SHINA. Pagdating ko sa unit niya ay nag-enter agad ako ng password niya. Sinend niya sa akin yung password niya kanina kaya dire-diretso na ako sa loob. Inilapag ko ang bag ko sa sala niya at dumiretso sa kusina para ilapag ang mga pinamili ko. Malinis naman ang unit niya. Sabagay doon naman siya kay Tita Sapphire nakatira ngayon. Kumatok muna ako bago pumasok sa pinakaunang pintuan na nakita ko. "Victoria?" Narinig ko ang mahinang ungol niya kaya napalunok ako. Her bedroom is clean and neat. It's a combination of black and white. Lumapit ako sakanya na nakatalukbong at agad sinalat ang noo at leeg niya. "Inaapoy ka ng lagnat!" Sabi ko. Gumalaw naman siya at akmang tatayo na nang bigla niya akong hilain ng malakas kaya ang ending ay nasa ibabaw na niya ako. Biglang bumilis ang t***k ng

