XANTINA’s POV “SAGUTIN N’YO AKO! AM I NOT YOUR DAUGTHER?!” Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko. Puno ng tanong ang isip ko ngayon. Habang si Mama at Papa, tila hindi alam kung ano ang isasagot sa akin. “I am sorry,” saad ni Papa. Sapat na ang salitang iyon para makumpirma ko ang totoo. Hindi ako anak ni Mama. Kaya ba ganito siya sa akin ngayon? Kaya ba wala na siyang pakialam sa nararamdaman ko? Dahil hindi naman niya ako tunay na anak? Muling tumulo ang mga luha ko. Parang may parte ng pagkatao ko ang biglang kinuha sa akin. Nanginginig ako at hindi ko alam kung manunumbat ba ako, magtatanong o tatakbo palayo. Pero sa kabila ng lahat ay para akong na-magnet sa kinatatayuan ko. “No. Arnold, ano ba?!” saad ni Mama na parang sinasaway si Papa. “X, you are my daughter. Mama mo ako, h

