SHINA. Nagising ako ng maaga dahil naisipan kong dumiretso nalang kina Solar dahil alam ko naman na wala rin akong pakinabang dito sa bahay. Naabutan ko si Kei at Victoria sa garden na nagtatawanan habang kumakain ng breakfast. Didiretso na sana ako sa labas nang biglang tawagin ni Kei ang pangalan ko kaya napalingon ako sa kinauupuan nila. Tumayo si Kei at nakangiting nilapitan ako. "Have some breakfast with us bago ka lumabas." Nakangiting sabi niya pero bago pa ako makatanggi ay hinila na niya agad ako. Napatingin ako sa kamay niya nang mapansin na suot niya ang bracelet na binigay ko sakanya kaya napangiti ako. "She'll eat with us." Nakangiting sabi ni Kei at tinabihan na si Victoria paupo. Tinignan lang ako ni Victoria kaya nawala ang ngiti ko. What's her problem? "Layuan mo na y

