This is a waste of time. Dr. Berly Jimenez was bored. At the age of thirty, isa na siyang ganap na doktor at ilang taon na siyang nagpa-
practice ng medicine. Some would say he was the guy who had it all. Money, fame, and even respect in his
profession. But for someone who had everything, he
wasn't content. He wanted to add spice in his life. Gusto niya ng bago sa buhay niya. Something exciting. A
challenge.
Simula pagkabata ay ganito na siya. Gusto niya
ng mga adventure at gusto niyang masubukan lahat.
Whether physical or mental challenges, hindi niya
inuurungan ang mga ito. Sumubok siya ng martial arts, archery, chess, basketball at marami pang iba.
Inaalam niya ang bawat aspeto ng laro o palaisipan
na nakikitaan niya ng interest. Kapag may nagustuhan
siya ay pinagtutuunan niya ito ng pansin at hindi
magtatagal ay magiging bihasa rin siya rito. At
kadalasan, ang interes niya sa isang bagay o laro ay
tumatagal lamang ng lima o anim na buwan. For him,
the thrill would slowly fade thus he would lose interest.
Nanggaling siya sa pamilya ng mga doktor.
Ang mga magulang niya ay parehong doktor kung
kaya lumaki siya na sagana sa pera at maging sa
pagmamahal. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya
nahirapang bilhin at paghandaan ang kung anumang kanyang makahiligan. Hindi na rin nakakapagtaka na sumunod
siya sa yapak ng mga magulang at maging doktor.
Namatay ang mag-asawang Jimenez walong taon
na ang nakakaraan, katatapos lamang niya ng pre-Med kasalukuyang nag-aaral ng Medicine proper noon.
Sa puntod ng mga magulang ay ipinangako niyang
susundin ang hinahangad ng mga ito na maging isang
manggagamot na sumasagip ng buhay.
Hindi na naging problema kay Berly ang ipinangako
sa mga ito. Matalino siya at madaling natutunan
ang panggagamot. Sa katunayan, gusto niya rin ang kanyang propesyon. Masarap sa kanyang pakiramdam
ang malamang nadurugtungan ang buhay ng ibang tao
dahil sa kanyang kakayahan. May mga pagkakataon
na na-cha-challenge siya sa mga di-pangkaraniwang
kondisyon ng mga pasyente. Sa ganitong mga pagkakataon ay lalo niya pang pinaghuhusayan at
bilang resulta sa kanyang pagpupursige ay napapagal niya ang mga ito.
Maging sa aspeto ng pakikipagrelasyon ay wala siyang nagiging problema. Hindi kataka-taka na dahil sa angkin niyang kagwapuhan ,makisig na katawan,
idagdag pa ang kanyang propesyon at yaman ay maraming babae ang lumalapit sa kanya.
Using his natural wit and charm, Berly didn't have
a hard time getting a date or two. Iyon nga lang,
kagaya ng mga sports ay nawawalan din siya ng interest
kalaunan sa bawat nakakarelasyon.
Kaya nandito siya ngayon at nagbabakasyon. Mula sa Maynila ay nagmaneho siya ng kotse niya papunta
kabundukan ng Cordillera. Sa liblib na kagubatan ay may resthouse ang kanilang pamilya.
Dahil sa sobrang pagkainip sa siyudad, naisipan
niyang magpakalayo muna upang mapag-isa. And if
he's lucky, he would even find a new interest.
And that was when he saw her.
Halos matanggal ang kaluluwa niya sa katawan
dahil sa pinaghalong takot at gulat nang makakita siya ng isang duguang babae sa gilid ng kalsada. Napatapak
siya kaagad sa brake ilang metro ang layo mula rito.
Nakita niyang humakbang ang babae sa daan at unti-unting naglakad, animo'y tatawid. Pinagmasdan niya
to, hindi alam ang gagawin.
Nakalugay ang hanggang baywang at alon-along
buhok nito. Nakita rin niya na duguan ang kasuotan
nito. Nakahawak ang isang kamay nito sa kabilang
braso marahil ay upang mabawasan ang pagdurugo ng
sugat nito. Kapansin-pansin din ang maraming sugat
nito sa katawan.
