CARYS' POV PAGKAGALING namin ni Tristan sa niyugan at maisan, dinala naman niya ako sa isang marangyang pool resort na kalapit lang at pag-aari din ni Lola Molly. Maganda ang lugar, malawak, tahimik at masarap puntahan kapag galing ka isang maingay na siyudad. Hindi kasi ito katulad ng ibang pool resort na puro paliguan lang ang makikita. Isa itong garden resort at may zoo din. Para sa isang interior designer na tulad ko, na-appreciate ko ang modern design nitong resort at d-in-esign para mas nakakaginhawa at nakaka-relax para sa mga guest. Kahit ang mga pagkaing mabibili sa resto na nasa gitna ng kakahuyan ay puro masasarap din. Pero hindi sapat para mas ma-appreciate ko ang pamamasyal namin ni Tristan. Ibang-iba ang aking pakiramdam ngayong hindi ko kasama si Ninong na hindi ko ma

