SHINA. Napatingin ako sa pampang nang mapansin na hindi pa lumulusong sa tubig si Solar. Nandoon din si Moon at mukhang seryoso ang pinaguusapan nila. Halata sa mukha ni Solar na nahihiya samantalang si Moon ay mukhang amused na amused sakanya kaya napailing nalang ako. Yung dalawang yon talaga hindi ko maintindihan palagi lalo na yung takbo ng isip ni Moon kaya laging olats yung bestfriend ko eh. "Owーshit!" May dalawang brasong pumulupot sa akin pagkatapos ay binuhat ako papunta sa malalim na parte kaya napatili ako. Nang makaahon ako ay agad kong sinugod si Victoria dahil siya lang naman ang siraulong mahilig mantrip sa amin! "Siraulo kang unggoy ka!" Inis na sabi ko at sinabuyan siya ng tubig kaya ang ending nagsabuyan na kami lahay ng tubig. Mabilis akong lumayo sakanila pero nagul

