chapter 6

1434 Words
Wow! Hindi mapaniwalaan ni berly na ganoon katindi ang mararamdaman niya sa una nilang pag-uusap ng dalaga. Galit, pagkamangha, excitement, napakaraming emosyon ang paikot-ikot sa isipan niya. Isa siyang impulsive na tao. Kung ano ang maisipan niyang gawin, gagawin niya. At ang ginawa niyang paghalik sa dalaga kanina? Aaminin niyang hindi niya napigilan ang sarili. "Shine', Bagay rito ang pangalang iyon. Higit na gumanda ito kumpara nang huli niya itong nakita at base sa pakikiramdam niya sa sarili, alam niyang lumalaki ang atraksyon niya para rito. Napakaganda babae, at naiintindihan man niya kung bakit gusto na nitong wakasan ang buhay, malaki pa rin ang pasasalamat niya at napigilan niya ito bago ito magpakamatay, Hindi niya gustong mamatay ito. Sa halip, gusto pa niyang makilala nang husto ang dalaga Ang mga mata nitong puno na pighati ang unang nakakuha ng atensyon niya. Deep sorrow that he remembered seeing in the reflection of his own eyes eight years ago. At ang mga labi nito, they were so red and soft. Hindi niya natiis na halikan ito. Alam niya may pinagdaraanan ngayon si Shine, ngunit sa kabila interes niya rito ay hangad din niyang matulungan ito Hindi basta-basta gumagaling ang mga sugat sa puso lalo na ang sugat na likha ng pagkamatay ng minamahal sa buhay, Si berly mismo ay may ideya kung gaano kasakit ito, kaya alam niya na mahirap ang pagdaraanan ng dalaga. Ngunit buo pa rin ang desisyon niyang makilala ito nang lubusan. Dalawang bagay ang napagpasyahan niyang gawin; ang tulungan itong matanggap ang pagkawala ni Steff at ang panliligaw rito. Alam niyang marami rin siyang kailangang gawin upang magtagumpay. And he felt excited. Excitement that he hadn't felt for a long time. Anticipation of the days to come. Hindi pangkaraniwan ang una nilang pag-uusap ni shine., oo inaasahan niyang mgpapakamatay ito, ngunit hindi niya akalain na mabilis itong nagdedesisyon na wakasan ang buhay. Isa pa ay napakagaling nito sa pakikipaglaban. Malakas ito, dagdag pa na nagpapagaling ito ng napakaraming sugat. Napahanga siya nito at aaminin niyang ikinatuwa niya rin na hindi siya nito natalo. Alam niyang hindi yon inaasahan ni Shine, kaya doon niya nakuha ang atensyon nito. Ang binata rin naman mismo ay nahihiwagaan kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon at kilos niya rito. Pero iisa lang ang naiisip niyang sagot. Kakaiba si Shine sa lahat ng babaeng nakilala niya. She was strong, intelligent and beautiful. Habang dumarami ang nalalaman niya tungkol sa dalaga ay lalong tumitindi ang nararamdaman niya para rito. Napangiti si berly sa sarili. Masaya siya. He just got what he wished for and more. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ August 20, 2019 Dear Shane Nasaan ka na kaya ngayon? Marami akong gustong ikuwento sa 'yo, kaya naisip kong sulatan ka na lang. Patawarin mo ako, kakambal ko, dahil naisip ko noon na magpakamatay. Alam ko na ngayon na hindi mo iyon ikatutuwa. Gugustuhin mo na mabuhay ako at tuparin ang pinapangarap mo para sa akin na mamuhay nang normal. Isang tao ang nakapagpamulat sa akin ma-realize ang mga ito. Si berly. Niligtas niya ako nang araw na iyon. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Hindi lang dahil sa napagaling niya ako kundi dahil napigilan niya akong gawin ang bagay na tiyak kong ikalulungkot mo. Hanggang sa ngayon, masakit pa rin para sa akin ang katotohanang wala ka na pero kakayanin ko. Mabubuhay ako nang normal, para sa ating dalawa. Mahal na mahal kita, Shane. No words can explain how much you mean to me. Salamat dahil nagkaroon ako ng ate na kagaya mo. Love, Stella ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ September 15, 2019 Dear Shane, Lubusan nang gumaling ang mga sugat ko. Hinayaan akong manatili ni berly sa resthouse ng pamilya nila kasama siya habang nagpapagaling ako. Mabait siya, Shane, gentleman at maasikaso. 'Yun nga lang, may pagkapilyo siya. Lagi siyang nagnanakaw ng halik. Sinabi niya sa akin, nanliligaw daw siya pero gan'un ba talaga ang panliligaw? Naguguluhan ako. Magkaganoonman, kahit pa magkasama kami sa iisang bahay, iginagalang niya ako. At aaminin ko sa 'yong nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Madalas siyang magkuwento sa akin ng tungkol sa buhay niya. Doktor pala siya at mahilig siya sa adventure. Ikinuwento niya sa akin ang bawat sports na nilaro niya. At sa bawat pag-uusap namin, lalo akong humahanga sa kanya. Sinabi niya sa akin ay gusto raw niya akong mas makilala. At ang isang bagay na na-appreciate ko sa kanya ay hindi siya mausisa. Hinahayaan niya akong ikuwento ang gusto kong ikuwento. Totoong iniiwasan kong banggitin ang tungkol sa nakaraan natin, Shane. Ayokong malaman niya. