SHINA. Tinanggal ko ang pagkakaakbay sa akin ni Victoria at sinamaan ko siya ng tingin. Kung makalandi akala mo walang girlfriend! "Umayos ka nga Victoria. Kukurutin kita sa singit." Inis na sabi ko na ikinatawa nila. Iniba na ni Solar ang topic kaya nawala na sa amin ang atensyon nila. Nang matapos kumain ay tinulungan ko si Solar na magligpit ng pinagkainan. Si Victoria at Thunder naman ay nagpunta ng grocery store para bumili ng stocks para mamayang gabi. "Ayos ka lang?" Biglang tanong ni Solar kaya tumango ako at ngumiti. "Hindi ako umamin kay Victoria dahil alam kong mahal siya ng kapatid ko at ayokong hadlangan ang pagmamahal na iyon." Naramdaman kong natigilan si Solar at napatingin sa akin. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at ipinagpatuloy ang paghuhugas ng pinagkainan. "I lov

