* * Kylie's POV * *
Pabalik-balik ako sa paglalakad sa harap ng kama ko habang iniisip ang isang buwang palugit na ibinigay sa akin nina Mom at Dad.
Pagkatapos namin mag-lunch ng parents ko, dumiretso ako sa kwarto para pag-isipan kung ano ang magiging plano ko tungkol sa pagpapakilala ng "boyfriend" ko sa kanila, kahit ang totoo ay wala naman akong nobyo ngayon.
"s**t, Kylie, bakit kasi isang buwan lang ang sinabi mo? Sana ginawa mo nang limang buwan o higit pa. Ngayon, problemado ka tuloy kung saan ka hahanap ng boyfriend na ipapakilala kay Mom at Dad," naiinis kong sabi sa sarili ko habang iniisip kung ano ang gagawin ko sa loob ng isang buwan.
Nahihirapan din akong mag-isip kung paano ako magkaka-boyfriend. Hindi dahil walang nanliligaw sa akin, kundi dahil lahat ng mga nanliligaw sa akin ay hindi ko naman gusto.
Wait, what if I hire a boyfriend? I whispered to myself. Damn, but how? Muli kong bulong sa aking sarili.
"Yeah," naka-ngiting sabi ko nang maalala ko ang taong pwedeng tumulong sa akin na makahanap ng hired boyfriend. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa ibabaw ng maliit na drawer sa tabi ng kama para tawagan ang best friend ko na maaaring makatulong sa problema kong ito.
"Where are you, Jake Tuazon?" tanong ko sa kaibigan kong si Jake nang sagutin niya ang tawag ko. Narinig ko pa sa kabilang linya ang malalim niyang buntong hininga.
"Why?" tipid niyang sagot.
"Damn you, Mr. Tuazon! Pwede ba, sabihin mo na lang kung nasaan ka?" mariin kong wika sa kanya. Dahil may nalalaman pa siyang 'Why why.'
"Nandito ako sa bahay ni Billy," he said. Ang tinutukoy niyang Billy ay ang kuya niya na para din niyang bestfriend. Because, they are very close to each other.
"Kailangan natin magkita," walang paliguy-ligoy kong sabi.
"No," tipid niyang sagot muli.
"And why?" naiinis kong tanong sa kanya.
"Kylie Cortez, and soon to be Kylie Ditayuan, I'm busy," tugon niya na nagpainit ng tainga ko. Dahil sa sinabi niyang 'Kylie Ditayuan'—well, Jake knows about that damn man na hindi tinatayuan ng sandata. Actually, Deno Ditayuan is a man na may kunting problema sa pag iisip, like isip bata. Kaya hindi ko maintindihan si Mom and Dad kung bakit gusto nila akong ipakasal sa lalaking 'yon. Or maybe because ka partner nila ang parents nito sa business nila. Even tho I don't understand them why.
"Damn you, donkey Jake!" halos pasigaw kong mura sa kanya sa kabilang linya. Tinawag ko pa siyang 'donkey' na madalas kong tawag sa kanya kapag iniinis niya ako. At siya naman ay tinatawag ako sa pangalan ko with that damn last name. Nakilala ko si Jake sa America noong kami pa ng ex-boyfriend ko na si Bry. He is a car racer at naging kalaban siya ni Bry sa isang malaking car race. Si Jake ang nanalo sa race na iyon, at kung hindi ako nagkakamali, nanalo siya ng fifty million dollars. Siyempre, dahil lahat ng ex-boyfriend ko ay mga gago, sa akin binuntong ng hayop na iyon ang pagkatalo niya. Muntik pa niya akong masampal that time, buti na lang at nakita kami ni Jake kaya may nagtanggol sa akin. Simula noon, naging magkaibigan kami ni Jake—at hindi lang basta magkaibigan, naging best friends kami. Actually, maraming nagsasabi na bakit hindi na lang daw kami ni Jake ang magkatuluyan, pero eww—no way! Bukod sa best friend lang talaga ang turingan namin, para na kaming magkapatid ng donkey na 'yon, kaya big no, no way!
"See, Kylie, I know you. Sa tuwing niyaya mo akong magkita, alam ko na may problema ka na naman," aniya.
"Okay, then, just tell me na ayaw mo. Don’t you ever put that last name on my name," inis kong sabi.
"Fine, Kylie Cortez. Kailan?" inis niyang sagot, kaya napangiti na lang ako nang malapad. Alam ko naman na hindi niya ako matiis, lalo na kapag may problema. Ganito lang talaga kami mag-usap, pero deep inside, hindi namin matiis ang isa’t isa kapag kailangan namin ng tulong. 'Yun nga lang, kailangan pa namin magtalo o magmurahan bago kami magkasundo.
"I’ll text you when and where," sabi ko, at binaba ko ang tawag.
"Finally, problem solved," naka-ngiting sabi ko sa sarili matapos ang pag-uusap namin ng best friend ko. Alam ko kasi na kahit gaano kahirap o kabigat ang problema ko, kapag si Jake ang tumulong, magagawan niya ng paraan. Kaya sa kanya rin ako madalas humingi ng tulong—kampante akong maso-solve niya ang problema ko.
"Yaya Cha, where is Mom and Dad?" tanong ko sa kasambahay namin nang makababa ako.
"Ah, umalis po sila. May emergency meeting daw po sa trabaho. Pasensya na po, Ma’am, nakalimutan kong sabihin sa inyo. Ipinabilin po nila sa akin na sabihin ko na lang daw po sa inyo dahil nagmamadali po si Ma’am at Sir," paumanhin niya.
"No, it’s okay, Yaya Cha," nakangiting tugon ko.
"Ah, Yaya, do you know what time sila makakauwi?" tanong ko ulit.
"Hindi po, Ma’am. Basta ang sabi lang po ni Ma’am Carla ay baka late na rin sila. Sinabi rin po niya na hindi sila dito kakain ng hapunan," sagot niya.
"Okay, Ya. Thanks," nakangiti kong tugon sa kanya, at tumalikod na ako para umakyat pabalik sa kwarto.
"Perfect," naka-ngisi kong sabi matapos kong isara ang pinto ng kwarto ko.
Tinawagan ko ang dalawang kaibigan kong sina Jessica at Bianca—sila lang naman yung mga kaibigan kong "bar is life." Tuwang-tuwa pa sila nang sabihin ko na lalabas kami tonight. Sila rin yung mga kaibigan kong laging sinasabi ni Dad na bad influence sa akin. Pero alam kong hindi 'yon totoo dahil choice ko naman lahat ng ginagawa ko sa buhay ko, at walang nagsabi ni isa sa kanila na gawin ang mga hindi dapat gawin. Si Jessica at Bianca ay ka-edad ko lang din. Like me, lagi ring sinasabi ng parents nila na wala raw magandang nangyayari sa buhay nila. Siguro kaya kami magkakasundo dahil pare-pareho kaming sakit ng ulo ng pamilya namin.