Chapter 01
SHINA.
Napatingin ako sa phone ko. It's already 12:46 AM pero hindi parin ako makatulog. May pasok bukas pero hindi talaga ako dalawin ng antok kaya naiinis na ako. Hindi ko naman pwedeng guluhin si Solar dahil alam kong tulog na ang babaeng yon.
Tumayo ako at bumaba para uminom ng gatas. Napatingin ulit ako sa i********: post ni Kei. I sighed and stop myself from crying, nakakainis naman! Ilang taon na ang nakakalipas pero hindi parin mawala-wala yung pesteng pagmamahal na nararamdaman ko sakanya. Nang maubos ang gatas na kinuha ko ay bumalik din ako agad sa kwarto ko at humiga. I forced myself to sleep. Damn! I need to go to school early!
Nagising ako na masakit ang ulo ko. Lack of sleep! I check the time on my phone. Hindi pa naman ako late kaya bumangon na ako at nagtungo sa banyo para gawin ang morning rituals ko.
Matapos ang isang oras ay presentable na akong tignan. Tinatamad akong mag-ayos kaya sinuklay ko lamang ang buhok ko at bumaba na para mag-almusal.
"Goodmorning anak." It was my mother's voice.
"Goodmorning too mom. Where's dad?" Tanong ko.
"Did someone call me?" Napangiti ako nang marinig ang boses ni dad.
"Goodmorning dad!" Bati ko.
"Goodmorning din anak." Bati naman niya pabalik. Gusto ko sanang mag-breakfast pa kaso may naalala akong gagawin ko pa kaya kumuha lamang ako ng sandwich.
"You'll eat that for breakfast?" Tanong ni mommy kaya tumango ako.
"I still have something to do mom!" Sabi ko at humalik sa pisngi nila at nagmamadaling lumabas. I went inside my car and connected my phone on my car's speaker and drove off. Moira and Ben and Ben's Paalam suddenly played while I'm driving.
Pag-asa nasaan ka?
Bat sumama sa paglisan niya?
Kung babawiin ang mga nasabi
Babalik ba sa aking tabi?
I sighed and just focused myself on driving. Ayokong maaksidente no!
Saan ba magsisimula?
Kung ako'y umaasa pa
Naniniwala sa'yong pangako
Na hinding-hindi susuko
Inis na pinindot ko ang next play button dahil kung ano ano na naman naiisip ko.
Umiling ako at huminga ng malalim, binilisan ko ang pagpapatakbo para makarating agad sa school. Dumiretso ako sa room at naabutan ko si Solar na nagbabasa ng notes niya.
"Goodmorning!" Bati ko sakanya kaya napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Goodmorning din Shina!" Bati niya pabalik kaya umupo ako sa tabi niya.
"Hindi ka late pero malapit na magsimula ang klase." Natatawang sabi niya kaya ngumuso ako.
"I'm still sleepy." Reklamo ko at humikab, sakto namang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ng klase kaya kahit antok na atok pa ay umayos na ako ng upo dahil pumasok na din ang guro namin ngayon.
"Hintayin mo ako Shina, I'll just find Moon." Pagkatunog ng bell ay iyon agad ang sinabi ni Solar kaya tumango ako at inayos ang mga gamit namin. Mukhang nag-cut na naman ng klase si Moon. Huling klase na namin ngayon at kaninang umaga pa ako bagot na bagot.
Nang nainip ako ay agad akong nag-message kay Solar na may pupuntahan kami kaya bilisan niya.
Wala na kaming klase ng 2 PM kaya hinihintay ko nalang talaga si Solar dahil hindi ko na alam saan napadpad ang babaeng yon dahil ang tagal niya.
"Andito na ako Shina! Saan tayo pupunta?" Tanong niya kaya tumayo na ako at kinuha ang bag ko kaya kinuha ko na din ang bag niya.
"Let's go to the Music Room!" Nakangiting sabi ko at hinila siya palabas ng room.
Pagkarating namin sa loob ay inilagay ko ang bag ko sa isang upuan na naroon at may mga ginalaw sa mga electronics na nakalagay dito at ibinigay kay Solar ang isang microphone.
"You know how to sing right? Let's sing." I said and showed her my phone. Nangiti siya, mukhang alam niya ang kantang ito. May pinindot akong button and I motioned her to start singing.
When the song ended ay agad kong pinatay ang microphone at nanghihinang napaupo sa sahig, agad naman akong dinaluhan ni Solar kaya nag-iyakan kami pareho. Di ko na napigilang sabihin sakanya ang bagay na matagal nang gumugulo sa isipan ko pero ayoko munang isiwalat ang lahat.
