shane, nasan ka na? Hingal na hingal man ay
tuloy pa rin sa pagtakbo si Shine. Ilang beses
na siyang nagpaikot-ikot sa buong compound,
hindi niya pa rin nakikita ang kakambal.
Dalawang araw na niya itong hinahanap at labis-labis
na ang pag-aalala niya rito. Simula nang magpaalam
itong magpapahangin ay hindi na ito bumalik pa.
Tinanong na rin niya lahat ng makakasalubong
a niya, ngunit wala ni isa man sa mga ito ang nakakita
kay shane. That or they're lying to me. Hindi na niya alam
ang iisipin. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan kundi
ang kakambal. Ngayong wala ito, hindi na niya alam
kung sino ang tatanungin, kung sino ang
makakatulong
sa kanya o kung kanino magtitiwala,
From the start, her sister was the only one she had.
And just the thought of losing her had her heart beating painfully. Isa lang ang unti-unti niyang nasisiguro.
Hindi basta-basta nawawala ang kakambal niya. At kung may nangyari nga kay Shane, iisang tao lang ang
mag-uutos nito.
Tinanong na rin niya ang Uncle Jim niya noong
nagdaang gabi kung nakita ba nito ang kanyang
kakambal, pero nagkibit-balikat lang ito at sinabing
"No, I haven't."
Hindi pa siya kinukutuban noon na may
nangyaring masama sa kapatid, ngunit ngayon ngang
magdadalawang araw na at wala pa rin si Shane, lalo
niyang nasiguro na may kinalaman ang tiyuhin sa
pagkawala nito. Iisang tao lang ang may kontrol sa lugarna iyon. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa, dumeretcho
siya sa opisina nito.
"Nasaan si Shane?" She didn't bother with politeness
She had been obedient for far too long. Kung talagang may ginawa ang matanda sa kanyang kakambal, hindi
niya ito mapapatawad. Pabalya niyang binuksan ang
pinto at kinalampag ang mesa sa harap nito. "Don't lie to me, Uncle."
Nakatitig lamang ito sa kanya at kalmadong
nakaupo. "Well, I've got this news. A very disturbing
one. Noong una, hindi ako makapaniwala, but once
I've confirmed it, I had no other choice. Kailangang
parusahan ko si F"
Dumiin ang mga kamay niya sa mesa. "Ano'ng
kasalanan ni Shane?"
"Now, bakit ko paparusahan si F kung siya ang may kasalanan?" He smiled. A smile she knew so well, it
chilled her to the bone.
Realization hit her. Hindi si Shane ang nakagawa ng
mali kundi siya at naparusahan ang kakambal dahil
doon. God, no! "What have I done wrong?"
"Oh, I'm sure you know. At sigurado rin akong
alam mo na malaki ang kabayaran sa paulit-ulit mong
kasalanan."
Malaki ang kabayaran. "Ano'ng ginawa mo sa ho kanya?" Her voice was barely a whisper.
"Ano'ng hindi ko ginawa sa kanya?" Jim countered.
mess. "Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon, T. Admit what you did, or rather, what you haven't done up to now, promise to do it soon and I'll let your sister live."
Hindi na nagkaroon ng pagkakataong sumagot ang dalaga. The man snapped his fingers. Then a door
opened and her world turned upside down. Her life forever shattered.
Apat na lalaki ang pumasok sa silid at dalawa sa mga ito ang pabagsak na itinapon ang duguang katawan
ni Shane. Hindi mapaniwalaan ni Shine ang nakikita.
Mabilis niyang pinuntahan ang kakambal at gamit nanginginig na mga kamay, dinama niya ang leeg ni Shane.
May pulso pa ito ngunit mahina na ang
katawan.
Iginala niya ang paningin sa kaawa-awang
nito. Unting-unting sumikip ang kanyang dibdib sa galit. Kalunos-lunos ang sinapit ng kakambal. Ang
kulot at mahabang buhok nito ay wala na.
Mistulang hinatak ng mga ito hanggang sa matanggal kung kaya't
sugat-sugat ang anit nito. Magang-maga rin ang mukha nito, marahil ay dahil sa mga suntok na dumapo rito
Hindi na niya halos makilala si Shane. Bali rin ang kanang braso nito. And worse, her poor back was
skinned to the bone.