Natakot talaga siya nang unang makita ito sapagkat
hindi niya alam kung ilusyon ba ito, multo o totoong tao. Nang masigurong totoo nga ito, nakaramdam
naman siya ng pagtataka. Sino ang babaeng ito? Ano'ng
lginagawa niya rito?
Hirap man sa paglalakad ang babae ay nakailang
hakbang pa rin ito bago tila naubusan ng lakas.
Nawalan ito ng malay at bumagsak sa daan.
Pagkakita sa pagbagsak nito, kaagad bumaba si berly
ng kotse at pinuntahan ito. Inihiga.niya ito at tinapik-
tapik ang mukha. "Miss? Miss?"
Walang reaksyon ang babae kung kaya binuhat na
niya ito at inihiga sa backseat ng kotse niya. Saka siya
umikot sa driver seat at pinaandar ang sasakyan.
Dumerecho siya sa resthouse ng pamilya. Sa
sandaling pagsusuri niya sa dalaga kanina, alam niyan
malala ang kondisyon nito. Sa dami ng natamo nitong
sugat, mga hiwa ng patalim at may ilan din itong tama
ng baril, napakarami nang dugo ang nawala rito. Tuyo
na ang ilan sa mga dugong kumapit sa damit nito,
senyales na ilang oras na ang mga sugat nito. Maputla
na rin ang mukha ng estranghera. Kahanga-hanga na
buhay pa rin ito sa kabila ng mga iniinda.
Pagkarating sa resthouse, maingat niyang binuhat
muli ang dalaga. Ipinasok niya ito sa loob ng guest
room at inihiga sa kama. Wala pa rin itong malay.
Hindi na siya nag-aksaya ng pagkakataon. Doktor si berly at alam niya ang gagawin upang iligtas ito.
Upang hindi na masagi pa ang sugat nito, kumuha
na siya ng gunting para maalis ang damit nito at sisimulam
gupitin ang pantalon nito nang biglang bumalikwas
ng bangon ang dalaga at sumigaw. Natigilan siya, muli itong minasdan.
Paupo itong sumisigaw habang tinatakpan ng mga
kamay ang mga tainga nito, mariing nakapikit ang
mga mata. Ang sigaw na narinig niya mula sa dalaga
ay napakalungkot. Kasabay ng naramdamang awa pa
dito ay ang pagbalik din ng isang mapait na alaala para sa kanya.
I know that sound very well, wika niya sa sarili.
Dahil sumigaw rin ako katulad niya noon. lyon ay
noong araw na makita niyang patay ang kanyang mga
magulang, parehong may nakasaksak na kutsilyo sa dibdib ng mga ito.
Umiling-iling si Lex na tila binubura ang alaala
isipan at itinuon ang atensyon sa kaharap. Maingat
niyang hinawakan ang isang braso nito. "Miss, calm
down."
Ngunit nang maglapat ang kanilang mga balat,
tila lalong nagwala ang dalaga. Muli itong sumigaw.
Pagkatapos ay nagmulat ito ng mga mata at tumingin sa
kanya. Mayamaya pa ay nagbaba ito ng tingin at nakita
ang gunting. Mabilis ang naging pagkilos nito. Kinuha
nito ang gunting. Buong akala niya ay sasaksakin siya
nito, pero laking gulat niya nang pilit nitong ibinibigay
ang gunting sa kanya.
"Please, patayin mo na ako" Mabilis na tumulo ang
Luha sa mga mata nito, nagsusumamo. Nakapaloob ang
kamay niya at ang gunting sa dalawang kamay nito.
Hands that he couldn't help but notice to be small yet
strong.
No. Hindi kita papatayin,' sabi niya sa kausap.
Inalis niya at itinabi ang gunting saka pilit na inihiga itong muli. Nagpumiglas ito, gustong bumangon,
hanggang sa hinawakan niya ito sa magkabilang braso
iniwasan niya ang mga sugat nito. "Miss, huminaho ka lang." Nang hindi pa rin ito tumigil sa kapupumiglas
napilitan siyang yapusin ito. Ilang saglit pa at tumigil
na ito sa paggalaw at unti-unti niyang narinig ang hikbi nito.