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ October 11, 2019 Dear Shane, I miss you. Minsan, nakita ako ni berly na nakatulala. That was when he suggested this crazy idea. Mag-sparring daw kami. Noong una, natawa ako dahil akala ko nagbibiro lang siya pero seryoso pala siya. Sinabi niya sa 'kin, he was also bored like me at maganda raw na pampalipas-oras kung mag- "work-out" kami.Naalala ko nung una kaming nagkakilala. I remember his strength and speed. Pumayag ako sa suggestion niya. Ngunit nang maglaban na kami lalo akong namangha sa kanya. Ngayon lamang ako nakakilala ng tulad niya. Hindi sa pagyayabang ,alam kong magaling tayo sa martial. arts. pero mas magaling siya, Shane. His moves were calculated and precise. Mahigit isang oras din kaming nagsanay at masakit mang aminin, hindi ko siya matalo. Oo, nagagawa ko siyang matamaan ngunit ang isang pagkakatama ko sa kanya, sinusuklian niya ng dalawang tama sa akin. But his blows didn't hurt me. Ipinapakita lamang niya na kaya niya akong tirahin sa ganoong paraan, ngunit hindi niya ako sinasaktan. Sa bawat sparring namin, sa bawat araw na nakakasama ko siya, I see different sides of him. His fierceness and his gentleness. His pride and his wisdom. Habang nakikilala ko siya, lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ November 1, 2019 Dear Shane, Araw ng mga Patay ngayon. At mula sa Cordillera, pumunta kami sa Maynila upang madalaw ang puntod ng mga maqulang niya. llang buwan na rin kaming magkakilala, Shane. Hindi ko sasabihin na lubusan ko na siyang kilala, ngunit sapat na ang mga nalaman ko upang pagkatiwalaan siya. Mahal ko na siya, Shane. Kaya nang yayain niya akong pumunta sa Maynila, sumama ako sa kanya. Sa mga napag-usapan namin, ito na rin marahil ang pinakainiiwasan niyang topic. Ang alam ko lang ay sabay na namatay ang mga magulang niya. Kagaya ng hindi niya pag-uusisa sa nakaraan ko, 'yun din ang gagawin ko. Ramdam ko na hindi niya ito nais pag-usapan, kaya't hindi ko na siya tatanungin pa tungkol doon. Sa araw na ito, muli kong ginugunita ang ko pagkamatay mo, Shane..Miss na miss na kita, kakambal ko. Pero aaminin ko sa 'yong unti-unti na akong sumasaya, kasama si Berly. Ngayong nasa Maynila na kami, magsisimula na akong maghanap ng trabaho. Kahit na ano, kakayanin ko. ang ko. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ December 8, 2019 Dear Shane, Nag-away kami ni Berly. Bakit? Tinatanong pa ba 'yun? Eh, di kasalanan niya. Haha! Kilala mo naman ako, Shane. Hindi ako perpekto. Tayo nga rin palaging nagkakatampuhan and I miss you more kapag naaalala ko ang mga iyon. At kagaya mo, hindi rin siya sumusuko sa 'kin. Hindi niya ako hinayaang umalis hangga't hindi kami nagkakaayos. And I love him more for that. Hindi ba't napakasuwerte ko? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ December 25, 2019 Dear Shane, Ito ang unang Pasko na hindi tayo magkasama Pero dahil alam kong ayaw mo na nalulungkot ako pipilitin kong maging masaya. Kasama si berly. At aaminin kong nangangamba ako, Shane. Natatakot akong pati siya ay mawala sa akin. Sinabi niya sa akin noon na madali siyang mawalan ng interes sa isang tao o bagay. Papaano kung dumating ang araw na mawala din siya ng interes sa akin? Mahal na mahal ko siya, Shane. At ramdam ko na mahal niya rin ako. I just hope that our love will last forever. Still, nangangamba pa rin ako. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ December 31, 2019 Dear Shane, Wala pala akong dapat ipangamba. Nagtapat ako ng saloobin ko sa kanya at sinabi ko ang aking pinangangambahan. And I will never forget his answer. "Una pa lang kitang makita, alam ko nang hindi pangkaraniwan ang nararamdaman ko para sa ' Iba ka sa lahat ng nakilala ko and my feelings for you did not fade but grew instead. Mahal na mahal kita, Shine. And I'm sorry to say but you'll never be free of me." Napaluha ako sa sinabi niya dahil hindi ko rin gugustuhin na magkalayo pa kami. Matatapos na ang madilim na taong ito para sa akin, ngunit darating ang panibagong taon na kasama ko si Berly Hiling ko na mabuhay kami nang magkasama at nang mapayaра..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD