bc

SHE HIRED ME (BARKADA SERIES 6) [18+] Jass & Kylie

book_age18+
14
FOLLOW
1K
READ
drama
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

**Jass Lucas**: Gwapo at masipag, ngunit sa kabila ng kanyang kagwapuhan, kahit nasa 28 taong gulang na siya ay hindi pa niya naranasang magkaroon ng girlfriend. Sa madaling salita, sa edad niyang 28, No Girlfriend Since Birth (NGSB) pa rin siya.

"Anak ng pambihira, dude! Alam kong NGSB ako, pero hindi naman ako ganoon kababang uri ng lalaki na magpapabayad basta masabi lang na may girlfriend ako," asik ni Jass sa kaibigan niyang si Jake nang alukin siya nito ng "boyfriend for hire." Naghahanap kasi ang kaibigan ni Jake ng lalaki na puwede niyang ipakilala sa magulang niya.

"Bro, relax. No touch, no feelings ang iaalok sa'yo ng kaibigan ko. Kailangan niyo lang magpanggap na mag-syota sa harap ng parents niya," tugon ni Jake.

**Kylie Cortez**: Magandang babae, mayaman, pero puro gimik lang ang inaatupag kasama ng mga kaibigan niya. She's 30 years old at sa edad na 30 ay hindi pa rin niya nahahanap ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso. May mga past boyfriends naman siya, pero hindi siya ganoon kaseryoso sa kanila kaya hindi rin nagtagal ang mga relasyon niya.

