumindi. Tumango na lang ako nang dahan-dahan bilang pagsang-ayon.
It was too late to realize na napa-oo si Carys Virtanen ng ganoon-ganoon lang ng isang lalaki.
Binuksan ni Ninong Emerson ang lock ng pinto, sumilip muna siya sa hallway para masigurong walang tao, bago mabilis na lumabas. Nauna na siya sa’kin para hindi kami makitang magkasama kami sa loob.
Naiwan akong muli sa harap ng salamin, humihinga nang malalim. Naghahanda na harapin ang mga tao sa labas, lalo na si Lola na walang kamalay-malay na ang tinatawag taong pinagkakatiwalaan niya sa’kin ay ang dapat pala niyang ilayo sa apo niya.
Pagbalik ko sa mahabang lamesa, naroon na si Emerson, nakaupo nang pormal at kalmado na tila walang nangyari sa loob ng banyo. Uminom siya muli ng kaniyang wine habang nakikinig sa kuwento ng lolo ni Tristan.
“Oh, Carys, nariyan ka na pala,” ngiti ni Tristan nang maupo ako sa aking upuan. “Akala ko kung napano ka na. Tungkol nga pala sa bukas—”
“Tristan,” malamig na sumingit muli si Emerson, hindi man lang tumitingin sa kaniya pero ang awtoridad sa boses ay naroon pa rin. “Gaya ng sinabi ko kanina, busy si Carys bukas. ‘Wag mo nang pilitin.”
Tumingin si Tristan kay Emerson, medyo naguguluhan sa tindi ng proteksyon nito sa’kin, ngunit hindi na siya nakapagsalita pa dahil sumang-ayon na rin si Lola Molly. Kahit ang ibang kasama namin sa mesa ay tahimik lang.
Na para bang kapag ang isang Emerson Villanueva ang nagsalita, tumahimik ka na lang at tumango.
Napakapit ako sa wine glass ko. Then umingin ako kay Ninong Emerson, at sa ilalim ng lamesa, sa pagkakataong ito, ang binti naman niya ang dahan-dahan na kumiskis sa binti ko. Isang tahimik na paalala ng utos niya sa’kin kanina para sa mamayang gabi.
And I admit na for the first time, nakaramdam ako ng kaba.
Kasi I know na nagsisimula pa lang ang laro na ako mismo ang may gawa.
CARYS’ POV
ANG bigat ng atmosphere nang makauwi kami sa mansiyon. Feel na feel ko ang tensiyon sa loob ng dibdib ko.
Kahit anong pilit kong maging kaswal sa harap ni Lola Molly, hindi ko maitago ang kaba sa bawat segundong lumilipas. Nagpaalam na si Lola na matutulog na dahil sa pagod sa biyahe at sa mahabang gabi ng pakikipag-usap sa kaniyang mga kaibigan.
Hinatid ko siya sa kaniyang silid, hinalikan sa pisngi, at hinintay na tuluyan siyang makapagpahinga. Pagkasara ko ng pinto ng room niya, naiwan akong mag-isa sa madilim at malawak na sala ng lumang mansyon. Parang tambol na nagwawala sa aking dibdib ang t***k ng puso ko.
Tumingin ako sa orasan sa dingding. It’s eleven PM.
Dahan-dahan, humakbang ako patungo sa dulo ng pasilyo kung saan matatagpuan ang kuwarto ni Ninong Emerson. Even though I’m just barefoot, it feels like every step I take makes a loud noise in my ears. At dumagdag iyon sa kabang nararamdaman ko ngayon.
Ano ba kasi ang ginagawa ko rito? Bakit ko sinusunod ang lalaking ‘yon?
Huminto ako sa harap ng kaniyang pinto. Huminga ako nang malalim, iniisip kung tama ba ang gagawin ko o kung dapat na ba akong tumakbo pabalik sa sarili kong silid.
Bago ko pa man maitaas ang aking kamay para kumatok, biglang bumukas ang pinto.
Nakatayo roon si Emerson. Wala na ang kaniyang pormal na black button-down shirt. Nakasuot na lang siya ng isang maluwag na gray t-shirt at itim na sweatpants. Pero ang mga mata ay may pareho pa ring tindi ng kislap na nakita ko sa loob ng restroom kanina.
Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Hinawakan niya ang aking braso at marahan ngunit mabilis akong hinila papasok sa loob ng kaniyang kwarto, sabay sara at lock ng pinto gamit ang kaniyang kabilang kamay.
Naiwan akong nakasandal sa likod ng pinto, habang siya naman ay nakatayo sa harap ko. Pinagmamasdan niya ang bawat reaksyon ko sa ilalim ng malamlamn na liwanag ng lamp shade niya.
“You came,” bulong niya habang may nakaguhit na matagumpay na ngiti sa mga labi niya.
“I just came para sabihin sa’yo na hindi ako basta-basta mapapasunod,” sagot ko, sinusubukang itago ang pangangatog ng boses ko. “Hindi porke’t nag-kiss na tayo, magiging robot mo na ako.” Inirapan ko siya. “Jerk.”
Isang mahinang tawa ang kumawala sa kaniyang mga labi habang nakatitig sa’kin. Pero walang bakas ng biro sa sunod na ginawa niya.
Lumapit siya, itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng aking ulo sa pinto, tulad ng ginagawa niya tuwing kinokorner niya ako. Pero sa pagkakataong ito, wala na akong maramdaman na takot. Wala na rin akong makitang pag-alinlangan sa mga mata ni Ninong Emerson. Ang tanging nakikita ko ay ang matagal nang pagnanasa na sa wakas ay malaya na naming haharapin.
“The playful New York woman has wandered into my room,” bulong niya habang dahan-dahang ibinababa ang kaniyang mukha para amuyin ang aking leeg. “Ngayong gabi, Carys… walang lola na makakakita sa atin. Walang Tristan na e-epal. Tayong dalawa lang.”
Napakapit ako sa tela ng kaniyang t-shirt. Nilulunod ko ang sarili ko sa kaniyang bango at init. Ang kuwento naming dalawa ay magulo, bawal, at puno ng komplikasyon. Pero sa loob ng silid na ito, sa gabing ito, alam kong wala nang atrasan ang lahat.
Itutuloy…