Lumabas kami ng music room at inaya ko nalang siya na gumala pero bago pa kami makapunta sa kotse ko ay bigla akong natigilan at nagulat sa nakita ko. No way! She's back!
Nang mapansin niya kami ni Solar ay bigla siyang ngumiti kaya bumilis ang t***k ng puso ko. That familiar smile. Oh no!
"Yunice!" Napalunok ako at pinigilan kong umiyak. Damn! Why are you here!?
"V-Victoria..." Nang mapansin ni Solar ang pagkatigil ko ay siya na ang kumausap kay Victoria. I bit my lower lip dahil kinakausap niya din ako. I am also answering her questions but I'm really not feeling well right now.
Hanggang sa nagpatulong na ito kay Solar na tawagan si Moon. Hindi ako nagsasalita pero halata ang pag-aalala sa akin ni Solar kaya nang matapos ang tawag ay agad siyang nagpaalam kay Victoria. Nagpaalam na din ako at inalalayan ako ni Solar na magpunta sa kotse ko.
"That's her?" I stop myself from crying. This fvcking feelings of mine, when will it disappear?
"Yeah..." I softly answered and I took a deep breath and smiled.
"Tara na, gala na tayo. Wag mo nalang pansinin." Ayoko ng ganitong pakiramdam. I've been feeling this for years already and honestly? Nakakapagod.
"Are you sure you're okay?" Tanong niya kaya ngumiti ako para ipakita na okay lang ako.
"Basta kapag hindi mo na kaya andito lang ako palagi para sayo okay?" I nodded amd smiled at her. She smiled back ang tap my shoulder.
"Hindi kita pipiliting magkwento kung hindi ka pa handa." Sabi niya at nag-thumbs up. Natawa ako ng bahagya, alam ko naman eh. Ganon din naman ako sakanya. I will just be right here always kapag kailangan niya ng kaibigan.
Gumala nalang kami sa kung saan-saan at syempre kumain na din, nag-karaoke din kami at mabuti nalang ay soundproof ang kwarto kung hindi baka sabihan nila kaming baliw. We took our time enjoying hanggang sa inihatid ko na si Solar sa mansion ng mga Lopez. Nang makauwi na ako ay dumiretso na ako sa kwarto ko dahil wala pa si mommy at daddy. Ayoko pa man din ng nag-iisa. Bakit ba siya bumalik dito? She should be in New York with Kei right? Why did she came back?
Whatever the reason is, I should refrain myself getting attached to her. Tumayo na ako at nagbihis. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip, what a day! I took a deep breath and grab my phone. I stalk her IG but nothing is helpful, gusto ko siyang tanungin kung bakit siya bumalik pero ayokong magkaroon siya ng maling ideya.
Sa huli ay kinuha ko ang itim na box na nakasiksik sa pinakadulo ng ilalim ng kama ko. Inilapag ko ito sa kama ko at tinanggal ang alikabok sa ibabaw. Binuksan ko ito at napangiti, this box holds a lot of memories. Kinuha ko ang maliit na glass bottle na may nakalagay na dalawang butterfly sa loob, it's color white and yellow. Kahit na ilang taon na ang lumipas, it's still glowing and natutuwa ako.
Sunod na inilabas ko ang isang photobook kung saan nandito nakatago ang lahat ng mga larawan naming dalawa na magkasama. Binuksan ko iyon at nakaramdam ako ng sari-saring emosyon na hindi ko nagustuhan. Nanghihinayang din ako sa mga 'what if' na nasa utak ko. But my sacrifice is worth it right? Masaya na si Kei and so is Victoria. I'm done with my part. I did everything that I could.
I bit my lower lip when I can feel a stab in my chest. It hurts, it still damn hurts! I covered my mouth to supress my sobs. I clenched my fist and curled on my bed. The pain is still killing me. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na dapat maging masaya ako para sakanila ay hindi ko magawa. Victoria looks more beautiful now, she looks more alluring than before and it scares me. It scares me because she's back and I can't help but to admire her more. I got up in a sitting position and rested my back on the headboard of my bed. Bumalik ang tingin ko sa box na nakabukas parin. The pink envelopes caught my attention, napangiti ako ng mapait. Kung naging matapang lang ako noon, sana ay hindi ako nagkakaganito ngayon. Walang pinagbago, ako parin yung mahinang babae na nagmamahal kay Victoria at sobrang tanga ko dahil don. I lost my chance end she end up with my sister. Everytime I see their IG posts, hindi ko mapigilang sabihin na that should be me holding her hand.
Hindi naman dapat ganito nag maramdaman ko diba? Kasalanan ko ito kaya ako lang ang dapat sisihin. It's my fault why she end up with someone else and the painful part? She ended up with my sister.