Si Kylie ay naghahanap ng lalaki na puwede niyang maipakilala sa magulang niya, dahil kung hindi, ipapakasal siya ng mga ito sa taong ayaw niya—Anak ng ka-business partner lang ng daddy niya. Ang masama pa, may pagka-abnormal ang taong ipapakasal sa kanya, kaya naman napilitan siyang humingi ng tulong sa best friend niyang si Jake Tuazon. Para i-hanap siya ng fake boyfriend niya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER-1
"Where are you, Kylie Cortez?" nagpipigil sa galit na tanong ng daddy ni Kylie sa kabilang linya ng sagotin niya ang tawag nito. "Dad, puwede mamaya na? Inaatok pa ako!" sagot niya sa boses na antok habang naka-dapa sa kanyang kama at naka-pikit pa ang kanyang mga mata. "Answer me! Nasaan ka?" halos pasigaw nitong tanong muli. "Dad, I'm just here in my room," sagot niya muli. Napa-buntong hininga na lang ang kanyang ama. Ang buong akala ng daddy ni Kylie ay hindi siya umuwi kaya tinawagan niya ito. *FLASHBACK* "I think walang balak umuwi yang anak mo, Carla, kaya mabuti pa magpahinga na tayo, dahil mag-aalauna na ng madaling araw," naiinip at nagtitimpi sa galit na wika ni Kayler sa kanyang asawa na si Carla. Sabay tayo niya sa kaniyang kina-uupuan. Nasa sala sila habang hinihintay ang pag-uwi ng kanilang anak na si Kylie. "Mabuti pa nga hon, dahil inaantok na rin ako," Carla's reply him, at sumunod na rin siya sa kanyang asawa. "Alam mo, sa tingin ko sinasadya ng anak mo na wag umuwi para makaiwas siya sa atin," wika ni Kayler sa asawa niyang si Carla habang naglalakad sila paakyat sa kanilang kwarto. "Malamang, kahit sino naman ay iiwas lalo na kung ipapakasal ka sa lalaking hindi mo naman mahal at kilala at higit sa lahat, sa isang abnormal pa," mahinang tugon ni Carla sabay irap niya sa kanyang asawa. "Hon, alam mong ayoko rin siyang ikasal sa taong hindi niya mahal, pero anong magagawa ko kung binibigyan ako ng anak mo ng dahilan para gawin ito sa kanya? She is 30 years old now at kailangan na niyang mag-asawa para tumino siya. Sa edad niyang 30 years old, tignan mo kung nasaan siya, nasa labas kasama ang mga kaibigan na wala ring ambisyon sa buhay," mahabang tugon nito sa kanyang asawa. "Pero hon, sinabi na niya sa atin na may boyfriend siya," Carla said. "Tatlong taon na niyang sinasabi 'yan, pero hanggang ngayon wala namang siya napapakilala sa atin," muling tugon ni Kayler. "Baka naman kasi hindi pa handa ang anak mo na mag-asawa, hon." "At kailan siya magiging handa? Pag hindi na siya magkakaanak dahil menopause na siya? Ano, tatanggapin mo ba na hindi ka magkakaapo?" iritang wika ni Kayler. Sabay sarado niya sa pinto ng makapasok sila sa kanilang kwarto. *END FLASHBACK* "Yaya!! Yaya Cha!!" malakas na tawag ni Kayler, ang daddy ni Kylie, sa kasambahay nila matapos niyang ibaba ang tawag. "Yes po sir?" tanong ng kasambahay ng makalapit ito sa kanya. "Go to Kylie’s room now and wake her up. Katokin mo ng katokin ang pintuan niya hanggang sa magising siya," utos nito sa kasambahay na si Kai. "Okay po sir," tugon naman ng kasambahay at dali-dali na siyang umakyat patungo sa taas kung nasaan ang kwarto ni Kylie. "What's happening?" takang tanong ni Mrs. Cortez habang pababa siya sa malawak na hagdan. Nakasalubong din niya ang kasambahay na nagmamadaling umakyat. "What's happening here, hon? Why don’t you ask your daughter, Carla?" nagpupumigil sa galit na sagot ng mister niya. "Where is she?" tanong ni Carla sa asawa ng tuluyan itong makababa. "I'm here, mom," sabay-sabay na napa-lingon ang mag-asawang Cortez at napa-tingala ng mag-salita si Kylie mula sa taas ng hagdan. "See, look at her," inis na wika ni Kayler ng makita nila ang ayos ng kanilang anak na papungas-pungas ang mga mata at animo'y dinaanan ng malakas na hangin ang kulot nitong buhok na hanggang bewang ang haba. "Kylie, anong oras ka umuwi?" seryosong tanong ng mommy Carla niya sa kanya ng makalapit ito sa kanila. "Alam mo ba kung anong oras na ngayon?" nagpupumigil sa galit na tanong naman ng kanyang daddy Kayler. "Chill, mom, dad. Puwede isa-isa lang ang tanong? Mahina ang kalaban niyo," tugon niya na lalong nagpa-dilim sa aura ng kanyang daddy na kanina pa nagpupumigil sa galit sa kanya. "Kylie, tanghali na at ngayon ka lang nagising, ano bang balak mo sa buhay mo?" galit na tanong ng daddy niya sa kanya. "Dad, late na rin ako natulog kaya late rin ako nagising," pangangatwiran niya. "Ang ayos ng usapan natin kahapon, Kylie. Na umuwi ka ng maaga dahil may pag-uusapan tayo, pero anong ginawa mo? Listen now, Kylie and take it seriously dahil kung hindi, hindi mo gugustuhin ang gagawin ko," banta ng kanyang daddy. "Hon," mariing wika ng mommy niya sa kanyang daddy para ito'y pigilan. "Just give me time, dad," malumanay niyang wika. "Time? Until when, Kylie? Nakakainis marinig 'yan, it's been 3 years at hanggang ngayon yan pa rin ang naririnig namin," galit na wika ng kanyang daddy. "Dear, listen, if you really have a boyfriend then ipakilala mo siya sa amin. Nag-aalala lang kami sa'yo na baka habang buhay ka nang maging ganyan. Hindi habang buhay na kasama mo kami, at gusto lang namin ng daddy mo na at least makita man lang namin na magkaroon ka ng pamilya, ang apo namin," malambing na saad sa kanya ng kanyang mommy Carla. "Fine, mom, dad. Ipapakilala ko siya sa inyo within 1 month," Kylie said, na kinangiti ng kanyang mommy Carla habang ang kanyang daddy Kayler napa-hinga ng malalim. "Make sure, Kylie, dahil alam mo na ang mangyayari sa'yo pag binalewala mo ang gusto namin ng mommy mo. Hindi mo naman siguro gugustuhin makasal sa anak ni Mr. Manuel Ditayuan, na si Deno," seryosong banta ng kanyang daddy. Tss, baka lalo kayong hindi magka-apo pag 'yon ang pinagpilitan niyo sa akin. Abnormal na nga ang Deno na 'yon, ang sagwa pa ng last name. 'Ditayuan,' paano papasok ang sandata no'n kung Ditayuan 'yon? Damn, I can't imagine myself na gano'n ang magiging last name ko. Ani ng kanyang utak. "Don't laugh, Kylie, dahil seryoso kami ng mommy mo," wika muli ng kanyang daddy nang mapansin nito na natatawa si Kylie. "I'm not, dad," aniya, kahit ang totoo ay gustong-gusto na niyang tumawa ng malakas dahil sa kanyang pinag-iisip. "Dear, go back to your room and fix yourself. Sabayan mo kami ng daddy mo mag-lunch," malambing na saad ng kanyang mommy. Napa-tingin na lang si Kylie sa kanyang ayos matapos ang sinabi ng kanyang mommy, naka-pantulog pa siya at ni hindi pa siya nakapag-toothbrush o mumog man lang. Dali-daling umakyat si Kylie para makaligo bago niya sabayan sa hapag kainan ang kaniyang mommy at daddy.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook