XANTINA’S POV Tinatamad na minulat ko ang mga mata ko. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Tahimik. Bumangon ako pero natigilan ako nang maramdaman kong wala akong saplot at nang mapatingin ako sa may paanan ay nakita ko pa roon ang damit na sinuot ko kaninang madaling araw. Nakagat ko ang labi ko at mabilis akong bumangon. Patakbo akong nagtungo sa bathroom. Namumulang tumingin ako sa salamin. Naalala ko ang nangyari kaninang madaling araw. Hindi na ako single. Boyfriend ko na si Yohan. Sinampal-sampal ko ang magkabilang pisngi ko para magising ako bago ako mabilis na naghilamos. Matapos naming mag-usap kagabi, nauwi pa rin kami sa kama. Sinuklay ko ang buhok ko. Hindi naman sa pinagsisihan ko ang nangyari sa amin. Hindi lang ako mapapaniwala na kay Yohan ako babagsak. Muli k

