chapter 4

1155 Words
"Shane... Shane, I'm so sorry. Patawarin mo ako." Sa ilang taon niyang pagiging doktor, araw-araw siyang nakakarinig ng pag-iyak, ang pasyente man o ang pamilya nito, pero aaminin ni berly sa sarili na ang hikbi ng estranghera ang pinakamasakit pakinggan sa lahat ng narinig niya. Ito ay puno ng sakit at pagdurusa Once again, he couldn't help but wonder, Ano'ng nangyari sa 'yo? Ilang minuto rin ang lumipas at hinayaan niya ito umiyak habang yakap niya ito. Patuloy ito sa paghingi ng tawad sa isang nagngangalang Shane. Sino siya? Ano'ng pangalan mo? At bakit gusto mong mamatay? Ilan lamang iyon sa mga tanong na nabuo sa isipan ng binata. Totoo na nagkainteres siya sa babae nang sabihin nito sa kanya na patayin na lamang ito. Para sa isang kagaya niya na marami pang gustong gawin sa buhay, hindi niya maintindihan kung ano ang magtutulak sa isang tao upang wakasan ang buhay nito. Nang ihiga niya na sa kama ang kayakap, hindi na ito gumalaw. Nakita niyang pumikit ang mga mata nito. Doon niya ipinagpatuloy ang panggagamot. Maingat hiyang pinunasan at nilinis ang mga sugat nito sa katawan. Ang tatlo sa mga sugat nito ay kailangan pang tahiin kaya upang masiguro na hindi ito magigising muli habang nagtatahi siya, tinurukan niya ito ng pampatulog. Nang matapos sa ginagawa ay saka pa lamang siya nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan itong mabuti. Natanggal na ang damit at pantalon nito, tanging saplot lamang sa katawan ay ang bra at panty nito. Ngunit sa dami ng sugat nito ay napakaraming benda ang nakabalot ito. Magkagayunman, hindi pa rin niyon naikubli ang ganda ng dalaga. Maputi ito at maganda ang hubog ng katawan. She had the curves in all the right places. Binalutan ito ni berly ng kumot at naupo sa upuan sa gilid na kama. Inilapit niya ang mukha upang lalo pang matitigan ang mukha nito. Hindi niya napigilan ang Sariling haplusin ang pisngi ng babae. Ano'ng nangyari sa yo? Gusto kong malaman. Hindi siya mapakali. Naiintriga siya rito. I want to know more about you. "Wake up soon," bulong niya rito kahit pa alam niyang kailangan pa nitong magpahinga. Tumayo na siya at lumabas ng kuwarto. Hindi niya alam kung sadya ba o pagkakataon lang kung bakit siya ang nakakita rito. Isa lang ang nasisiguro niya, he just found what he was looking for. Interesado siya sa dalaga. I will no let you die. Hindi niya nga lang alam kung hanggang kailan o kung hanggang saan aabot ito. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Nagising si Shine na sumasakit ng kanyang mga mata ay kaagad din siyang napapikit dahil parang pinipiga ang kanyang ulo sa sakit. Ipinilig niya ang ulo. Mayamaya pa ay nagawa na niyang magmulat ng mga mata at iniikot ang paningin sa kinaroroonan niya. Nasaan ako? tanong niya sa sarili. Maganda at malawak ang silid. Simple ngunit halatang mamahalin ang mga dekorasyon niyon. Hindi ito ang silid ko. Kama lamang nilang dalawa ni Shane at kabinet ang nasa kanilang silid at walang kahit na anumang disenyo. "Shane.." Sa pagkaalala sa kapatid, muli niyang naramdaman ang pait at sakit ng nangyari. Wala na ang kakambal ko. Patuloy sa pagpatak ang kanyang luha. Her sister, also her protector and best friend, was killed in the most brutal way possible. Hindi ito basta- basta namatay, Pinahirapan muna ito nang husto at iyon ang hindi niya pa rin matanggap hanggang ngayon. Alam niyang matapang ang kakambal. Sa nakaraang mga pagpaparusa sa kanila, hindi ito sumisigaw sa sakit