This can't be happening! No! No! "Shane..." Halos hindi na niya mabanggit ang pangalan nito. Parang nawalan siya ng boses. Tumindi ang panginginig ng
katawan niya, not with cold but with burning rage.
Nilingon niya ang tiyuhin nang tumayo ito at umikot sa mesa palapit sa kanya. "Alam mo ang ginawa
mong mali, T. You should have killed long ago."
Tatayo na sana siya upang sugurin ito, ngunit
natigilan siya nang marinig ang boses ng
kakambalniya. "S-Shine, h-huwag mong g-gawin ang g-gusto nila.
B-be free-"
Tatlong malalakas na putok ng baril ang narinig niya. Galing ang mga iyon sa baril ni Uncle Jim. And
right before her eyes, she witnessed the last breath her
sister took.
Ikinamatay nito ang tatlong balang tumama sa puso
nito. An agonizing scream tore from her lungs. Isang
sigaw na puno ng pighati sa pagkawala ng nag-iisang
importanteng tao sa buhay niya. She screamed as she
felt the pain of knowing her sister was dead rip her
heart to pieces.
Laging sinasabi ng kapatid na iyakin siya, ngunit sa
pagkawala nito, ni isang luha ay walang pumatak mula
sa mga mata niya. She could only scream for the loss
was so great she felt she had died as well.
As she clutched Shane's lifeless body, she felt herself
changing. Her pain was replaced with hatred, her loss
was replaced by her hunger for revenge, and her desire
to preserve life was replaced by her need to kill.
Tila napansin din ng kanyang tiyuhin ang
pagbabago sa mga mata niya. "At last! Go ahead, T,
avenge your sister. Be the perfect assassin that you were
born to-" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil
naging mabilis ang pagkilos niya.
Kinuha niya ang patalim na nakatago sa kanyang
baywang at sinaksak ito sa puso.
Hindi pa siya
nakontento. She twisted the knife painfully until her
uncle coughed blood.
Nagawa na niya ang bagay na iniiwasan niya. He
first kill. But she felt nothing. Sumugod ang ibang
lalaki sa kanya at walang takot niyang hinarap ang mga ito. Her training and instinct took over. Isa-isa niyan,
pinatay ang kalaban.
Pagkalabas sa silid, sinugod din niya ang mga
assassins na nakasalubong. Hindi na siya nag-isip.
Marahil ay tama ang uncle niya. She had become a
killer but at the moment, she didn't care.
Nakita niya ang pinsang si Lanie at sinugod din
ito. Iisa lang ang may galit at inggit sa kanilang ng kanyang kakambal
kaya nasisiguro niyang ito ang umalam at nagbunyag ang kanilang sekreto . "Huwag!" sigaw nito. Lanie was caught
by surprise. Wala na itong panahong umiwas. Ginilitan niya ito sa leeg. Hindi siya huminto roon. Nagpatulong
siya sa pag-atake. And as bodies fell around her, she
could hear her sister's voice.
"Iyakin ka talaga, Shine"
"I'll look after you."
"Malalagpasan natin ang lahat nang magkasamaag
"You're not my burden. You're my happiness."
"I'll take care of you, little sister"
"Poprotektahan kita."
"I want you to be free."
"Promise me we'll get out of here. Alive"
"Both of us. No matter what."
How she wanted to cry but she felt empty.
Nang masigurong wala nang kalaban, bumalik si shine sa opisina ng kanyang tiyuhin. Nagtamo rin siya
ng maraming sugat sa ginawa. May malaking hiwa
iya sa braso at hita, isang daplis ng bala sa kabilang
braso at maliliit na sugat sa iba't ibang parte ng katawan
niya ngunit hindi niya ininda iyon. Nilapitan niya si Shane. Hirap man at nanghihina na ay pilit pa rin
niyang binuhat ang walang-buhay na katawan nito at
magkasama silang umalis ng compound.
Ilang daang metro ang layo mula sa lugar, ibinaba ni Shine ang kakambal at inihilig sa isang malaking puno. At gamit ang isang palang binitbit din niya nang palabas na sila ng compound, nagsimula siyang maghukay ng libingan.
Makalipas ang mahigit isang oras, nagawa na niyang ibaon sa lupa ang mga labi ng pinakamamahal
na kakambal. At noon lang, matapos ang malagim na
"pagkamatay ni Shane, umagos ang kanyang luha.