SHINA. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko dahil sa kalokohan na naman ni Victoria. Maayos yung mga kuha sakanya pero yung mga pose niya talagang maibabato mo sakanya ang camera. Nandito parin kami sa Ma-Cho Temple dahil busy pa sila sa pagkuha ng larawan at ako, na-stuck sa siraulong si Victoria. Nakita ko si Venice na kinukuhanan ng larawan ni Thunder ng palihim kaya natawa ako at napailing. Nakita ko pa ang pagngiti ni Thunder nang mapansing maganda ang kuha niya kay Venice. Napunta naman ang tingin ko kay Solar na nagso-solo at kumukuha ng larawan. I noticed Moon not faraway from her, she looks bored pero panaka-naka ang pagsulyap niya kay Solar kaya napailing nalang ako. "Is everyone already done? Let's go to Bauang." Biglang sabi ni Moon na hawak na ang kamay ni Solar haban