o nagmamakaawang pahintuin ang pagpaparusa. Maging siya naman ay ganoon ngunit pagkatapos ay umiiyak siya, hindi katulad ni Shane. She had been the bravest of all that she met. Hindi ito umiiyak. at Kinikimkim nito ang lahat ng nararamdaman. Pinrotektahan siya nito at siya pa rin ang iniisip nito ilhanggang sa huli, Dapat ako ang namatay, nasambit ni Shine sa sarili. Siya ang mahina. Siya ang may pagkakamali, pero sinalo lahat ni Shane ang kabayaran sa kahinaan niya. Hindi makatao ang nangyari rito. She didn't deserve to die especially in that way. Kung may dapat makaranas niyon, siya iyon. I really am a failure. As a sister and even as an assassin. Malungkot siyang napangiti. Matagal niyang iniwasan ang pagpatay. Her sister even died just to prevent her to kill, pero kahapon, nangyari na ang matagal nilang iniiwasan. Hindi madaling sikmurain ang pagpatay, pero Sa aminin ni Shine sa sarili na hindi siya nagsisisi. Kung tutuusin, sa sakit na naranasan ng kakambal, hindi pa siya kontento sa ginawa sa tiyuhin. Gusto niya rin sanang pahirapan ito, for him to feel every ounce of pain her sister felt. Pero pinatay niya ito kaagad lyon marahil ang isa pa niyang pinagsisisihan. The only consolation was in knowing that the demon who've haunted them for many years was finally dead Naipaghiganti pa rin niya ang kakambal. Magkaganoonman, she still felt empty. Nawala na ang lahat sa kanya. Kasabay ng pagkawala ni Shane ay ang pagkasira ng lahat ng kanyang pangarap. Ang mabuhay nang normal at mapayapa. Mag-isa na lamang si Shine ngayon. For once, she was truly alone. No one share the joy and hardship of life. "Shane, gusto na kitang makasama." Itinaas ng dalaga ang ulo na tila nangungusap sa langit. Ayoko mabuhay nang wala ka. Gusto na niyang mayakap muli ang kakambal. Panandalian niyang ipinikit ang mga mata at sa wakas, nakaramdam siya ng kapayapaan. naging desisyon, alam niyang sasaya siya. Iminulat niya ang mga mata at inilibot ang paningin sa silid. Naghahanap siya ng magagamit upang wakasan ang buhay. Nakita niya ang mga gamit sa panggagamot sa drawer na malapit sa kama. kinuha niya ang gunting at itinutok sa leeg niya. Balak niya gilitan ang kanyang leeg upang sa wakas ay magkasama na sila ng kakambal. Shane, wait for me. Miss na miss na kita. I'm sorry. Nang tangkain na niyang wakasan ang buhay, bigla bumukas ang pinto at may pumasok na lalaki. Nagulat si Shine at napahinto sa gagawin. Alam niyang may gumamot sa kanya, ngunit hindi niya inasahan na maaabutan pa siya nito nang buhay. Sa kabilang banda, nagulat man ang lalaki pagkakita sa kanya na may hawak na gunting, mabilis itong lumapit sa kanya. Pahablot na kinuha ang gunting. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" anito sa malakas na tinig. Nang hindi siya sumagot, ibinaba nito ang gunting sa side table, inis na hinablot pa nito ang mga balikat niya at inalog siya. "Magsalita ka, ano'ng gagawin mo?" Nainis na rin siya; sino ba ang lalaking ito para pakialaman siya? At kung sigawan siya, animo ay malapit na kaibigan. Pinalis niya ang mga kamay nito. . "Wala kang pakialam! Sino ka ba?" Muli nitong hinawakan ang mga balikat niya at sinabi, "Walang pakialam? Niligtas ko ang buhay mo." "Sorry pero hindi ko sinabing iligtas mo ako. I want to die. Please... just let me die." Tumulo ang luha ni Shine. Sa hindi niya malamang dahilan, tila lalo itong nagalit. Muli siyang niyugyog nito. "Hindi kita
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD