XANTINA “Why do you look shocked?” mapanuyang tanong ko kay Papa. Umayos siya ng upo. “Dahil mula nang maniwala ka sa ina mo na may mga babae ako, tumigil ka nang pumunta sa opisina ko. Anong nangyari at bigla mong naisipang pumunta doon ngayon?” “Sinasabi mo bang wala kang naging babae?” matapang na tumingin ako sa kaniya. “Paano mo ipapaliwanag ang nakita ko noon? At ang babae mo ngayon?” “You will never believe me so what’s the use of answering your question?” balik tanong niya sa akin. Dahil puro kasinungalingan lang naman ang sinasabi niya. Noong una ay akala ko selosa lang si Mama, na baka hindi totoong niloloko siya ni Papa pero nakita ko mismo kung paano may babaeng humalik sa kaniya kaya mula noon, napatunayan kong hindi lang pala tamang hinala ang ina ko. Talagang nagloloko

