SHINA. It's already noon at kasabay namin si Eric na kumakain ng lunch. May ibinigay sa akin si Moon kanina na isang invitation. Nakilala din ni Solar ang mommy ni Lacey at Tita ni Ate Night. Speaking of Ate Night, dumating na din pala siya dito sa Pilipinas. "You okay?" Tanong ni Solar kaya tumango ako. Dapat siya ang tinatanong ko ng tinanong niya. Mabilis na lumipas ang oras at saktong uwian na nang magpaalam si Solar dahil sasamahan daw niya si Moon. Lumabas din ako kaagad pagkaayos ko ng gamit ko. Wala nga pala akong dalang sasakyan dahil sinundo at hinatid ako dito ni Victoria kanina. Napapikit ako at huminga ng malalim. Nag-text nalang ako sa driver namin na sunduin ako. Si mommy na ang bahala sa susuotin ko dahil sigurado akong nakarating na din sakanila ang invitation para sa

