She and the 7 boys OVA
(Princess back story)
Chapter 13
Bata palang si Princess ay masiyahin na ito,kung kayat tinawag siyang Prinsin ang pinagsmang Princess at masayahin, ang kaniyang ina ay isang labandera at ang kaniyang ama ay mayamang negosyante ngunit, hindi kinilala ng kaniyang ama si Princess bilang anak at itinaboy ito kasama ng kaniyang ina, "princess magkwento ka nga, yung kwento ng lalake at ang dagat" ani ng isang batang kalaro ni Princess, "oo nga Princess napakaganda kasi ng kwento mo" ani naman ng isa pa nyang kalaro, "sigi na nga, magkwekwento na ko" sang ayon naman ni Princess na isang paslit at maliit na dugyuting bata ng mga panahong iyon, agad na nagsiupo ang kaniyang mga kalaro para makinig sa kwento ni Princess, ilang oras din itong nagkwento, "Princess!" Sigaw ng isang babae na tiyahin ni Princess, "naglalaro ka na namang bata ka, dika pa nakapagsaing, bwisit ka talaga" galit na galit na ani ng kaniyang tiya, "sandali lang ah magluluto lang ako" ngiting sabi ni Princess sa kaniyang mga kalaro, "aww na naman, di mo na naman tinapos" dismayadong sagot ng kaniyang mga kalaro, "bilisan mo nakakabwisit ka" galit na galit na sabi ng kaniyang tiya, "opo nanjan na po" ngiting sagot naman ni Princess,ng nakalapit si Princess ay bigla siyang pinalo ng pagkalakas lakas dahilan para lumuha siya, "ok na po ba" ngiting ani ni Princess habang tumutulo ang luha, "anong ngiting ngiti mo jan bilisan mo" sigaw ng kaniyang tiya, sumunod na lamang si Princess sa utos ng kaniyang tiya, "buwisit na bata walang ibang ginawa kundi maglaro" nagiinit na bulong ng kaniyang bruhang tiya, sa mga nakalipas na oras ay nagtrabaho si Princess habang paulit ulit siyang pinapalo ng kaniyang tiya,ngunit ngumingiti parin siya habang lumuluha, nagsawa ang kaniyng tiya sa pang aabuso kay Princess at natulog nalang ito dahilan upang pumunta si Princess sa kaniyang ina, "inay nandito na ako" masayang ani ni Princess habang dahan dahan niyang binuksan ang pinto, "anak ikaw bayan" ani ng kaniyang ina na nakahiga sa may dayami at hinang hina, "oo nay may dala akong pagkain" ani ni Princess at agad siyang umupo sa tabi ng kaniyang kaawaawang ina, "heto inay kumain kayo" ani ni Princess, "wag na anak kainin mo nayan mas kilangan mo yan" ngiting sagot ng kaniyang ina habang umuubo ng malala, "ngunit inay ilang linggo na kayong hindi kumakain" nagpupumilit na ani ni Princess, ngumiti lamang ang kaniyang ina at hinawakn ang ulo ni Princess, "gusto mo bang kwentuhan kita ulet tungko sa lalake at dagat" hinang ani ng kaniyang ina, "opo inay" masyang sagot ni Princess, nagsimulang magkwento ang kaniyang inay, at halatang hirap itong magsalita, " nay nakita niyo na ba ang dagat" biglaang tanong ni Princess, "oo, npakaganda ng dagat napapalibutan ito ng puting buhangin at kitang kita ang paglubog ng araw" masayang sagot ng kaniyang ina habang inaalala ang nakalipas, "Princess tandaan mo kahit anong mangyari masama man o hinde wag kang hihinto sa pagngiti,kahit na ang buong mundo ay huhusga sayo" matanang payo ng kaniyang ina habang palala ng palala ang kaniyang ubo, "opo inay tatandaan ko yan, kahit maghapon akong paluin ng bruha kong tita ngingiti at ngingiti parin ako" ngiting sagot ni Princess sabay yakap sa kaniang ina na hinang hina, matgal na niyakap ni Princess ang kaniyang ina habang kinakanta ang kantang tinuro ng kaniyang ina matagal na panahon na, "nay pwede mo bang ituloy ang kwento mo" tanong ni Princess sa kaniyang ina, ngunit hindi ito sumagot, "nay" pilit na ani ni Princess ngunit hindi parin ito sumasagot o dumilat man lang, naluha si Princess habang ginigisng ang kaniyang ina na malabo ng magising, naalala ni Princess ang payo ng kaniyang ina at pilit siyang ngumiti kahit na derederetso na ang tulo ng kaniyang luha, "nay gising na kwekwentuhan mo pa ako diba" ani ni Princess habang patuloy ang agos ng kaniyang luha ngunit nakangiti, di maitatangging wala na ang kaniyang ina pero inisip na lamang ni Princess na tulog lang ito, niyakap ni Princess ang kaniyang ina ng mahigpit at saka ito natulog, sa madilim na bahay na dayami lang ang higaan at butas butas ang ding ding, malamig na gabi ang sumalubong kay Princess sa kaniyang pagtulog, mahigpit niyang niyakap ang kaniyang ina ngunit pati ito ay malamig na, di nakatiis si Princess at tumayo ito saka tumakbo ng mabilis papuntang bahay ng kaniyang tiya, "tiya..tiya..tiya!" Sigaw ni Princess habang kumakatok ito ng malakas, agad na nagising ang kaniyang tiya , at binuksan ang pinto, "ano bang problema mong bata ka gabing gabi na!" Galit na sigaw ng kaniyang tiya, "si inay ayaw gumising kahit anong gawin ko" nakangiting ank ni Princess ngunit lumuluha ang mata, "huh eh di patay na siya, tssk mabuti naman at namatay na ang matandang yun" natatawang sagot ng kaniyang bruhang tiya, "huh ano pong ibig niyong sabihin" nagtatakang tanong ni Princess, "hindi mo ba narinig ang sinabi ko, patay na ang inay mo, buti nga sa kaniya parehas lang kasi kayong wala halaga" sigaw ng kaniyang tiwa at saka hinampas ang pinto at sinara ito, natulala na lamang si Princess at inisip ang payo ng kaniyang inay, biglang siyang ngumiti ngunit ganundin ang buhos ng kaniyang luha saka tumingala sa langit ,"inay kaya ko pa bang ngumiti" tanong nito sa madilim na kalangitan, tumigil sa pagngiti si Princess at dito na siya umiyak ng umiyak dahil di naniya kaya ang sakit na kaniyang nararamdaman, tumakbo siya habang bumubuhos ang luha papuntang kagubatan, "bakit, bakit, bakit nangyayari sakin to" sigaw ni Princess habang tumatakbo at patuloy na umiiyak, napatigil nalang si Princess at nagisip, "dahil ba sa wala akong halaga,kaya ako pinaparusahan ng ganito" tulalang isip niya, dahan dahan siyang nahiga sa tabi ng puno at natulala habang itoy unti unting nakatulog sa madilim na kagubatan at malamig na gabi.