XANTINA “What’s wrong?” tanong ni Yohan habang hinahagot niya ang buhok ko. Umiling ako habang nanatiling nakayakap ako sa kaniya. “Come on. Tell me.” Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. Tiningnan ko ang mukha niya. “Boyfriend na kita, hindi ba? So pwede na kita yakapin kahit kailan ko gusto,” saad ko at muli siyang niyakap. Naramdaman kong mahina siyang natawa. “X, I love that you are hugging me now. But I can feel that there is something wrong.” I sighed. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at tumayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko bago niya ako hinila paupong muli sa kandungan niya. Hinawakan niya ang baba ko para ang mukha ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin. Iyong ngiti na hindi ko nakikita sa kaniya noong dumadalaw siya sa bahay namin. Nasisilayan ko na ngayon.

