XANTINA’S POV Umiikot na ang paningin ko. Malapit ko nang maubos ang alak na iniinom ko. Alam kong lasing na ako pero tila kahit ilang alak pa ng inumin ko ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nalaman ko. Hindi ako anak ni Mama. Anak ako sa labas ni papa. Hindi ko alam kung sino ang tunay kong ina. Pinilit kong tumayo kahit parang matutumba na ako dahil lumalalim ang inaapakan ko. Dala-dala ko pa rin ang bote ng alak na tinutungga ko kanina. Mataas pa rin ang sikat ng araw ng makalabas ako. Mabilis akong sumakay sa sasakyan at pinaandar ko iyon pero pinilig ko ang ulo ko dahil napapapikit ako. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ko pero nagulat ako nang may sasakyang biglang sumulpot patawid kaya mabilis kong niyakan ang preno pero imbes pero hindi na umabot. Mariin na lang akong napapi

