chapter 7

1358 Words
February 2020... Parating na siya. Her heart raced at the thought. Espesyal ang araw na ito para sa kanilang dalawa, actually, para sa lahat ng magkasintahan. Nagmadaling umuwi si Shine upang paghandaan ang special dinner na pagsasaluhan nila mamaya ni Berly. Kagagaling niya sa kanyang trabaho bilang clerk. Hindi naman importante kung ano ang naging trabaho niya sapagkat marami siyang naipong pera dahil sa dati niyang trabaho. Una niyang tinapos ang pagde-decorate ng dinner table. Naglagay siya ng mga petals ng bulaklak sa sahig magmula sa pinto hanggang sa table. May mga ribbons balloons sa paligid. Naglagay rin siya ng kandila sa Lamesa. Sumunod ay ang bedroom. Yup, this is gonna be special indeed. Nilagyan niya rin ng petals ang sahig, at inayos ang paligid. Ilang buwan na silang magkasama ni Berly at iginalang siya nito, but she believed that it was time to level things up between them. She's ready at gusto niyang may mangyari sa kanila ng minamahal. Matagal niya ring pinag-isipan ito at buo na ang kanyang desisyon. Gusto niyang sorpresahin si berly. Isa ito sa magiging pinakahindi malilimutang gabi ng buhay nila. Pagkatapos ay hinanda niya ang mga ingredients ng kanilang kakainin at niluto ito. After all the tasks were done, the table's set, the dinner cooked and ready to serve, hindi pa rin dumarating si berly. Siguro may emergency. Malapit nang mag-seven thirty ng gabi at hindi naman ito ang unang beses na gabi itong umuwi. ant Bilang isang doktor, hindi nito hawak ang sariling oras. Maraming buhay ang umaasa rito, kaya naiintindihan ni Shine kung bakit minsan ay nag-o-overtime ito sa trabaho. Habang hinihintay ang nobyo, naisipan niyang pumunta muna sa kuwarto at mahiga. Habang inililibot ang paningin sa silid ay may napansin siyang nakaipit sa gilid ng bookshelf. Ano kaya yun? Na-curious ang dalaga. Nilapitan niya iyon at sinipat mabuti. Manipis ang bagay na iyon animo'y papel. Dahan-dahan niya iyong kinuha. Isa pala itong nakatuping litrato. Excited siyang makita kung kaninong litrato ang nandoon, kaya dali-dali niyang binuklat ito. Ngunit hindi niya inasahan na ang larawang iyon ang muling dudurog sa kanyang puso. May nakita siyang tatlong tao sa litrato. Nakaupo ang noon ay binatang si berly habang may isang lalaki at isang babae na nakatayo, parehong nakahawak sa magkabilang balikat nito. Tiningnan niya ang likod ng picture. Nakasulat sa ibabang bahagi ang mga katagang Jiminez Family Hindi! Hindi! Hindi! Tama ang hinala niya. Ang mga magulang ni berly ang kasama ng binata sa litrato. At kung dati ay nagtataka siya bakit hindi nito nababanggit ang tungkol sa pagkamatay ng mga magulang nito, ngayon ay alam na niya ang dahilan. Ibinalik ni Shine ang larawan sa dati niyong kinalalagyan at tila nawalan siya ng lakas na napaupo. Nanginginig ang kamay na tinakpan niya ang kanyang bibig upang pigilin ang sigaw na gusto niyang ilabas habang ang isang braso ay niyakap ang nanlalamig na katawan. At sa halip na sigaw, isang impit na hikbi ang narinig mula sa silid. Tuloy-tuloy na umagos ang kanyang luha. Hindi pa rin niya mapaniwalaan ang natuklasan. Ngayon ay alam na niya kung papaano namatay ang mga magulang ng kasintahan. Tig-isang saksak ng kutsilyo sa puso ng mga ito. At ang masaklap na katotohanan ay isa sa mga naging misyon nilang kambal ang pagpatay sa mga ito. aba Oo, si Shane lang ang pumatay sa mga ito, ngunit ang kasalanan ng kakambal ay kasalanan nilang dalawa. Sa bawat pagpatay ng kakambal ay katumbas ng sarili laban niyang kamay na pumapatay. Buong akala niya ay tapos na ang masalimuot na petsang iyon ng kanyang buhay. Tuluyan nang nabaon ng masasayang alaala ng panibagong buhay, ngunit heto na naman ang kanyang nakaraan, muling bumangon at sinira ang mundo niya. Marahil ay walang kapatawaran ang kanyang mga nagawa noon. Hindi puwedeng kalimutan at hindi puwedeng talikuran. How cruel this world is to me, nasambit niya sa sarili. Paano pa? Paano pa ako magpapatuloy? Si Shine ang dahilan kung bakit naulila ang kasintahan. At doon niya lang napagtanto na kahit gaano ibaon sa limot, kahit gaano itanggi sa sarili, hinding-hindi niya matatakasan na isa siyang mamamatay-tao. At ang dami na nilang napatay ng kakambal. She had so many blood on her hands. Innocent blood. Ni hindi siya maituturing na bayaning pumapatay lamang ng masasamang tao, dahil ang mga pinatay nila ay kahit na sinong gustong ipapatay ng kliyente. Hindi mahalaga kung mabuti man o masama, ang mga ito ay target. At isa sa mga naging biktima nila ay ang mga magulang ni berly. Ang isa pang masakit na katotohanan, hindi alam ng dalaga kung sino ang nagpapatay sa mga magulang nito. Sa lahat naman ng mga naging misyon nila, hindi ipinaaalam sa kanila kung sino ang kliyente. Tanging ang tiyuhin lang nila Magkagayunman, it didn't change the facts. ang nakakaalam. Ilang beses iniuntog ni Shine ang ulo sa dingding. Para siyang binabangungot nang gising. kanya. They kissed sweetly yet powerfully. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, kapwa na sila humihingal. Napangiti siya "It's good to be home Napangiti rin ito. "Welcome back, berly. Nagugutom ka na ba? Nakahanda na ang pagkain" Sa mga ganitong pagkakataon, pakiramdanm niya ay mag-asawa na sila ni Shine. At ang sarap sa pakiramdam kapag pag-uwi niya ay may mag- aasikaso sa kanya, katulad ng ginagawa nito. This is why I love you more and more. Ngunit hindi naman siya pahuhuli rito, Alam ni berly kung anong araw ngayon, at espesyal ito para sa kanilang dalawa Inilabas niya ang bouquet na itinago niya sa likuran niya. "Para sa iyo ito." Iniabot niya iyon sa kasintahan Nakita niyang tila naluluha na ito nang tanggap ang bulaklak. Iyakin talaga ito. "S-salamat." Lalo siyang napangiti. "Happy Valentine's" He kissed her lightly. "Happy Valentine's, sagot nito. Niyakag siya nito papunta sa diner. Halika na, kain na tayo." Nagulat pa siya nang makita ang mga petals at dekorasyon sa paligid. Napaka-romantic ng ginawa nito. "Wow!" Inakbayan niya ito at nagpatuloy sa paglakad. "You like my surprise?" "Oo naman." Naupo na sila sa kani-kanyang upuan. So, how was your day?" tanong niya kay Shine nang magsisimula na silang kumain. Nakaugalian na nilang magkumustahan habang kumakain. "Maganda naman ang naging araw ko. Wala akong naging problema sa trabaho. Kaya maaga rin akong nakauwi. Naayos ko lahat 'to bago ka dumating. Ikaw?" berly sighed. "Maaga sana akong makakauwi, kaya lang may dumating na pasyente sa emergency. Kinailangan ko muna siyang gamutin. Nang mag-stable siya, saka pa lang ako nakaalis. Sorry." "Walang problema d'un. Masaya ako at nakakapagpagaling ka. 'Nga pala, how's the food?" "Masarap. I wonder if you would taste as good." She blushed at his teasing. He couldn't seem to stop smiling whenever she's He around. Habang magkasama sila nito, kumakain, may kakaibang tuwa siyang nararamdaman na naranasan lang simula nang makilala ito. Ilang buwan na silang magkasama ni Shine, pero hindi kagaya ng iba niyang relasyon kung saan nagsasawa siya, hindi pa rin siya nawawalan ng interes dito. Siguro mas magandang sabihin na mas gusto na niyang makasama pa nang matagal ang dalaga. He always looked forward to their time together. With her, he never got bored. Ngayon lang siya nakakilala ng isang babaeng bukod sa maganda at matalino ay malakas din at maliksi. She was a little bit surprise, at bawat araw ay parang adventure kasama ito. For the first time in years, kontento si berly . Pag-ibig nga marahil ang kanyang nararamdaman. Habang kumakain sila ay palihim niyang minamasdan ang kasintahan. Napakaganda talaga nito At maalalahanin pa. Napakasarap isipin na pinagtagpo talaga sila ng tadhana. Nakita niya ito at ginamot. Ngunit hindi niya rin akalain na sa pagtulong niyang ito sa dalaga ay mahahanap niya rin ang isang taong hindi niya alam na kulang pala sa kanyang buhay. I want to be with you forever. And he meant it. Mahal niya ito at lalabanan niya ang kahit na sino kung kinakailangan, manatili lamang silang masaya at magkasama. They ate the rest of the meal with smiles on their faces and love floating in the air. Pagkatapos ay magkatulong silang nagligpit at naghugas ng pinagkainan. Now's my chance, sabi niya sa sarili. Katatapos lamang nilang ayusin ni berly ang mga hinugasang pinggan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD