CHAPTER 7

2018 Words
CARYS’ POV PAGKATAPOS ng almusal, mabilis akong umakyat sa kuwarto para takasan ang nakakakaba na mga titig ni Ninong Emerson. Pero hindi pa ako nakakahakbang papasok sa pinto ko nang may humil ana sa siko ko. Napasandal ako sa pader ng madilim at tahimik na hallway. Si Ninong Emerson. Naka-lock ang mga mata niya sa akin. At ang isang kamay niya ay nakatukod sa pader, sa gilid ng ulo ko, katulad ng ginawa niya sa veranda kagabi. Amoy kape at mint ang hininga niya dahil sobrang lapit ng mukha niya kaya amoy na amoy ko na naman. “Ano ba, Ninong—” bulong ko, sinusubukang magmatapang pero traidor ang puso kong nagwawala na naman. Ramdam ko na nangangatog ang mga tuhod ko. “Bakit mo ba ako kinokorner dito? Baka makita tayo ni Lola.” “Natatakot ka palang makita tayo,” mas lalong lumapit ang mukha niya, halos madikit na ang ilong niya sa pisngi ko. Hinawakan niya ang beywang ko gamit ang kabilang kamay, marahan ngunit mariin. “Kagabi, napakatapang mo. Ngayong umaga, hindi mo man lang ako matingnan habang kumakain.” “Kasi mali, ‘di ba?” sagot ko, sinalubong ko ang mga mata niya na punong-puno ng init. “Sabi mo mali. Pero ikaw naman ang unang nag-kiss sa’kin kagabi Emerson.” Natigilan siya. Bumitaw siya sa pader at hinawakan ang panga ko para patingalain ako. “Hinalikan kita dahil inubos mo na ang pasensya ko. At dahil… gusto ko.” Nalaglag ang panga ko. Hindi ko inasahan ang pagiging prangka niya. “Mamayang gabi, sa dinner, siguradong maraming tao,” bulong niya uli, dahan-dahang idinikit ang mga labi niya sa dulo ng tenga ko na nagpatayo ng balahibo ko. “Magpakabait ka, Carys. Dahil kapag may lumapit sa’yong lalaki roon at pinatulan mo… baka makalimutan kong ninong mo ako sa harap ng lola mo.” Bago pa ako makasagot, binitawan na niya ako at mabilis na naglakad palayo. Iniwan akong nakasandal sa pader, tulala at humihingal. Bakit naman biglang naging possessive ‘yon? Mali raw pero gusto na akong bakuran! CARYS' POV NAKABIHIS at naka-make up na ako nang sumapit ang gabi. Isinuot ko ang isang hapit na emerald green na slip dress na nagpapakita ng hubog ng katawan ko. Kung gusto ni Ninong Emerson na magpakabait ako, puwes, nagkakamali siya. I’m still Carys Virtanen. Ginanap ang dinner sa isang sikat na ancestral restaurant sa San Benitez. Mayayamang pamilya at mga negosyante ang naroon. Katabi ko si Lola Molly sa mahabang lamesa, at sa tapat naman namin ay si Ninong Emerson, na mukhang napakaguwapo at pormal sa kaniyang black button-down shirt. “Molly, ito na ba ang maganda mong apo mula sa New York?” bati ng isang matandang lalaki, kasama ang isang lalaking mukhang ka-edad ko na nakasuot ng mamahaling polo shirt. “Oo, Henry. Si Carys,” proud na pakilala ni Lola. “Carys, ito si Henry, matalik kong kaibigan. At ang apo niyang si Tristan.” “Hi, Carys. Nice to meet you.” Ngumiti si Tristan. May itsura siya, mukhang galing sa mayamang pamilya, at kitang-kita ang paghanga sa mga mata niya nang tingnan niya ang neckline ng dress ko. “I can show you around San Benitez if you're bored. Mas kabisado ko ang mga millennial spots dito.” “Talaga?” Ngumiti rin ako nang matamis, sinasadyang gawing malambing ang boses ko. “I’d love to, Tristan. Medyo nababagot na nga ako sa bukid, eh.” Narinig ko ang mahigpit na paglapag ng baso ng wine sa tapat ko. Tumingin ako kay Ninong Emerson. Mas madilim pa sa gabi ang mukha niya. Ang panga niya ay parang puputok na sa sobrang higpit ng kagat. At ang hawak niya sa tinidor ay parang handa nang mabaluktot. “Carys has a tour guide,” malamig na singit ni Ninong Emerson. Binalingan niya si Tristan nang may talim sa mga mata. “Ako ang pinagkatiwalaan ni Tita Molly na mag-alaga sa kaniya habang narito siya.” “Oh, come on, Emerson,” tawa ng lolo ni Tristan. “Hayaan mong ang mga kabataan ang magkasama. Bagay silang dalawa, o.” Pinanood ko kung paano huminga nang malalim si Emerson. Tumingin siya nang diretso sa akin, at ang init ng titig niya ay tila gustong hubarin ang dress na suot ko. Napakapit ako sa napkin sa kandungan ko. Nagwawala ang kilig sa loob ko dahil kitang-kita kong nagseselos ang lalaking unang tumanggi sa akin sa New York. At siya naman ngayon ang nahihirapan. Ngumiti ako nang mas matamis kay Tristan, binalewala ko ang nagbabagang tingin ni Ninong Emerson sa tapat ko. “You're right, Lolo Henry. Mas okay kung kami ng apo mo ang magkasama,” malambing na sagot ko sa lolo ni Tristan, habang dahan-dahang itinaas ang baso ko ng wine. “Ninong is just… being a very protective godfather. Masyado siyang nag-aalala sa akin. Intindihin n’yo na lang siya.” Habang nakangiti ako sa kanila, dahan-dahan kong hinubad ang aking high heels sa ilalim ng lamesa. I stretch my leg out, moving it forward hanggang sa maramdaman ko ang matigas na binti ni Ninong Emerson sa tapat ko. Ginamit ko ang dulo ng mga daliri ng paa ko para haplusin ang kaniyang binti, dahan-dahang paitaas papunta sa kaniyang tuhod. Napatigil si Emerson sa pag-inom ng kaniyang wine. Nakita ko kung paano lumaki ang kaniyang mga mata nang ilang segundo bago mabilis na bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya. Tumiim nang mariin ang kaniyang mga panga. “So, Carys,” patuloy ni Tristan, walang kamalay-malay sa nangyayari sa ilalim ng lamesa. “Are you free tomorrow afternoon? I can take you to the beach club sa katabing bayan.” “Tomorrow afternoon?” pag-uulit ko, habang mas lalo kong idiniin ang paa ko sa hita ni Emerson, marahan itong pinalapad paitaas. “I think I am— Ah!” Mabilis na napatingin sa akin si Lola Molly. “May problema ba, apo?” “W-Wala po, Lola,” pilit ang ngiti ko, habang ang mukha ko ay nag-iinit na. Sa ilalim ng lamesa, mabilis na inipit ni Ninong Emerson ang aking paa gamit ang kaniyang dalawang binti, hinuli ako sa sarili kong laro. Hindi ko maigalaw ang paa ko. Ang higpit ng pagkaka-ipit niya na nagdulot ng kakaibang kuryente na gumapang diretso sa gitna ko. Tumingin ako sa kaniya. Nakita ko ang isang mapanganib na kislap sa kaniyang mga mata. Bakat ang mga ugat sa kaniyang kamay na humahawak sa tinidor. “Tristan,” malamig na sabi ni Emerson, kalmado ang boses niya ngunit puno ng awtoridad na ikinatigil ng lahat. “Carys will be busy tomorrow. Ililibot ko muna siya sa mga lupain ng lola niya para maging pamilyar naman siya sa mga mamanahin niya.” “Ah, ganoon ba?” medyo nadismayang sabi ni Tristan. “Sayang naman.” “Don’t worry, Tristan,” sabi ko, habang pinipilit kong bawiin ang paa ko pero mas lalo pang hinigpitan ni Ninong ang pagkaka-ipit sa ilalim ng lamesa. “We can always… reschedule.” Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga ni Emerson. Iang tunog ng panggigigil na siya lang at ako ang nakakaintindi. Napakapit ako sa gilid ng aking upuan. Hirap na rin akong itago ang bilis ng paghinga ko. Parang sasabog na ang init sa katawan namin habang lihim na nagkikiskisan ang mga paa namin sa ilalim ng mesa. Si Lola at ang mga kaibigan niya ay patuloy lang sa pagkukuwentuhan tungkol sa mga lupain at negosyo. Hindi ko na kaya ang ganitong klaseng torture. Kung hindi ako aalis dito, baka ako mismo ang sumuko sa laro na ako rin ang nag-umpisa. Dahan-dahang niluwagan ni Ninong ang pagka-ipit sa binti ko. Na parang binibigyan ako ng pagkakataong makatakas. Mabilis kong ibinalik ang mga paa ko sa aking heels. “Excuse me po, Lola, Lolo Henry,” paalam ko, tumayo ako at inayos ang aking dress. “I just need to use the restroom.” “Sige, apo, mag-iingat ka,” ngiti ni Lola. Tumalikod ako at mabilis na naglakad patungo sa dulo ng restaurant, kung saan naroon ang hallway patungo sa mga pribadong banyo. CARYS’ POV PAGPASOK ko sa loob ng restroom, agad akong humarap sa salamin. Hawak ang gilid ng lababo, huminga ako nang malalim. Sinusubukan kong pakalmahin ang nagwawalang t***k ng puso ko. Pulang-pula ang magkabilang pisngi ko.. Medyo nanginginig na rin ang mga labi ko sa halo halong kilig at kabang nararamdaman ko ngayon. “Crazy,” bulong ko sa sarili ko. “You are completely crazy, Carys. Iyon lang ang ginawa sa’yo ng ninong mo parang lalabasan ka na agad.” Bago ko pa man mabuksan ang bag ko para kumuha ng lipstick, biglang bumukas ang pinto ng restroom. Pumasok si Ninong Emerson. At bago pa ako makasigaw o maka-protesta, mabilis niyang ini-lock ang pinto. Hinarap niya ako. Madilim, punong-puno ng gutom at panggigigil na matagal niyang pinigilan kanina ang mga mata niya. Sa isang mabilis na hakbang, tinawid niya ang distansiya sa pagitan naming dalawa. Humapit sa beywang ko ang malalaking kamay niya. Tapos binuhat ako nang bahagya, at isinandal ang likod ko sa matigas at malamig na pader ng banyo. “Ninong—” ang tanging lumabas sa bibig ko bago niya tuluyang kinain ang natitirang salita ko. He kissed me. Walang dahan-dahan, walang pag-aalinlangan. Ang halik na ito ay mariin, mapusok, at puno ng selos na kanina pa sumasakal sa kaniya sa dining room. Sinakop niya ang mga labi ko na parang pinaparusahan ako dahil sa simpleng pakikipag-flirt ko kay Tristan kanina. Napasandal ako lalo sa pader habang ang dila niya ay mapang-angkin na pumasok sa aking bibig, humihingi ng tugon na agad ko namang ibinigay nang walang pag-aalinlangan. “Masyado kang… matigas ang ulo,” bulong niya sa gitna ng halik, ang baritonong boses niya ay gumaralgal sa tenga ko habang ang kaniyang mga labi ay lumipat sa aking panga, pababa sa aking leeg. “You deserve to be punished.” Napahawak ako nang mahigpit sa kaniyang mga balikat. Ibinaon ko ang aking mga kuko sa kaniyang polo shirt habang ang mainit na hininga niya ay nagdudulot ng matinding panginginig sa buong katawan ko. Ang isang kamay naman niya ay dumausdos mula sa beywang ko paitaas, hinahaplos ang hubog ng aking katawan sa ibabaw ng manipis na emerald dress na suot ko. “Gusto mo ba talagang makita kung ano ang kaya kong gawin, Carys?” bulong niya uli, dahan-dahang kinakagat ang balat sa leeg ko na nagpasinghap sa akin nang malalim. “Ha? Sa tingin mo ba natutuwa ako habang pinapanood kang ngumingiti sa lalaking ‘yon?” “I-It was just… a game,” hiningal na sagot ko, patingala habang ang kaniyang mga kamay ay mas lalo pang humigpit sa aking balakang, itinutulak ang katawan niya palapit nang palapit sa akin hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang katigasan. “Hindi na ito laro,” mariing sabi niya. Itinaas niya ang kaniyang mukha para harapin ako, ang mga daliri niya ay mariing humawak sa panga ko. Kasing bilis ng sa akin ang paghinga niya. “Kagabi pa natapos ang laro mo, Carys. Mula nang halikan kita sa veranda, alam mo kung ano na ang ibig sabihin nito.” Tinitigan ko ang kaniyang mga mata. At doon ko nakita ang buong katotohanan—hindi na ito tungkol sa pride ko, at hindi na ito tungkol sa pagiging playgirl ko sa New York. Ang lalaking ito, ang ninong ko, tuluyan nang nahulog sa bitag na ako mismo ang gumawa. Pero ang kaibahan… magkasama na kaming dalawa sa loob ng bitag na iyon. Lumapit siyang muli at hinawakan ang aking mukha gamit ang dalawang palad niya. Binigyan niya ako ng isa pang mas malalim, mas matamis na halik. Hindi ko mapigilan ang mga ungol na lumalabas sa bibig ko dahil sa sarap ng halik ni Ninong. Mas masarap ito kaysa kagabi dahil mas mapusok na siya. Lalo pang lumalim ang sagupaan ng mga labi namin ni Ninong Emerson na tila ba limot na namin na nasa labas lang ang lola ko. At ano mang oras ay puwede kaming mahuli dito… Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD